Joey Paras reveals that Chokoleit was supposed to topbill Last Supper No. 3


Joey Paras (in photo) reveals that Chokoleit was supposed to topbill the Cinemalaya 2009 entry Last Supper No. 3. The theater actor felt fortunate that he was chosen to play the lead role in the film that eventually won as Best Film in Cinemalaya Cinco.


Ang stage director-performer turned indie movie actor na si Joey Paras ang bida sa Cinemalaya 2009 Best Picture na Last Supper No. 3. Co-directed by Veronica Velasco and Jinky Laurel, ang pelikulang ito ay tungkol sa matinding legal problems na dinanas ng mga tauhan nang mawala nila ang isang prop na ginamit sa isang commercial.

Joey didn't mind losing the Best Actor award to versatile comedian, Lou Veloso, who won for his lead performance of a fugitive in Jon Steffan Ballesteros' Colorum.

Bukod kay Lou Veloso, isa rin nga si Joey Paras sa naging matunog na mananalo ng nasabing top award sa taong ito ng Cinemalaya. Good thing, though, hindi umasa ng pananalo ang komedyante laban sa kapwa comedian (Lou) na nag-straight drama sa pelikulang pinagwagian nito ng parangal.

"Okay lang, magaling at mahusay talaga si Lou Veloso, he deserved the award," sabi ni Joey sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Lubus-lubusan ang pasasalamat niya sa mga taong nanood ng Last Supper No. 3, at nagpahayag ng papuri sa kanyang akting.

"Sa akin, tama na 'yon. Sobra-sobra na'ng pasalamat sa tiwala n'yo ang gusto kong ipaabot," sabi rin niya.
* * * * *


Kilalang aktor na sa entablado si Joey Paras bago niya ginawa ang Last Supper No. 3, ang digital indie film na nagsilbing launching niya. Dito'y ginampanan niya ang papel ng isang production designer ng TV commercial ad, na nasangkot sa isang kasong civil at kriminal sanhi ng pagkawala ng replica ng Last Supper, isang prop na ginamit sa pagsu-shoot ng commercial.

Sadyang epektibo ang pagkakaganap ni Joey sa role ni Wilson Nañawa, bilang katunggali ng mga karakter na nagsuplong sa kanya (portrayed by character actors Jojit Lorenzo and Beverly Salviejo). Malaki ang naibahagi ni Wilson bilang sensitibong aktor sa pag-angat ng pelikula mula sa pagiging simpleng komedyang tungkol sa isang karaniwang manggagawa sa advertising field, tungo sa isang satirikong pagtuligsa sa sistema ng pamamalakad ng hustisya sa bansa.

Sa isang banda, isinabuhay ng tauhang ginampanan ni Joey ang likas na kabutihan ng karaniwang taong nagsisikap na magtrabaho ng marangal.

* * * * *

Sa ginampanang karakter bilang tauhan ng produksiyong sangkot sa paggawa ng TV commercial advertisements, walang masyadong muwang sa takbo ng batas at kasong kinasangkutan, aakalaing si Joey Paras at si Wilson Nanawa ay iisa. Ganu'n naging ka-epektibo ang performance ni Joey.

Ang pagganap niya sa entablado ang naging daan, para magampanan niya nang buong husay ang naipagkatiwalang papel sa una niyang male lead role in a digital indie movie.

"Ang pinaka-formal training ko in acting was with Tanghalang Pilipino," kuwento ni Joey. "Nag-start ako, college pa lang ako, nu'ng 1995. Tapos, ever since, puro theater plays na yung ginagawa ko.

"Ang pinaka-hit na nagawa ko, Zsa Zsa Zaturnnah (Ze Musicale)," banggit niya sa popular stage musical, kung saan ginampanan niya ng papel ni Didi, ang wacky sidekick ng bidang si Ada na nagta-trasform sa isang babaeng superhero. Sa entablado ay si Chris Millado ang naging direktor ni Joey Paras.

"After that, [I did] Ang Bayot, Ang Maranaw at ang Habal-Habal... [directed by Nonon Padilla]. Du'n naman po ako nagwagi ng Aliw Award for Best Actor," banggit din ni Joey.

Ang unang nagbigay ng break sa kanya, as stage lead performer, ay si direktor Dennis Maransigan. "Pinaka-memorable sa akin yung Ang Ulo Ni Pancho Villa, na siya ang nagdirek," sabi rin ni Joey.

A graduate of AB Communication Arts at the University of Santo Tomas (UST), Faculty of Arts and Letters (Batch 1998), Joey Paras has also been involved with live musical performances (singing, with a live band).

"'Pag hindi ako nagti-theater, puma-"fly" ako ng abroad, kasi meron akong all-Indonesian Band—na ako lang ang "Pinay"! So, super sing ako!" kuwelang banggit pa ni Joey. Exclusive for Hyatt hotels ang performance na ginagawa ng bandang kinabibilangan ni Joey at mga kasamang dalawang babae, at tatlo pang aniya'y "biologically boys"!

* * * * *

Bilang stage actor, hindi inakala ni Joey Paras na mararating niya ang kasalukuyang estado.

"Love ko talaga ang theater," banggit pa niya. "Dati, ngarag na ang 'ate' mo, sa Tanghalang Pilipino, kaya hindi na ako nakapag-Teatro Tomasino (theater arm of UST students). Hindi na rin ako nakapag-Artistang Artlets (theater organization for AB students), kasi kailangan ko nang mag-play dito noon; ginawa kong co-curricular activity yung [ginagawa ko] sa Tanghalang Pilipino."

Right now, matapos ang paglabas sa nasabing indie movie, balik-teatro nga uli si Joey Paras. Siya ang director ng The Hunchback of Notre Dame (The Musical), ang bagong stage musicale na mula sa klasikong nobela ni Victor Hugo.

Prinodyus ng Young Artists Productions, the new version of the musicale stars Dulce, Bodgie Pascua, Roeder Camanag, Ruth Alferez, PJ Valerio, Joseph Ison, among others. Ito'y magkakaroon ng pagtatanghal sa AFP Theater sa Setyembre 11-17, 2009.

"Ako na rin ang nag-adapt from the novel. Iba ito sa Disney version," pagmamalaki pa ni Joey Paras, na siya ring may likha ng ginamit na musika sa dula.

"Masarap at ang saya-sayang gumawa ng musical!" tuwang-tuwang bulalas pa niya.

* * * * *

Dahil sa kanyang pagiging bidang aktor ng Last Supper No. 3, Joey Paras is grateful especially to his directors (Jinky Laurel and Veronica Velasco) and Pablo Biglang-Awa, one of the film's co-writers.

"Kasi, kung hindi ka destined to do...hindi ko siya magagawa, kung hindi talaga nila ako gusto," sabi niya. "So, hinintay ko lang 'yung opportunity, tapos...

"Actually, kapatid...I heard na si Chokoleit talaga yung gagawa nitong role," pag-amin pa ni Joey. "Until kailangan nilang ipa-approve yata kay Direk Laurice Guillen (Cinemalaya competition director), tapos, ewan ko lang po kung ano ang nangyari; tapos, they decided to invite me to audition..."

Bukod sa pagkakataong gumanap sa isang full-length role, na marami ang naaliw at humanga, ibinibilang ni Joey Paras na masuwerteng kapalaran niya, bilang bidang aktor ng Last Supper No. 3, ang pagkakaroon ng eksenang magkasama sila sa frame ng iniidolo niyang aktres na si Maricel Soriano.

"Ay, wala akong masabi, kapatid! Yung maka-eksena ko si Marya, talagang... gano'n na lang ang kaba ko, at the same time, na-starstruck talaga ako, pero kailangan hindi ako magkamali sa pag-deliver ng lines dahil kailangan one-take lang at hindi puwedeng magtagal si Maricel sa shooting!"

Isang clerk sa korte ang cameo role na ginampanan ni Maricel, at maganda ang brief encounter nila ng character ni Joey Paras sa pelikula.

"Ito lang ang masasabi ko: Maricel Soriano is the epitome of professionalism!" pagpuri pa ni Joey sa aktres, na aniya'y naging napaka-gracious at professional sa maikling sandaling naging bahagi ito ng pelikulang naglunsad sa kanya sa ganap na pagiging artista sa pelikula.

At forever ngang magiging grateful, o tatanawing malaking utang na loob ni Joey Paras, ang tulong na nakamit mula kay Ms. Maricel Soriano, sampu ng mga nakasamang artista at taga-produksiyon ng Cinemalaya '09 entry na Last Supper No. 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN