Official entries in MMFF 2009 announced


(Top, from left): Dolphy of Juan, Sharon Cuneta of Mano Po 6, Vic Sotto of Ang Darling Kong Aswang, and Marian Rivera of Nieves; (bottom, from left) Bong Revilla of Panday, Kris Aquino of Ikaw Na Nga?, Manny Pacquiao of WaPacman, and Ruffa Gutierrez of Shake, Rattle & Roll XI.


Isang simple announcement lang ang ginawa ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2009, headed by MMDA Chairman Bayani Fernando, ng eight official entries sa MMFF this year. Ginanap ang announcement sa opisina ng Metropolitan Manila Development Administration (MMDA) along EDSA, Makati City noong July 3.

Ang walong pelikula na kalahok sa MMFF sa December 2009 ay ang mga sumusunod:

MANO PO 6: MY MOTHER (Regal Films) with Sharon Cuneta, direction by Joel Lamangan

NIEVES (Regal Films) with Marian Rivera, direction by Mike Tuviera

SHAKE, RATTLE & ROLL XI (Regal Films) headed by Ruffa Gutierrez

JUAN with Dolphy and Willie Revillame, script and direction by Eric Quizon

IKAW NA NGA? (Star Cinema) with Kris Aquino and Eugene Domingo, direction by Wenn Deramas

ANG DARLING KONG ASWANG (M-Zet Productions) with Vic Sotto, direction by Tony Y. Reyes

PANDAY (Imus Productions-GMA Films) with Bong Revilla, direction by Mac Alejandre

WAPACMAN (Solar Films) with Manny Paquiao, direction by Topel Lee

Kung kasama sa MMFF this year sina Senator Bong Revilla (Panday) at ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao (WaPacman) na nag-announce na ng kanilang candidacy sa coming 2010 elections, ibig sabihin ay walang ban sa kanila na mapanood hanggang sa December 31-although 10 days ang showing ng festival movies, mula December 25, 2009 hanggang January 3, 2010.

Sa ngayon, halos nangangalahati na ang shooting ng Panday ni Bong dahil marami itong special effects na kailangang maagang maipagawa. This month, magsisimula na ring mag-shooting si Manny para may time siyang mag-training para sa susunod niyang laban sa boxing sa October.

Ang Mano Po ni Sharon ang ika-anim na pelikula sa movie franchise na ito ng Regal. Samantalang ang Nieves naman ay spin-off sa episode ni Marian sa Shake, Rattle & Roll X.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN