Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme will premiere on September 2


Dingdong Dantes and Eugene Domingo (both in photo) will have a love triangle with Zanjoe Marudo in Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme. This upcoming romantic comedy will open in cinemas nationwide starting September 2, 2009.


Kasalukuyan pa rin sinu-shoot ang pelikulang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme na pinagbibidahan ng isa sa kinikilalang mahusay na aktres sa bansa sa ngayon na si Eugene Domingo.

Hindi maikakaila ang screen presence ni Uge (palayaw ni Eugene) pagdating sa pagpapatawa sa mga manonood. Sometimes, she can even steal the scene from the lead stars just by being the "real talent" that she is.

Sa katunayan, ilang beses na siyang nanalo bilang Best Supporting Actress, kabilang na rito ang pelikulang Bahay Kubo (2007) saka 100 (2008).

Finally, mapapanood na nga si Uge on her first starring role, at hindi lamang yan, dual role pa ang kanyang gagampanan sa naturang comedy film. Sa Kimmy Dora, si Uge ang gaganap bilang richest twin heiress sa Pilipinas na sina Kimmy and Dora. At bukod pa rito, Eugene will have Dingdong Dantes as her leading man.


SYNOPSIS. The story revolves around the Go Dong Hae empire. Pagmamay-ari ito ni Mr. Luisito Go Dong Hae na gagampanan naman ni Ariel Ureta. Si Luisito Go Dong Hae ang nagmamay-ari ng may pinaka-malaking korporasyon sa bansa. Bus lines, shipping lines, air lines, satellite, pharmaceuticals, clothing lines, underwear, eye wear, tupper wear, name it at siguradong may ganitong business ang pinaka-powerful and richest man in the Philippines.

Naging cover na rin siya ng TIMEY, NEWSWEEKLY magazine bilang pinaka-successful and most powerful man in Asia. Pero as time passed by, nagkakaroon ng sakit si Go Dong Hae kung kaya't panahon na para may humalili rito or magmana ng kanyang posisyon sa Go Dong Hae empire.

Dalawa ang anak ni Go Dong Hae, ang kambal na sina Kimmy at Dora.

Dito rin masusukat ang kakayahan pa rin ni Uge bilang isang aktres since she will be portraying two characters in this film. Si Kimmy ay seryoso, matalino, fashionable. Gagawin nito ang lahat para siya ang maging tagapagmana ng ama. At si Dora ay total opposite naman ni Kimmy at may pagkachildish ang mga galaw nito.

Dito na raw papasok ang conflict sa character nina Kimmy at Dora dahil magtutunggali sila upang malaman kung sino ang rightful heir sa kumpanya.

Si Dingdong ay may mataas na posisyon rin sa korporasyon ng Go Dong Hae at kinai-inlaban ni Kimmy. But the irony of it, instead na kay Kimmy ma-in-love, Dingdong's character actually fell for Kimmy's twin, Dora.

Bukod sa kanilang tatlo, kasama rin sa movie si Zanjoe Marudo na magkakaroon din ng romantic involvement sa pinaka-mayamang kambal sa bansa.

Si Piolo Pascual ang isa sa mga producers ng Kimmy Dora: Kambal sa Kyeme sa ilalim ng kanyang Spring Film Production. Ang Star Cinema naman ang magdi-distribute ng movie.


Nakatakdang ipalabas ang Kimmy Dora sa September 2, 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN