Manila competed against 50 films for Cannes exhibition


Piolo Pascual plays a bodyguard in the "night" segment of Manila. It will have its commercial run in cinemas nationwide starting July 22, 2009.


Proud si Piolo Pascual na humarap sa entertainment press para sa first movie na kanyang na-produce, ang Manila, na idinerehe nina Raya Martin and Adolfo Alix, Jr.

Naganap ang naturang press conference kahapon, July 14, sa Max's Restaurant in Scout Tuazon, Quezon City. Sabi pa ng matinee idol na naging part na raw talaga ng buhay niya ang ini-endorse niyang house of chicken.

Sa Biyernes ng gabi, July 17, ang Manila ang magiging opening film ng 5th edition ng Cinemalaya. Sa Cultural Center of the Philippines Main Theatre gaganapin ang Philippine premiere ng naturang indie film. Pero ang world premiere ng Manila ay naganap last February, binigyan ito ng special screening sa 61st Cannes Film Festival. Last June naman, na-invite din itong ipalabas sa 31st Moscow International Film Festival.

"Isa sa naging dream namin nang gawin namin ang Manila, ma-invite talaga ito sa iba't ibang international film festival," sabi ni Piolo. "So far, we already got eight invitations to different international film festivals. Sayang nga lamang, because of my busy schedule, hindi ako makasama kina Direk Adolf and Raya. But if my schedule will permit, baka maka-join din ako sa kanila sa isa sa mga film festival na pupuntahan nito."

Natagalan nga raw bago nila ipalabas dito sa Pilipinas ang Manila dahil hinintay pa nila kung makakapasok ito sa Cannes.

"Nag-submit lamang kami (ang MJM Production at Bicycle Pictures) ng DVD copy," kuwento pa ni Piolo. "At hindi namin in-expect na makakapasok kami dahil may 50 films daw na nag-submit din for exhibition. Ganun pala ang feeling na maglakad sa red carpet during the opening night. We're proud to represent our country at mga foreign delegates ang nanood ng movie. Very supportive din sa amin ng mga Pinoy na nag-attend ng opening night."

Bale twinbill movie ang Manila na hindi nila ikinaila ay inspired ng Manila By Night ni Ishmael Bernal at Jaguar ni Lino Brocka. Dalawang characters ang gagampanan ni Piolo. Sa day episode, anak siya ng isang dating sexy actress si Piolo at kasama niya rito sina Rosanna Roces, Angelica Panganiban at William Martinez.

Sa night episode, isang bodyguard ng isang pulitiko na naging masaklap ang buhay ang gagampanan ni Piolo at kasama niya sina Jay Manalo, Jon Avila, Alessandra de Rossi, Iza Calzado, Baron Geisler, Jiro Manio at Anita Linda. Nasa cast din sina John Lapus, Katherine Luna, Aleck Bovick, Menggie Cobarrubias at Marissa Delgado.

Thankful si Piolo sa support ng ABS-CBN at ng Star Cinema. Ang Star Cinema ang magiging official distributor ng pelikula. Magsisimula na sa Wednesday, July 22, ang commercial run nito sa mga selected cinemas: SM (Manila, North, Megamall, Mall of Asia, Faiorview, Cebu, Davao, Taytay, Pampanga), sa Robinson's Galleria and Ermita, Trinoma, Gateway, Glorietta at pati na rin sa Sta. Lucia Grand Mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN