Sci-fi action film District 9 now being screened in cinemas


Wikus van der Merwe (played by Sharito Copley) struggles to defend aliens in the movie District 9. This movie is now being screened in cinemas.


Mula sa director ng box-office hits at Academy Award-winning films na The Lord Of The Rings and King Kong na si Peter Jackson, isang kakaibang sci-fi action thriller ang kanyang handog bilang isa namang producer. Ito ay ang District 9.

Ang pelikulang District 9 ay tumatalakay sa matinding interes ng maraming tao sa buong mundo, ang pakikipag-ugnayan natin sa mga aliens mula sa ibang planeta.

Ang kuwento ay sa isang lugar na kung tawagin ay District 9 na matatagpuan sa South Africa. Isa itong refugee camp para sa mga aliens na pumunta at tumira na rito sa ating mundo. Isang organization na kung tawagin ay Multi-National United (MNU) ang namamahala sa mga aliens na ito at sa kanilang tinitirhan.

Pero walang pakialam ang MNU sa anumang mangyari sa mga aliens, ang habol lang nila ay ang mapagkakitaan ang mga alien weaponry na puwede pang magamit. Pero kinakailangan ng alien DNA para mapaandar ang mga armas na nila. Dito na nga nagsimula ang masalimuot na pakikipaglaban ng isang tao na nagngangalang Wikus van der Merwe (played by Sharito Copley) para sa kaligtasan ng mga aliens sa ating mundo.

Maraming ngang twists ang turns ang takbo ng istorya ng District 9 na dinirek ni Neill Blomkamp na pinanganak at lumaki sa Johannesburg, South Africa. Lumipat si Neill sa Canada kunsaan siya ngayon naka-base.

"Neill Blomkamp is a terrifically exciting young director," sabi pa ng Oscar-winning director na si Jackson.

"We were considering a production of Halo, based on a video game. That movie never happened, but we loved working with Neill so much that when he pitched us District 9, we decided it would be fun to turn his idea into a feature film."

Nagsimula kahapon, August 26, ang showing nationwide ang District 9 na mula sa Wingnut Films Production in association with TriStar Pictures and Block/Hanson. Released ito locally by Viva International Pictures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN