Kinatay will be screened at UP Diliman, July 30


Cannes Best Director Brillante Mendoza will screen Kinatay (The Execution of P) at UP Diliman on July 30, 2009. This award-winning indie film stars Isabel Lopez (on the bed) and Coco Martin (standing), among others.


Pormal nang inihayag ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza ang nalalapit na Philippine premiere ng pinakabago niyang obra, ang Kinatay (The Execution of P), na official entry ng ating bansa at kung saang pelikula nanalong best director si Mendoza sa 62nd Cannes International Film Festival noong Mayo 2009.

Gaganapin sa July 30, sa UP Film Institute (Cine Adarna) ang premiere night ng pinakahuling napagwagian ng parangal ni Direk Dante (palayaw ni Brillante). Ito rin ang petsa ng kanyang kaarawan.

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan si Dante Mendoza at inulit niya ang naunang balak hinggil sa gagawing school tour kaugnay ng pagpapalabas ng Kinatay.

"Maliban du'n sa mga personal na nag-i-invite sa akin, para sa school tour ng pelikula.... meron pa akong winu-work out, with NCCA (National Commission for Culture and the Arts)," panimula ni Direk Dante.

Ito'y isang outreach program para sa audience build-up ng Kinatay among Filipino students, at mapapanood ang pelikula ng mga mag-aaral na Pinoy sa iba't ibang regions nationwide.

"Outreach talaga siya," sabi pa ni Direk Dante. "Nakakapagod, pero 'yun talaga ang gusto kong mangyari."


Sa iba pang kaugnay na development: hindi makakadalo si Direk Dante sa gaganaping Cinemalaya Congress (July 21 and 22) sa Cultural Center of the Philippines (CCP) dahil naimbitahan siyang maging jury sa gaganaping Locarno International Film Festival, sa Switzerland. Matatandaang nagwaging best picture (video category) sa Locarno Filmfest, noong 2005, ang Masahista (The Masseur) na directorial debut ni Brillante Mendoza.

This year, non-competition entry naman sa Locarno ang Serbis na ipinalabas din noong 2008 sa Cannes (main competition entry), at nanalo rin ng special award sa Barcelona, Spain in May 2009.



NEW WAVE. Kabilang si Brillante Mendoza sa maituturing na "new wave" filmmakers sa pagsisimula ng bagong milenyo. Nasa kalagitnaan ng unang dekada nito nang pasukin niya ang sining ng pagdidirek sa pelikula, sa pamamagitan ng digital indie cinema.

Kamakailan ay muling binigyan ng victory party si Direk Brillante ng ilang piling mga kaibigang kabilang sa GMA-7, sa Techno Wave Celebrity Bar and Concert Hall. Pangatlong victory party na niya ito, na masayang tinatanggap at ipinagdiriwang ni Direk Brillante, kasama ang iba pang mga kaibigan sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana lang, huwag matapos [ang tagumpay] sa film ko, or huwag matapos sa akin," personal na kahilingan ng multi-awarded filmmaker. "Sana, continuous siya. Kasi, mahirap 'yung nag-umpisa ka, tapos, wala nang susunod. Dapat continuous 'yung outreach na 'yon, para mas ma-educate pa 'yung mga estudyante."

Nais din ni Brillante Mendoza na huwag nang maudlot ang tagumpay ng pelikulang Pilipino sa iba't ibang international film festivals, kung ito man ay maituturing na ring isang uri ng kabayanihan ng mga manlilikhang pampelikula.


TRIBUTE. Dahil sa kanyang pagkapanalo bilang Cannes '09 best director para sa pelikulang Kinatay, kabi-kabila nga ang papuring tinanggap ni Brillante Mendoza. Na-feature na rin siya sa iba't ibang TV shows tulad na lang ng documentary shows nina Jessica Soho at Kara David at pati na rin sa Walang Tulugan ni Kuya Germs (German Moreno).

Mayroon ding interview-feature hinggil sa pagwawagi niya, sa Cinemanews Alert ng Cinema One (on Skycable network) at sa programang The Sweet Life ng QTV-11, hosted by Lucy Torres-Gomez.

"Maganda 'yung ginawa nila, sa show ni Lucy Torres sa The Sweet Life," banggit pa ni Direk Dante. Overwhelming ang tribute, na mayroon pang exhibit at gallery ng mga natatanging larawan, at napanalunang trophies mula sa iba't ibang international filmfests, ng lahat ng pelikula ni Brillante Mendoza, kabilang ang Masahista (2005), Kaleldo (2006), Manoro (2006), Foster Child (2007), Tirador (2007) at Serbis (2008).

Matapos ang kanyang Cannes '09 victory, hindi muna magku-compete sa iba pang international filmfests ang Kinatay (The Execution of P). Natatawang pag-ulit ni direk Dante, "Nanalo na kasi kami [sa Cannes], baka matalo pa... nakakahiya, hahaha!"

Marami sa ngayon ang bumabatikos kay Brillante Mendoza, dahil sa diumano'y uri ng pelikula (dark films) na ginagawa niya. Pero hindi rin maikakaila na marami din sa industriya (mga kritiko at taga-media) ang nag-uukol na ng kaukulang respeto sa multi-awarded filmmaker.

At ngayo'y nag-aabang sa nalalapit na premiere night ng Kinatay. Ayon kay Nonoy Lauzon ng UP Film Institute, "The good plan pa rin is a 'stand alone' premiere celebrity gala type, then full run (sa venue na tulad ng UP o CCP) that could be much extended, with certain days of discussions, lectures, question-and-answer fora), and some other screenings handled by student organizations from different schools. That way, mabibigyan pa ng revenue ang pelikula."

"After that, 'yung classroom-type sessions all over the country; for schools na walang malalaking venues or enough student population."

"Ang importante, the film must be shielded from any form of censorship at all costs!" sabi pa ni Lauzon, na sumasang-ayon sa naging hakbang ng direktor hinggil sa pagpapalabas ng pelikula sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN