Joyce Bernal compares Eugene Domingo with other comediennes


Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme director Joyce compares the comedic style of Eugene Domingo with Ai-Ai delas Alas and Rufa Mae Quinto.


Kungdati ay kabado si Direk Joyce Bernal na baka hindi maipalabas angKimmy Dora: Kambal sa Kiyeme sa lahat ng SM theatres, ngayon ay nakahinga na ng maluwag angmagaling na direktor dahil nalipat na sa Solar ang pagdi-distribute ngKimmy Dora: Kambal sa Kiyeme.Matatadaan na nagkaroon ng di pagkakaintindihan kamakailan sapagitan ng Star Cinema at SM Malls.

"Masarap ang feeling na mapapanood na ng mga kamag-anak ko na malapit sa SM ang Kimmy Dora. Unasa lahat laking SM ako, buong college ko sa U.P., nung unang lumabas angSM West, dun na ako lumaki bilang taga-UP, sanay na ako dun.


"Nung lumabas ang problema nagsabi na agad si Piolo kay Tita Malou, 'Tita, di po kasi kami kasinglaki n'yo, kailangan namin ng mas maraming sinehan.'" Um-oo naman si Tita Malou, tinulungan niya kami and now Solar na ang magdi-distribute ng Kimmy Dora."

Kilala bilang isang mahusay na komedayan si Eugene Domingo pero ano raw kaya ang dapat abangan sa Kimmy Dora na iba sa sa nauang comedy films na nagawa na ni Direk Joyce?


"Yung humor, ‘yung ibang klaseng humor, may wit. Mayroon ding usual slapstick pero ‘yung istorya, buung-buo. Makakaramdam ka ng lungkot, ng selos sa kapatid, maraming totoong emotions ka na mararamdaman mo while watching the movie. May puso siya."

Nakatrabaho na rin ni Direk Joyce sina Ms. Ai-Ai delas at Rufa Mae Quinto sa mga pinagbidahang comedy films ng mga ito. Agad naming tinanong si Direk Joyce kung paano niya ikukumpara ang dalawa kay Uge.


"Si Ai-Ai relate ako sa kanya, pareho kami ng humor, sa punchline, medyo bastos na panglalaki. SiRufa Mae naman, talagang pang-boba, si Rufa at herself na kahit nasinong direktor ang humawak sa kanya, parang di mo na kayang baguhin pa‘yung image niya. Innate na sa kanya, tagalabas ka lang ng kagagahan niya. Si Uge mas may wit, ‘yung punchline niya kailangan may punchline ka rin para makahabol ka, para makapagbato ka. Kung sa wit kaya niyang tumagal, si Ms. Ai kasi mas reta, parang pagago kayo ng pagago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si.Ms. Ai-Ai na mismo ang nagsasabi na si Uge ang nakikita niya na maaaringpumalit sa kanya. Agad ay tinanong naming si Direk Joyce kung ito rinba ang nakikita niya na maaaring puwedeng mangyari in the future.


"Iba ang tinatahak ni Ai-Ai, parang sinabi mo na ang susunod kay Dolphy ay si Vhong o kahit na sino. Hindi kasi iba na ang tatak ni Dolphy, kumbaga kanya-kanya sila ng daan."

Dahil mismong sa bibig ni Direk Joyce na matalino si Uge, aminado ang direktora na may mga argumenta sila ng komedyana. Di na naman daw ito bago kay Direk Joyce dahil kahit di naman kasing talino ni Uge ay marami pa rin ang nakikialam.


"Oo, may mga argumento kami pero kahit naman bobo nakikialam. I won't name names pero ang dami, both stations. Kungsa character lang like ang pangit ng buhok mo, dun umaalam ako kasipati ba naman ‘yun pero pag creative, ‘yung treatment and costume, okeylang."

ON PIOLO AS A PRODUCER. Inaminmismo ni Direk Joyce na bilang producer ng Kimmy Dora ay istrikto atmahigpit si Piolo at minsan bilang kaibigan ay nakakaramdam din siya ngsama ng loob dito.

"Di niya inisip kung ano ang mararamdaman mo, basta pag nag-comment siya, nag-comment siya. Bilangdirektor, kailangang tanggapin mo ‘yun sa producer mo pero bilang isangkaibigan di ko siya ite-text, masama ang loob mo.


"Dikami nag-aaway pero siyempre pag sinabi niyang, 'Hindi maganda ang gawamo, reshoot mo ‘yung first three days,' siyempre parang, 'teka lang,'gagawin mo pa rin pero after nun, di ko siya ite-text pero bibigay karin. Pagtawag niya, 'Hello,' tapos tatawa, pag nakita mo pa ang abs niya sa Guadalupe, wala na lahat ng sama ng loob mo," tukoy pa ni Direk Joyce sa billboard ni Piolo kung saan hubad ang itaas na bahagi ng katawan ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN