OMG holds star-studded premiere night at Trinoma

by Dinno Erece
Jul 29, 2009
(From left) director Dante Nico Garcia, Judy Ann Santos and Ogie Alcasid graced the premiere of OMG (Oh My Girl!) last July 27 at TriNoma, Quezon City.

There were more cameos than announced in Regal Entertainment's OMG (Oh My Girl)!

Nag-premiere ang unang pelikula nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid bilang mag-partner noong July 27, sa TriNoMa Mall sa Quezon City. Ang OMG, sa ilalim ng direksiyon ni Dante Nico Garcia, ay ang golden anniversary presentation ng Regal Entertainment.

Maraming artista ang nanood sa premiere night, sa pangunguna ng respective partners nilang sina Ryan Agoncillo at Regine Velasquez. Nandoon din ang mag-asawang Franco Laurel at Ayen Munji.

Dapat ay manonood ng premiere si Eugene Domingo ngunit sumakto ito sa taping day niya sa Adik Sa 'Yo. Isang seat naman ang naka-reserve kay Dingdong Dantes na nangakong darating ngunit hindi nakapunta.

Sa press release ng OMG! bago ito mag-premiere, na-announce nang dalawang superstars ang magka-cameo sa pelikula: ang Megastar na si Sharon Cuneta bilang pekeng manghuhula at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez bilang isang PA. Na-announce din ang participation nina Rez Cortez, Jeffrey Santos, John "Sweet" Lapus, Chokoleit, at Bembol Roco dahil mga kaibigan sila nina Ogie, Juday at Direk Nico.

Sa pelikula, mas marami pang unannounced cameos ang nangyari. Special appearance din si Franco bilang guwardiya sa PNR at si Jason Abalos bilang tricycle driver. Sa bandang huli ng pelikula, naglabasan din sina Rufa Mae Quinto, Michael V, Rainier Castillo, German Moreno, Maureen Larrazabal, at Diego Llorico.

Maging ang director na si Nico Garcia, nag-cameo sa bandang huli. At sa kauna-unahang pagkakataon, kahit ang producer na si Mother Lily Monteverde ay nag-voiceover.

Ipalalabas nationwide simula ngayong Miyerkules, July 29, ang OMG, kung saan kasama rin sina Roderick Paulate, Carmi Martin, John Prats, Nova Villa, at Manilyn Reynes.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) director Dante Nico Garcia, Judy Ann Santos and Ogie Alcasid graced the premiere of OMG (Oh My Girl!) last July 27 at TriNoma, Quezon City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results