Eugene Domingo is still open to accepting supporting roles


"Shot in the spirit of independent filmmakingbut with a mainstream budget," that is how Eugene Domingo and director JoyceBernal describe their upcoming film Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme. Itwill open in cinemas starting September 2, 2009.


Mas kilala si Uge sa pagiging sidekick o best friend sa mganakaraan niyang mga proyekto kaya labis ang kanyang pasasalamat sa Spring Filmsna pinili siya upang maging bida sa pelikulang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme.Directed by Joyce Bernal, ipapalabas na ito sa mga sinehan simula September2, 2009.

Habang nagkukuwento si Uge, hinawakan siya ni Direk Joyceupang magpakita ng suporta. Nag-iba ang boses ni Uge at inakala ng lahat namaiiyak ang komedyana. Yun pala ay uma-acting lang ito, na siyang ikinatuwanaman ng mga manunulat na pumunta sa press conference na ginanap kahapon,August 12, sa Dolce Latte, Quezon Avenue, South Triangle, Quezon City.

Bigla siyang naging seryoso at sinabi: "It's always good to support. Hindinaman ako nagsasabi na matapos ang pelikulang ito, puro bida na lang angtatanggapin ko. Artista ako, e. Sa pagkakataong ito na ako ay bida, and in thespirit of independent filmmaking ang Kimmy Dora, naramdaman ko na hindinaman kinalimutan ng mga sinuportahan ko sa nakaraang pelikula. At this point,sila naman ang sumuporta sa akin nang wala silang hinihinging kapalit.

Binanggit nila ang mga artista na nagkaroon ng cameo appearance sa KimmyDora: Regine Velasquez, ang Pop Icons (Piolo Pascual, Christian Bautista,Erik Santos, Mark Bautista, and Sam Milby), Rufa Mae Quinto, Marvin Agustin,Vhong Navarro, at Aiza Seguerra.

Inamin rin ng Eugene na minsan ay nadadala siya ng kanyangmga emosyon kung paano gagampanan ang mga dalawa niyang karater sa pelikula,sina Kimmy at Dora.

"Minsan nagkakainitan kami ng ulo ni Direk Joyce kasi meron akong suggestion,then hindi niya tatanggapin. Meron siyang suggestions na parang hindi konagugustuhan pero nagkakaroon ng compromise."

Direktang sinabi naman ni Uge sa direktor ng pelikula (na katabi niya sa sofanung panahon na iyon), "Kahapon napanood ko yung parts 1-3, I think you did agood job."


KIMMY AT DORA. Sa Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, si Uge anggumaganap sa kambal na sina Kimmy at Dora.


Para sa kanya, aling karakter ang mas nahirapan siyang gampanan?

"Sabi ni Direk, mas nahihirapan ako kay Dora kasi iisipin mo talaga na naïveka, sweet ka. E, ang layo na nun, ang tagal ng recall. Si Kimmy naman, parangevery day may Kimmy [moment] ako lalo na pagdating sa trabaho. Business mindedsi Kimmy.

"Ang pinakamagandang naituro sa akin ni Direk at gawin silang tao. Gawing taoang characterization ng dalawa at hindi cartoon. Every now and then, DirekJoyce would remind me, be sincere."

Bukod kay Dingdong Dantes, kasama rin sa pelikula sina Zanjoe Marudo, BaronGeisler, Miriam Quiambao, Ariel Ureta, Gabby Eigenmann, at marami pang iba.

Si Zanjoe ay si Gary, ang isa pang leading man ni Uge at gaganap siya bilangisang magsasaka sa pelikulang ito. Kinuwento ni Uge: "Si Gary ang lalakingkukupkop sa isa sa mga kambal, hindi ko pa pwede i-reveal. Meron din siyang mgainsights on life na makakatulong para mabago ang ugali ng twin na yun. Maykonting kilig scenes kami.

"Si Baron Geisler naman ay kasama sa opisina, pivotal rin kasi meron siyangdesisyon na makakagulo sa lahat."

Tinanong naman si Direk Joyce tungkol sa budget ng Kimmy Dora at ayon sakanya, "We have the same budget as the production of Star Cinema, GMA Films,Viva Films. Ganun din po ang budget namin because we shot it in 35mm, angeffects namin, pinadala pa namin sa Hong Kong."


SYNOPSIS. Mula sa panulat ni Chris Martinez at sa direksiyon ni Bb.Joyce Bernal, gagampanan ni Eugene Domingo ang roles ni Kimmy at Dora Go HongDae, kambal na magkaibang-magkaiba and personalidad. Matalino, sexy, atambisyosa si Kimmy habang simple, mahiyain at sweet si Dora.

Magaling si Kimmy habang mentally challenged naman si Dora. Agresibo si Kimmyat sunud-sunuran naman si Dora. May dugong salbahe si Kimmy habang Mother Teresaincarnate naman sa kabaitan si Dora. Riot na walang patid nang ma in love angdalawa sa isang lalaki, ang misteryoso at ubod ng guwapong si Johnson (DingdongDantes).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang Spring Films ay binubuo ng apat na magkakaibigan na sina Piolo Pascual,business manager Erickson Raymundo, cinematographer Shayne Sarte at KimmyDora director Joyce Bernal. Tumulong rin sa pagproduce ng pelikula ang MJMProductions.

Humandang humagalpak sa tuwa sa pagbibidahang pelikula niEugene Domingo, ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme. Mapapanood na ito samga sinehan simula September 2, 2009.



Courtesy of Spring Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN