Love Online (LOL) depicts love story with a touch of fantasy


In the upcoming movie Love Online, the characters of Vic Sotto and Paula Taylor will find love through the Internet. This romantic comedy will open in cinemas nationwide starting August 19, 2009.


Sinisigurado ni Comedy Box-OfficeKing Vic Sotto na talagang nakakatawa at mag-e-enjoy ang mga manonood sa bagoniyang movie under OctoArts Films, M-Zet TV at APT Entertainment, ang Love OnLine (LOL), directed by Tony Reyes at showing on August 19, 2009.

Kasama niya rito bilang leading lady si Paula Taylor, isang sikat nainternational VJ, model, TV and movie actress mula sa Thailand. Kabilang din sacast sina Jose Manalo, Manilyn Reynes, Gina Pareño, Melissa Ricks, Matt Evans,Dominic Roco, Ricky Davao, Leo Martinez, Richie D' Horsie at Wally Bayola.

"Love OnLine (LOL)... LOL also meanslaughing out loud at yun naman ang maipapangako namin sa mga manonood,patatawanin namin sila ng malakas. Lalo na yung mga kabataan ngayon na mahiligmag-chat, mag-eyeball. Maraming mga nakakatawang nangyayari diyan at maramiring misteryosong nangyayari katulad ng nangyari dito sa pelikula namin nahindi sinasadya ay nagka-love online kami ni Paula Taylor," pahayag ni Vic nangma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ginagampanan ni Vic ang role niSamson, ang masipag at responsableng anak ni Delilah, played by Gina Pareño. Kapatidni Samson si Tot (Jose Manalo), na ampon naman ni Delilah. Si Tot ayhappy-go-lucky at mahilig sa computer games at makipag-chat sa Internet. Gamitang picture ni Samson sa kanyang profile, naging ka-chatmate ni Tot si Bunny(Manilyn Reynes). Pero nagpapanggap din pala si Bunny na gamit naman angpicture ng kanyang pinsan na si Lily (Paula Taylor). Dahil sa mga pagpapanggapna ito magkakaroon ng conflict sa pagitan ng mga characters pero maglalapitnaman kina Samson at Lily.

Naka-relate ba si Vic sa role niyasa movie?
"Eksakto yung role ko rito e. Hindi ako nag-o-online talaga. Hindi ako yungka-chat talaga ni Paula e, si Jose. Kaya lang picture ko ang nakalagay dun saprofile. So, dun na magsisimula ang mga pangyayari."

Ano naman ang kaibahan ng LOL sa ibang comedy movies na nagawa naniya?

"It's been quite a while na gumawaako ng parang romantic comedy. And it's not just an ordinary romantic comedy,may pagka-fantasy ng kaunti kasi there's a part in the movie na magkakapalitkami ng katawan at katauhan ni Jose."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Proud si Vic sa mga artistang kasama niya sa pelikula dahil aniya pawang mgamagagaling at professional ang mga ito. Panay nga ang puri ni Vic sa kanyangleading lady niya na si Paula Taylor.

"Definitely she's more than what Ireally expected. She is a very pleasant surprise. Akala ko model-modellang siya, pretty-pretty na ganun lang. Pero she's a lot more than that. She'sa good actress. As a friend, nakita ko kung paano siya makisama sa mgaPilipino, kahit sino, kahit yung mga crew. She's very nice."

Personal choice ba niya si Paulapara maging leading lady?

"It was a group choice, kasama yungaking mga co-producers [Orly Ilacad of OctoArts Films at Tony Tuviera of APTFilms]. During our pre-production meeting, lumabas yung pangalan ni Paula. Whenthey told me about it, hindi naman ako nagdalawang-isip kasi bagay-bagay siyadun sa role na foreigner na pumunta rito sa Manila . At saka familiar naman angmga Pilipino sa face ni Paula sa TV lalo na sa mga commercials. I also foundout that she has a comedy soap back in Thailand and she's doing movies also.So, I said yes. I approved that we get her as part of the movie."

Nilinaw naman ni Vic ang tungkol saisyung napalitan daw si Wally Bayola ni Jose Manalo bilang kanyang sidekick.Nauna na kasing ina-announce noon ni Vic na si Wally ang dapat na magigingsidekick niya rito. Pero dahil nga naaksidente si Wally ay umigsi ang role nitoat napunta kay Jose ang sidekick role.

"Oo, unfortunately. Ako naman... saakin naman, pareho lang naman ng galing yung dalawang yun, e. So, nung pumalitsi Jose, swak na swak din dun sa role."

Katrabaho rin ni Vic sa LOL ang isa sa top loveteams ng ABS-CBNna sina Matt Evans at Melissa Ricks. And Vic has only good words for them.

"These guys have a very, very brightfuture. They're fun to work with. Makikita mo yung init nila sa trabaho at yunggaling nila sa pag-arte, yung attitude nila sa buhay. Si Melissa at saka siMatt, they're very nice kids. And nakasisiguro ako na malayo pa ang mararatingnila. Although malayo na ang narating nila...mas malayo pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First time namang makatrabaho ni Vicsi Gina Pareño at humanga rin si Bossing sa beteranang aktres.

"Oo, first time naming magkatrabaho.Would you believe gumaganap siyang nanay ko? Magaling siya, magaling namagaling. No wonder ang daming kumukuha sa kanya. Ang daming nga niyangprojects, e. Mas maraming pang raket sa akin," biro ni Vic. "Pero hanga talagaako kay Gina. Okay na sa drama, panalo rin sa comedy. For sure magkakaroon ngsecond time itong first time na pagtatrabaho namin."

Hindi rin nakaligtaang isama ni Vicsa cast ang nagbabalik-pelikulang si Richie D' Horsie.

"Oo, isasama na natin lagi yan.Matino na ang kabayo e, este," sabay tawa ni Vic. "Si Richie naman okay namanyang kasama e. Sana tuluy-tuloy na ulit ang career niya."

Love OnLine (LOL) will open in cinemas nationwide starting August 19, 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN