Judy Ann wins her third trophy from the Golden Screen Awards



"Of course, si Ryan ang inspirasyon ko. Mula nang pumasok ang taon na kasama ko siya, palagi na akong nabibigyan ng parangal. I guess tama ang sinabi ko na he's really my lucky charm," says Judy Ann Santos about her boyfriend Ryan Agoncillo.


Masayang-masaya si Judy Ann Santos sa pagkapanalo niya para sa kategoryang Best Performance by an Actress in a Leading Role—Musical or Comedy sa 4th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society Inc. (Enpress) para sa pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema. Ginanap ang awards night sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City noong Sabado, March 17.

Aminado si Juday na kahit ilang beses na siyang nanalo ng acting award, nandoon pa rin lagi ang kaba at excitement.

"Sa ganitong pagkakataon, iba talaga ang mararamdaman mo kahit ilang ulit ka nang nanalo ng award. Lalo na rito sa Enpress, naiiba sila dahil sa pagbibigay parangal sa mga natatanging comedy movies. Mahirap magpaiyak ng manonood, pero mas mahirap magpatawa," saad ni Juday sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ikatlong tropeyo na ito ni Juday sa Golden Screen Award. Three years ago, nakamit din ng young superstar ang kauna-unahan niyang acting trophy sa award-giving body na ito na binubuo ng mga entertainment media sa pamamagitan ng pelikulang Mano Po 2 para sa kategoryang Best Performance by an Actress in a Supporting Role. Nang sumunod na taon, nakuha rin niya ang Best Performance by an Actress in Leading Role—Drama para sa pelikulang Sabel.

Suki na ba talaga siya sa Golden Screen Awards?

"Nagiging habit na ba ito?" nakatawang sagot-tanong ni Juday. "Sobrang nakakatuwa dahil always-always, sinisimulan ng Enpress na maganda ang taon ko. And in fairness sa Enpress, they never fail to surprise me whenever na dumarating ang ganitong season. Nakakatuwa kasi lahat ng magagandang pelikula ay nabibigyan ng pansin. Everybody is really happy sa lahat ng nanalo ngayong gabi. Kaya thank you talaga, thank you talaga."

Inamin din ni Juday na ang nobyo niyang si Ryan Agoncillo ang kanyang lucky charm at ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon. Idinagdag pa niyang nakatulong din para mas maging kumportable siya na si Ryan ang kanyang leading man sa Kasal, Kasali, Kasalo na magkakaroon ng Part 2 in time for the 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kasama na ‘yon, kasama na yung pagiging inspired ko," pag-amin ng young actress. "Hindi siguro magiging ganoon kanatural ang arte ko sa Kasal Kasali... kung hindi rin si Ryan ang ka-partner ko roon. Of course, si Ryan ang inspirasyon ko. Mula nang pumasok ang taon na kasama ko siya, palagi na akong nabibigyan ng parangal. I guess tama ang sinabi ko na he's really my lucky charm.

"Aside from the fact na the producers are giving me the right projects as well. And I'm just so lucky to be having a good career and to gave a great boyfriend beside me. So, masayang-masaya talaga ako."

Tungkol naman sa kasalan issue with Ryan, umiiwas man ay nagbigay pa rin siya ng komento ukol dito.

"Well, wala akong maisagot, e!" tawa niya. "Wala pang sagot sa tanong na ‘yan, kasi, wala pa akong isasagot, e. Pero malalaman n'yo naman kung meron na."

Samantala, dahil matapos i-announce na si Piolo Pascual ang winner bilang Best Comedy Actor ay pabirong sinabi ni Juday habang commercial break (off the air) na, "Para sa amin, si Ryan ang Best Actor." Nominado rin si Ryan sa naturang kategorya para sa Kasal, Kasali, Kasalo, samantalang si Piolo naman ay nanalo para sa Don't Give Up On Us, na incidentally ay si Juday rin ang kanyang leading lady.

Inusisa ng PEP kung may meaning ba ang pahayag ni Juday na ito.

"Binasa ko lang naman yung placard ng mga fans namin dito," paglilinaw niya. "Wala namang ganoon na hindi ako happy sa pagkapanalo ni Piolo, wala namang ganoon. Pero I really have nothing against kung sino man yung nanalo. I really believe na kung sino man yung nanalo, that's the final decision of the Enpress people. So ano ‘yon, nirerespeto ko ‘yon."

Dagdag pa niya, "I think si Piolo deserves it, hindi naman kasi bibigyan ng Enpress ng award ang isang tao kung hindi siya deserving sa isang pelikula, hindi ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa issue ng pagiging Box Office Queen, nilinaw ni Juday na wala siyang anumang nararamdamang sama ng loob dito.

Marami kasi ang naniniwala na dapat ay si Juday ang itinanghal na Box Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Awards dahil sa lakas sa takilya ng dalawa niyang pelikula last year, ang MMFF topgrosser na Kasal, Kasali, Kasalo at ang Don't Give Up On Us. Sina Kris Aquino at Claudine Barretto ang itinanghal na Box Office Queens para sa pelikula nilang Sukob.

"Wala, wala akong nararamdamang bitterness or something. Kagaya ng sinabi ko, kung ano yung desisyon ng mga hurado sa Guillermo, well respected ‘yon. Kung ano yung napagdesisyunan nila, okay ako roon. Basta ako, masaya ako na naging topgrosser ang pelikula namin, okay na ako roon," nakangiting sabi pa ni Juday bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN