Kris Aquino backs out from doing Star Cinema's MMFF entry


Star Cinema managing director Malou Santos (inset) revealed that Kris Aquino backed out from doing Ikaw Na Nga, the Metro Manila Film Fest entry that would have starred Kris and Eugene Domingo. The TV host-actress cited the precarious health condition of Cory Aquino as her reason for not being able to do the project.


Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang managing director ng Star Cinema na si Malou Santos, sobrang masaya ito sa matagumpay na 18 taon na itinagal sa ere ng drama anthology program na Maalaala Mo Kaya. Bukod sa host ng show at ABS-CBN President na si Charo Santos-Concio, isa rin si Malou sa mga bumuo at naging haligi ng programa na patuloy na tinatangkilik ng mga manonood.

"Sobrang happy ako kasi ito ang first TV program ko," bungad ni Malou. Hanggang ngayon ‘yan lang ang programang hindi ko iniwan. Yung ibang program iniwan ko pero bukod tangi ang Maalaala Mo Kaya."

Si Malou ang kauna-unahang executive producer ng Maalaala Mo Kaya mula sa first episode ng show na pinamagatang "Rubber Shoes." Ngayon, kabilang na rin si Malou with Charo and Direk Olive Lamasan hindi lamang isa sa most influential, inspirirng and well-respected ladies hindi lang sa telebisyon kundi pati na sa pelikula.

"Ang Maalaala Mo Kaya ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin na magtrabaho ng mahusay. Kasi sa lahat ng mga letters na nababasa namin ito talaga ang malapit na malapit sa puso namin kasi with all the blessings na nare-receive ko ito lang ang nagbibigay inspirasyon sa akin."

Matatandaan na noong 1994, nagkaroon na ng movie version ang Maalaala Mo Kaya. And after long years, hindi pa ba nila susundan ng isa pa'ng pelikula ang MMK?

"Ah, ang inaano namin ‘pag 20th year namin saka kami gagawa."

May naka-ready na ba silang material para sa gagawin nilang Maalaala Mo Kaya the movie sa 2011?

"Wala pa kasi hindi natin alam kung si Direk Olive [Lamasan] pa rin ba ang magdi-direk kasi kung siya, actually gusto namin siya ang mag-direk ulit ng Maalaala Mo Kaya kasi siya ang unang-unang direktor ng MMK the Movie."

Sa loob ng 18 taon hindi ba nila nahimok si Charo na mag-portray sa alinmang episode ng Maalaala Mo Kaya?

"Actually, ilang beses na namin siyang gustong bumalik kahit na sa pelikula. Siyempre, nahihiya naman siya bilang presidente na lumabas sa pelikula at TV show.

"Kumbaga, parang sa kanya tama na nasa likod siya ng camera."

Kamusta naman ang maturity ng televiewers ng Maalaala Mo Kaya after 18 years?

"Actually, nag-evolve na ang mga televiewers. Sa mga kwento makikita mo na ibang-iba ang mga kwento dati sa mga kwento ngayon. Maraming mas magagandang kwentong binibigay ngayon kasi sa rami ng mga bagong sitwasyon, sa sitwasyon natin sa buhay mas maraming magagandang kwentong nakukuha kami."

What about her own lifestory sa MMK?

"Mahirap ang life story ko kasi ang gaganap kaming dalawa ni Charo [ang kapatid ni Ms. Malou]. Hahaha!"

May ideya ba siya kung anong klaseng material ang gustong ganapan ulit ni Charo if ever she decided to make comeback as an actress?

"Ang lagi naming pinag-uusapan, e, ‘yong kwento ng pamilya namin. Kasi maganda ‘yong istorya ng tatay namin. Lagi naming pinag-uusapan isa sa mga araw na ito bakit hindi natin ikwento ang buhay ng Tatay namin. So, pinag-uusapan pa lang namin ‘yon. Kasi, kumbaga, kung ikwe-kwento namin ang buhay ng pamilya ilang episodes ‘yon, e. Kasi ilan kaming magkakapatid, then, ‘yong sa parents namin. Sobrang ang ganda ng kwento. Ang alam kong dream ni Charo is magampanan ‘yong kwento ng Mommy ko. Hinihintay namin ‘yon."

Kailan naman kaya ‘yon?

"Baka mga 25 years pa," sabay tawa ulit ni Malou.


MMFF ENTRY. Samantala, ano na ang mangyayari sa kanilang official entry sa 2009 Metro Manila Film Festival pagkatapos mag-backout ni Kris Aquino sa naaprubahang script na movie nila ni Eugene Domingo na Ikaw Na Nga? Ang magdidirek sana nito ay si Wenn Deramas.

"Sa ngayon, dahil nag-backout nga si Kris dahil sa mga pangyayari, may sakit pa si Tita Cory [Aquino], hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa kanya. Ang tinanggap, since dalawa ang story na sinubmit namin, ‘yung And I Love You Goodbye ni Angelica Panganiban, Gabby Concepcion at Derek Ramsay. Sabay namin pinasok ‘yon at ‘yong movie ni Kris, isa lang ang pinili sa Star Cinema. But since nag-backout nga si Kris ‘yon ang ipinalit nila.

"Technically pwede ‘yon at ina-accommodate kami. Sumulat kami, kasi hindi naman namin kasalanan na nag-backout si Kris Aquino kaya ‘yon ang nagyari. Saka nagustuhan din nila [MMFF committee] ‘yong script."

Kahit si Kris ay nanawagan din sa The Buzz para sa MMFF committee na pagbigyan ang request ng Star Cinema na palitan ang script na nauna na nilang naapprubahan as official entry ng nabanggit na film outfit.

"Hindi, kasi ang iniisip nga ni Kris baka ma-penalize kami, e, hindi naman kami ang may kasalanan. So, napagbigyan kami since parehong maganda ang script namin."

Nagsu-shooting na raw sina Angelica, Derek at Gabby para sa movie.

"Kasama rin pala si Kim [Chiu] sa movie at si Direk Laurice [Guillen] ang nagdi-direk."

Hindi na gagawin ni Kris ang movie nila ni Eugene?

"Matutuloy pa siya. Ah, may hinihintay, ang hinihiling niyang pelikula pang-Mother's Day. So, nag-iisip pa kami ng magandang kwento para sa kanya," pagtatapos ni Malou.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN