Villa Estrella will hold international screenings in the US

by Jocelyn Dimaculangan
Jul 7, 2009
Villa Estrella is currently being screened in Philippine cinemas. It features Kapamilya stars Maja Salvador, Shaina Magdayao and Jake Cuenca (bottom left). Geoff Eigenmann (bottom right) is currently a Kapuso star.


"Walang makakatakas, walang makakaligtas sa Villa Estrella."


Ito ang tagline ng Star Cinema horror film na Villa Estrella na siyang mapapanood na ngayon sa mga sinehan. Ito ay umiikot kay Ana (Shaina Magdayao) na laging nakakapanaginip ng mga taong napapatay. Ang kanyang ex-boyfriend na si Alex (Jake Cuenca) ang magdadala sa kanya sa haunted na resort na Villa Estrella. Makikilala ni Ana si Giselle (Maja Salvador) dahil namumukhaan niya mula ito sa kanyang mga panaginip. Si Dennis (Geoff Eigenmann) naman ang lalaking nagpapatibok sa puso ngayon ni Ana.

Maraming mga elemento ang dapat abangan sa pelikula: ang nakakakilabot na set na ginawa para lang sa pelikula, ang underwater and visual effects na pinagtuunan talaga ng atensyon at ang grupo ng mga batang artista tulad nina Maja Salvador, Jake Cuenca, Geoff Eigenman at Shaina Magdayao. Ang Villa Estrella ay idinirehe ni Rico llarde mula sa script nina Joel Mercado, Adolfo Alix Jr. at JP Abellera.

Continue reading below ↓

Ayon kay Direk Rico, ang main character na si Shaina ay isang babaeng may matinding pagdadaanan. "Initially she's disturbed by these recurring dreams na di niya maintindihan kung ano yung source ng parang bangungot nya. The main thrust of the movie is what are these dreams? What do they mean?"


Kwento pa ng direktor, marami silang preparasyon na ginawa para sa underwater scenes na isinama sa pelikula.

"Everytime you bring water to the equation, there's like a extra care and extra preparation, it's very unpredictable when you work with water. In fact, we were building an underwater set for this film so we had to consult with the very best in the industry, si Ms. Marissa Florendo, for lighting underwater and maximizing our underwater set. We've had very detailed discussions on how to shoot it. In fact, throwing your actors into the water is another aspect na pandagdag talaga. Sina Maja at Shaina pinatraining pa namin sa water."

Continue reading below ↓


Iba naman ang anggulong pinanggagalingan ng co-writer na si Joel, "'Yong basic premise ng movie is about loss. Meaning isang taong nawalan ng pag-ibig tapos gusto niyang makahanap ng bago pero finding love again, she finds horror."


Dagdag pa ni Adolf, "she's trying to reconcile many things: personal, 'yong sa relationships niya, tapos to escape she decides to go with friends to Villa Estrella,"


Lahad naman ni JP, "Isa siyang resort kung saan marami nang taong nawawala, so yung kwento natin tungkol ito sa people in their 20's na pupunta sa resort na 'to. Tapos may mga kakaiba silang mararamdaman at isa isa mawawala. So sino nga ba 'yon kumukuha sa mga taong ito at ano ang misteryo sa likod ng Villa Estrella?"


Ito ang schedule ng international screenings ng Villa Estrella sa U.S. (as of July 3, 2009):
DATE
CITY
July 10-16
San Francisco
Cinema: UA Stonestown Twin
July 10-16
San Diego
Cinema: UA Horton Plaza
July 17-23
Los Angeles, Cerritos
Cinema: Cerritos Stadium Cinema


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa international screenings, tumawag sa 1-800-227-9676.


PEP PROMO. Sampung PEPsters ang may tsansa na manalo ng tickets sa regular screening ng Villa Estrella.

Click HERE to join the online promo, which will run until July 8, 2009.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
movies
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Villa Estrella is currently being screened in Philippine cinemas. It features Kapamilya stars Maja Salvador, Shaina Magdayao and Jake Cuenca (bottom left). Geoff Eigenmann (bottom right) is currently a Kapuso star.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results