Lovi Poe felt challenged by the lack of script while shooting "Walang Hanggang Paalam"


Lovi Poe and Jacky Woo (right) graced the world premiere of Walang Hanggang Paalam last July 25 at the Cultural Center of the Philippines. Joem Bascon was unable to attend because he was sick at that time.



Nagkaroon ng world premiere ang pelikulang Walang Hanggang Paalam, sa direksyon nina Paolo Villaluna and Ellen Ramos, last Saturday,
July 25 sa Cultural Center of the Philippines.

Bida dito sina Lovi Poe, Joem Bascon, Jake Roxasat ang Chinese-Japanese actor na si Jacky Woo. Ang istorya ng WHP (international title: Endless Farewell) ay umiikot sa isang 18-year-old girlna nagngangalang Maria who is torn between the love of her fiancee(Joem Basco) and a man old enough to be her father (Jacky Woo).

SiJake ay gumanap bilang Arturo, isang private detective hired to lookfor Maria as she eloped with her boyfriend. This is said to be Lovi's most mature roleto date, Jacky's most dramatic role as well as Joem's biggest break. Ang pelikulang rin ang nagsilibing pagbabalik ni Jake sa pag-arte.

Angistorya ay umiikot sa apat na different souls who meet and converge ina hotel in Baguio City. Kasama rin sa pelikula sina Ricardo Cepeda asMaria's father, at Rico Barrerabilang homosexual lover ni Arturo. Ang pelikula ay produced ng ForwardGroup and Feminine Annex in cooperation with LVD Multimedia.

Sa panayam ng PEP (Philipinne Entertainment Portal) sa actor/producerna si Jacky Woo ay kinakailangan pa nito ng interpreter sa katauhan niMayo Suzuki, dating recording singer.

Ayon kay Jacky, nabasa niya anglibro ng Walang Hanggang Paalam at nagustuhan niya ito kayanaisip nitong isapelikula. Kaaiba ang kanyang role sa dahilnakasanayan na siyang napapanood sa mga action movie. "Sa Philippines po lagi siyang action perosa ibang bansa naman, lagi naman siyang may movie na serious. Kayaniya pinodyus ang pelikulang ito ay para ipaalam sa lahat ng Pilipno nahindi lamang siya magaling sa action movie kundi mayroon din siyangkakayahan sa drama," pagta-translate ng sinabi ni Jacky.

Ayon pa rin kay Mayo, "Hindi ito angkanyang huling gagawing movie kundi marami pa. Gusto niya dito saPilipinas dahil marami dito ang magagaling na direktor. Kaya dito siyagumagawa ng maraming movies."May planong gumawa ng movie si Jacky parasa Metro Manila Film Festival pero sa ngayon ay pinag-iisipan niyang mabutiat titingnan muna kung ano ang magiging outcome ng kanyang pelikula. Katunayan, may script na siya sa susunod na gagawing pelikula perowala pa itong napipiling cast.

Nakausap din namin si Lovi at masaya siya dahil maraming bumati sa kanyasa nakakapanibago nitong role. Marami siyang binigla sa kanyangginampanang papel dahil from teeny bopper roles ay bigla siyang sumabaksa pagpapa-sexy, nakipaghalikan at naninigarilyo.


Ani Lovi, "I don't smoke at talagang nahirapan ako saaking pag-smoke. I practiced for that smoking scene pero talagangdi ko ma-perfect dahil nahihirapan akong huminga. Mayroon akong kissing scene at totoo yun. When I did that scene akala ko wala lang yon, pero nang napanood ko grabe pala yon. Hindi ko akalain na ganoon kaseksi ang ginawa ko."


Nabanggit rin ng aktres na nanibago siya sa estilo ng pagdidirek nina Paolo at Ellen dahil hindi sila gumamit ng script para sa kanilang mga dialogues.


"Actually mahirap. Wala siyang script, walang dialogue. So very normal lang, parang conversation lang. And maysurprise things kami. Like, he didn't know that I was going to kiss him. And I didn'tknow that he was going to do something to me. Parang gulatan talaga siya. We have to go with the flow na lang and act on instinct," kuwento pa ni Lovi sa PEP.


Kamusta naman ang pagtatrabaho niya kasama si Joem Bascon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Ang galing galing nga ni Direk Paolobecause mahirap kasi [ang kissing scene]. Mahirap honestly makipagkiss sa isang taonghindi mo kakilala, na hindi mo naman talaga personally love.

"Through the help of Direk Paolo, we both imagined that it was something real. It was all very natural right from the beginning."

Naging kontrobersiyal ang pelikulang Walang Hanggang Paalam dahil noong una ay binigyan ito ng X rating ng Movie and Television Review and Classification Board. Ngunit, ayon naman kay Direk Paolo, nakakuha sila ng R18 rating mula sa MTRCB nang baliktarin nila ang tatlong frames ng pelikula.


Ang Walang Hanggang Paalam ay isa sa siyam na pelikulang nakipagkumpitensiya para sa 2009 Cinemalaya-NETPAC Award. Subalit ang nanalo ng award na ito ay ang Baseco Bakal Boys.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN