Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme rated PG-13 by the MTRCB


Piolo Pascual expresses his gratitude to Eugene Domingo for starring in Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme. "Mas mahal ko siya kasi grabe ang ginawa niya sa pelikulangito. Pag napanood n'yo, makikita n'yo na hindi lang isa, dalawa o tatlongcharacters na ginampanan niya dito. Hindi biro yung ginawa niya, hindi biroyung ilublob siya sa putik. Paglaruan siya sa set ng mga characters. She's verygood and really brilliant. Makikita natin kung gaano kalawak


"Wala akong double dun!" buong pagmamalaki niEugene Domingo pagkatapos ipalabas ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme sapress preview nito kagabi, August 27, sa Shang Cineplex, Mandaluyong City.

Tinutukoy niya ang foot chase scene kunsaan hinabol siya ng mga kidnappers atlumangoy pa siya sa putikan. Marami rin siyang action scenes at mayroon pangeksena kunsaan umangat pa siya sa ere ala Matrix. Sa comedy film na ito,ginampanan ni Uge ang dual roles na Kimmy at Dora, kambal na anak namagkaibang-magkaiba ang ugali. Si Kimmy ay isang strict executive samantalangsi Dora ang isang sweet na babae na kaibigan ng lahat.

Nagkaroon ba si Uge ng mga pasa dahil sa action scenes na ginawa niya para sapelikula? "Oo, nakita ko nga ang pasa ko, maliit dito sa [kanang braso].Kunyari lang na may double ako pero yung double na yun, taga-check lang kungikamamatay ko. Ako pa rin naman ang gumagawa-lahat yun pati yung action scenespati yung paglangoy sa pinaglalanguyan ng kalabaw."

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Uge (palayaw ni Eugene)tungkol sa kanyang launching film na ipapalabas sa 90 theaters simula September2, 2009.

Ano ang kaba niya ngayong malapit na ang opening night ng Kimmy Dora?"Excited na, pero surrender [kay Lord]. There's no use para mag-suffer fromworrying. Alam ko namang pinabutihan naman namin at pinahintulutan ng Diyos naumabot sa ganito.

"Advice nga sa akin ni Ai-Ai [de las Alas], wag na kong mag-worry. Every nowand then, nag-uusap at sinasabi ko sa kanya kung anong nararamdaman ko and shenever fails to advice me. Sinasabi niya sa akin, ‘mag-pray ka lang at surrenderka.' At tama siya.

"I have to ask advice from her [Ai-Ai] kasi senior siya, e. Nakakalma ako pagnararamdaman ko ang malasakit o tulong mula sa ibang tao."

Pinag-uusapan ba nila ang tag na binibigay kay Uge bilang Next Comedy Queen?

"Hindi na kami umaabot sa ganun dahil hindi yun ang essence ng friendshipnamin. Iba ang pinupuntahan ng usapan namin."

Ano na ang plano niya matapos ang proyektong ito? "After this, I really, reallyhope to slow down and rest for a while kasi para akong nasa karera simula panung May. For health reasons, you need to slow down a bit and nourish yourselfagain. Kasi ang artista, puhunan niya ang katawan niya."

Ano ang pinaka-aabangan niyang eksena sa pelikulang ito? "Inaabangan ko kayo![referring to the press]

Ito ba ang unang beses na mapapanood niya ang Kimmy Dora? "Napanood kolang nung dubbing saka sa studio paputol-putol. So hindi ko pa napapanood ngbuo, may music, may special effects."

Ang naturang special effects ng comedy film na ito ay ginawa pa sa Hong Kong.

Excited rin ba siyang makita ang chemistry nila ni Dingdong Dantes onscreen?"Siya talaga ang tama para sa role na Johnson. Ang ganda ng pagkakaganap niya.Hindi namin inaasahan na magte-take siya ng risk. Napaka-exciting."

May times ba na natatakot siya kay Direk Joyce Bernal habang ginagawa angpelikulang ito? "Yes! May times na para siyang teacher. Saka hindi momaintidihan minsan kung nagbibiro o napipikon."

Paano sila magtalo ni Direk Joyce? "Hindi naman tumataas ang boses niya perosinasabi niya, ‘Bahala ka na!' Pag ganun, ibig sabihin nun, sumunod ka na Uge,wag ka nang mag-discuss at hindi kayo uusad. Ang most of the time, tamasiya."

Kung idedescribe niya ang sarili niya, siya ba ay tulad ng bugnutin na si Kimmyor isa siyang sweet person tulad ni Dora? "I think most of the time, I'm Kimmy.Like now, I want to be Kimmy to you."

Kumpleto kagabi ang mga miyembro ng Spring Films, ang producers ng KimmyDora. Ito ay sina Piolo Pascual, Joyce Bernal, Ericson Raymundo, at ShayneSarte. Bago magsimula ang screening, sinabi ni Piolo sa press na natamo nilaang rating na PG-13 mula sa Movie and Television Review and ClassificationBoard.

"I'm so thankful to Shangri-La for allowing us to have a press preview. Solar[ang distributor nf film] na rin mismo ang nagrequest na magkaroon ng presspreview. Bilib sila sa pelikula so nakakataba ng puso. Initially, we justwanted to have a celebrity preview lang a day before the showing. We're veryhonored.

"Galing ako sa MTRCB kanina with Direk Joyce and we got a PG-13 rating, whichis good."

Ano ang reaksiyon niya nung mapanood niya ang buong pelikula? "Ilang beses kona napanood pero tumatawa pa rin ako. Sabi nga ni Direk Joyce, tumahimik nalang ako kasi nagmukuha akong fan. For some reason, hindi siya nakakasawapanoorin."

Ayon kay Uge, mahal na niya talaga si Piolo dahil sa pag-produce niya sapelikulang ito. "Mas mahal ko siya kasi grabe ang ginawa niya sa pelikulangito. Pag napanood n'yo, makikita n'yo na hindi lang isa, dalawa o tatlongcharacters na ginampanan niya dito. Hindi biro yung ginawa niya, hindi biroyung ilublob siya sa putik. Paglaruan siya sa set ng mga characters. She's verygood and really brilliant. Makikita natin kung gaano kalawak ang kaalaman niyasa acting sa pelikulang ito," puri pa ni Piolo sa lead actress ng Kimmy Dora.

Nakausap rin ng PEP si Chris Martinez, at kinuwento nito ang inspirasyon parasa script ng Kimmy Dora. "Ang gusto ko kasi ang first solo film niya,maging challenging talaga para sa kanya," ani Chris. "Ano pa ba ang maschallenging? Ang susunod nun, triplets na. It's a landmark or a milestone forany actress to do a dual role. Hindi pa niya nagagawa yun, e.

"Nagsimula yun kung paano ko mai-stretch ang limits at health ni EugeneDomingo. Ito ang pelikulang hahamon sa kalusugan at katinuan ni Eugene.Nalampasan naman niya lahat ng pagsubok sa pelikulang ito."

Ayon kay Chris, na siyang nagdirek naman kay Uge sa Cinemalaya entry na 100,nagsimula silang gawin ang proyektong ito isang taon na ang nakalipas. Na-conceptualize niya ang istorya na ito noong panahon na nasa 2008 Pusan International FilmFestival siya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




Trailer courtesy of Spring Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN