Arnold Reyes says role in Astig is his most challenging to date


Arnold Reyes is considered one of the best young actors today, but he's been flying under the radar so far. Astig may finally garner him some attention, and not just because he makes love to Keanna Reeves and Gardo Versoza.


Isa sa masasabing underrated actors sa local showbiz itong si Arnold Reyes. Maaaring may mga nagtatanong pa rin kung sino siya, pero sa mga taong nakakaalam ng talento, isa si Arnold sa maaasahan-mapapelikula, teatro o telebisyon. Sa rami ng markadong exposures ni Arnold, ang impresyon sa kanya ay naririyan lang, pero mukhang mas mabibigyan na siya ng tamang pansin sa indie film na Astig, isa sa entries for competition sa nalalapit na Cinemalaya V (Philippine Independent Film Festival) na gaganapin this July sa Cultural Center of the Philippines.

Isa sa pinakamaingay na entries ang Astig sa darating na Cinemalaya, dinirek ni GB Sampedro at produced nina Boy So at Boy Abunda. Kahilera ni Arnold dito sina Dennis Trillo, Edgar Allan Guzman at Sid Lucero. Pag-uusapang tiyak ang performance dito ni Arnold, hindi lang dahil sa hindi siya nagpatalbog sa kanyang mga co-star kung hindi mayroon siyang dalawang sex scenes dito, one with Keanna Reeves, and the other one with Gardo Versoza.

"Parehong mahirap gawin ang mga eksena," sabi ni Arnold. "Yung kay Gardo, wala namang kissing, pero very artistic ang execution. Happy ako. Yung effect, parang mag-iisip pa yung mga makakapanood.

"Kay Keanna, may nudity pa. More than the sex scenes, maganda talaga ang istorya ng pelikula nito. Bale four stories intertwining. Multi-layered storytelling. So far, this is the most challenging role na naibigay sa akin sa pelikula," patuloy ng aktor.

Arnold plays the role of Ronald Chua, isang taga-Zamboanga na ang namayapang amang Intsik ay tila may ari-ariang iniwan para sa kanya na kailangang ipaglaban niya. Half-Chinese ang character niya, pero lumaki siya sa Zamboanga, kaya sa puntong ito, nag-aral pa siyang magsalita ng Chabacano.

"Napakasimple kasi ng role kung iisipin, kaya mas nagbigay ako ng puntos sa mga detalye," sabi pa ni Arnold. "I told Kuya Boy (Abunda), mag-aaral ako ng Chabacano for my part to make it more unique."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNFORGETTABLE PERFORMANCES. Isa sa maituturing na unforgettable performances na naibigay ni Arnold ay sa stage play na Ang Bayot, Ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte. Doon nga ay hindi namin halos nakilala si Arnold. Malalim ito bilang aktor at talagang babaguhin niya nang buo ang sarili para lang sa isang very challenging role, at mabigyan yun ng justice.

"Nag-aaral ako ng accents," sabi pa niya. "Gaya rito sa Astig, mabuti na lang, may kakilala akong Chabacano na pinababasa ko sa kanya ang Tagalog lines ko sa script, 'tapos, itinuturo niya kung paano ko yun mata-translate sa Chabacano.

"Ang laging iniisip ko, kung paano mapapaganda ang performance ko at magiging realistic talaga. Walang magiging problema sa akin, for as long as I like the role, at maganda talaga yung project," dugtong ni Arnold.

Umikot-ikot lang sa ilang panig ng Maynila ang dalawang araw ng shooting ni Arnold para sa indie film na ito. Karamihan ng mga eksena ay sa Escolta at Binondo.

Nagtala rin ng ibang performances si Arnold, which he unforgettably rendered, sa kabuuan ng career niya, so far. Gaya sa Condo kung saan nakasama niya si Coco Martin, at sa pelikulang ito, hindi akalain ni Arnold na papasa siya sa comedy. Dito niya na-realize na nakatulong ang exposure niya sa Camera Cafe.

"Malaking role din ang naibigay sa akin sa Imoral at nagpapasalamat ako kina Direk Adolf Alix at Noel Ferrer para sa magandang break. Yung Adela rin, kahit maliit lang ang role ko, naramdaman ko ang importansiya ng ginawa ko roon. Salamat uli kay Direk Adolf, at sa tsansang makatrabaho si Ms. Anita Linda.

"Yung Forgotten War din, nang mai-premiere yun, naroroon mismo si former President Fidel V. Ramos, at yung role niya ang ginampanan ko. Tuwang-tuwa siya sa ginawa ko sa pelikula. Tinawag pa niya ako para magpakuha kami ng souvenir shots at ipinahiram pa niya sa akin yung headgear niyang puno ng medals. Hindi ko rin makakalimutan ang chance na yun," sabi ni Arnold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinatayang ngayon pa lamang, masasali na ang Astig sa mga pelikulang hahango kay Arnold sa pagiging underrated.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN