Nominees for Pasado Awards announced


(From left) Maricel Soriano, Kris Aquino, and Judy Ann Santos are three of the nominees for Pinakapasadong Aktres in this year's Pasado Awards.



Inilabas na ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) ang kanilang nominasyon para sa Pasado Awards na gaganapin sa April 28, Sabado, sa Caloocan Elementary Central Convention Center. Ang PASADO ay pinamumunuan ng kanilang Presidente na si Prof. Clara San Pedro.

Ang mga nominado bilang Pinakapasadong Aktres ay sina Judy Ann Santos (Kasal, Kasali, Kasalo), Claudine Barretto (Sukob), Kris Aquino (Sukob), Maricel Soriano (Inang Yaya), Angel Locsin (Txt), Gina Pareño (Kubrador), Jaclyn Jose (Sarong Banggi), at Cherry Pie Picache (Kaleldo).

May lumabas na balita na kumpirmado na raw na si Maricel ang nagwaging Pinakapasadong Aktres para sa kanyang pagganap sa Inang Yaya. Sa katunayan nga raw ay nakatanggap na na ng kumpirmasyon ang manager ni Maricel na si Wyngard Tracy. Ganunpaman, wala pang pormal na pahayag ang PASADO tungkol dito.

Nominado naman para sa Pinakapasadong Aktor sina Dennis Trillo (Txt), Eddie Garcia (I Wanna Be Happy), Cesar Montano (Ligalig), Jericho Rosales (Pacquiao), at Sid Lucero (Donsol).

Tatlo lang ang nominado para sa Pinakapasadong Pelikula: Inang Yaya, Kaleldo, at Kubrador.

Narito ang listahan ng iba pang mga nominado:

Pinakapasadong Direktor - Pablo Biglang-Awa & Veronica Velasco (Inang Yaya), Cesar Montano (Ligalig), Joey Reyes (Kasal, Kasali, Kasalo), Chito Roño (Sukob), Jeffrey Jeturian (Kubrador), Brillante Mendoza (Kaleldo)

Pinakapasadong Katuwang na Aktres - Gina Pareño (Kasal, Kasali, Kasalo), Maja Salvador (Sukob), Jaclyn Jose (Pamahiin), Phoemela Barranda (Pamana), Cherry Pie Picache (Twilight Dancers)

Pinakapasadong Katuwang na Aktor - Ronaldo Valdez (Sukob), Johnny Delgado (Kaleldo,) at Johnny Delgado (Ligalig)

Pinakapasadong Istorya - Emmanuel dela Cruz (Sarong Banggi), Ralston G. Jover (Kubrador), Brillante Mendoza & Boots Agbayani Pastor (Kaleldo), Crisaldo Pablo (Pitong Dalagita)

Pinakapasadong Dulang Pampelikula - Jose Javier Reyes (Kasal, Kasali, Kasalo), Veronica Velasco (Inang Yaya), Ralston G. Jover (Kubrador), Chito Roño & Chris Martinez (Sukob), Roy Iglesias (Pacquiao), Emmanuel Dela Cruz (Sarong Banggi)

Pinakapasadong Sinematograpiya - Jay Linao (Moments of Love), Eli Balce (Donsol), Moo Zee (Maging Akin Muli), Odyssey Flores (Kaleldo)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinakapasadong Editing - Manet Dayrit (Sukob), Vito Cajili (Kasal, Kasali, Kasalo), Randy Gabriel (Inang Yaya), Jason Cajabay (Ligalig)

Pinakapasadong Tunog - Ditoy Aguila (Shake Rattle & Roll 8, "LRT: episode), Albert Michael Idioma (Sukob), Albert Michael Idioma & Andrew Millanos (Ligalig), Albert Michael Idioma (Txt), Ditoy Aguila (Pamahiin), Tim O' Connell (Ang Pamana).

Pinakapasadong Iskoring sa Musika - Nonong Buencamino (Inang Yaya), Nonong Buencamino (Moments of Love), Nonong Buencamino (Maging Akin Muli), Richard Gonzales (Pamahiin), Von de Guzman (Shake, Rattle & Roll 8)

Bibigyan naman ng special citations sina Domingo Landicho bilang Pinakapasadong Natatanging Guro, Jolina Magdangal at Josh Santana para sa Gawad Dangal ng Kabataan, at ang Kaleldo at Donsol para sa Pinakapasadong Pelikula sa Epektibong Paggamit ng Wika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN