Simon Ibarra stars in two indie films this year


Simon Ibarra has appeared in the Cinemalaya-NETPAC winner Baseco Bakal Boys and the upcoming Cinema One Originals entry Si Baning, Si Maymay, At Ang Asong Si Bobo.


Masayahing tao si Simon Ibarra, kaya idinadaan na lang niya sa mga pagbibiro o "birong-totoo" ang mga sama ng loob o galit o pagkamuhi o pagkasuklam sa mga tao na, para sa kanya, ay hindi naging parehas sa pakikitungo sa kanya--bilang propesyunal.

Tulad ng hindi raw pagbabayad ng kanyang talent fee sa humigit-kumulang ay tatlong independently-produced movies, simula noong 2006 hanggang 2007. (Click HERE to read related article)

Sa kasalukuyan, dalawang indie projects naman ang kinasasalihan ni Simon: Baseco Bakal Boys ni Ralston Jover, at Si Baning, Si Maymay, At Ang Asong Si Bobo ni Milo Tolentino. Kapwa debuting feature filmmakers sina Jover at Tolentino.

So far, walang reklamo si Simon Ibarra sa dalawang baguhang direktor, hinggil sa "hindi pagbabayad ng talent fees" niya.

Sa ikalawang bahagi ng interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal), pinuri ni Simon Ibarra ang Baseco Bakal Boys writer-director na si Ralston Jover. Aniya, "Napakaganda ng pelikula mo... binalot mo sa halakhak at saya ng mga bata ang lungkot; ang realidad ng buhay, na matatanda lang ang nakakaintindi. Dito, ginawa mong laro [ang lahat]; which is true, ang mga bata, maglalaro lang, nagdi-dive (sa maruming tubig-dagat), laro, dive, laro... [pero] ang ganda ng buhay!"

Sa nakaraang Cinemalaya 2009 ay nanalo ng NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) Award ang Baseco Bakal Boys.

"Ang character ko rito, tatay ng mga bakal boys, na 'yung bestfriend ng anak ko, apo [ng character] ni Gina Pareno, na Muslim.

"So, du'n, ipinakita... na kahit Muslim at Christian, puwedeng maging magka-barkada, magkaibigan," banggit ni Simon.

Bilang artista ng pelikula, masaya si Simon nang manalo ng nasabing award ang bagong pelikula.

Anupa't na-reject ang Baseco Bakal Boys sa Cannes Filmfest 2009 (kung saa'y naging out-of-competition entry naman ang pelikula ng producer-director na diumano'y hindi nagbayad kay Simon).

Naniniwala siya na kaakibat ng prestige ay "may pulitika" din sa mga international filmfest/competitions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi mawawala 'yon!" tahasang sabi pa ng character actor. "Ang nakakalungkot, na nanghihinayang ako, 'yung mga truly deserving, minsan, sila ang nade-dehado..."

* * * * *

Sa Cinema One Originals Filmfest entry'ng Si Baning, Si Maymay, At Ang Asong Si Bobo ay nabigyan naman ng magandang papel si Simon Ibarra. Major character ang ginagampanan niya, bilang si Domeng na isang alcoholic.

Iniwan siya ng kanyang asawa, kaya lagi siyang naglalasing at naging problema sa maliit na neighborhood by the sea. Tanging ang mga inaalagaang hayop (kabilang ang asong pinangalanang si Bobo) ang kasama ni Domeng sa kanyang bahay.

'Yung character ni Ms. Rio [Locsin], natural na mabait, natural na... mapaglingkod [sa kapwa]. She's a very good Samaritan, with a good heart..." banggit pa ni Simon.

Sa totoong buhay, malayong maging si Domeng si Simon, dahil happily married ang actor sa isang practicing lawyer at may tatlo silang anak na babae (all in grade school).

Hindi rin siya lasenggo, pero dahil may sensitivity as an actor, nakuha niyang isalarawan ang ginampanang character, to the satisfaction of their director, Milo Tolentino.

"Wala siyang ano...[background], basta nagka-asawa siya, lasenggo na siya," pag-describe ni Simon of his character in the film, partikular 'yung pagiging alcoholic nito.

"Habang tumatagal ang pagsasama nila (ng asawang nang-iwan; supposed to be a nurse, na nangibang-bayan for good), lumalakas na 'yung pag-consume niya ng alak, at nabubugbog niya 'yung asawa niya. Tapos, iniwan siya ng asawa niya.

"So, ang nangyari, nu'ng iniwan siya ng asawa niya, noon niya na-realize kung gaano niya kamahal ang asawa niya," tuluyang pagku-kuwento na ni Simon ng ilang mahahalagang detalye ng character na lasenggo at tagapag-alaga ng asong kalye.

Sa Nobyembre 2009 na ipapalabas ang Si Baning, Si Maymay, At Ang Asong Si Bobo bilang isa sa mga entries ng fifth edition ng Cinema One Originals Digital Film Fest. Mapapanood na si Simon, bilang Domeng, at ang alaga nitong asong si Bobo. Gayundin ang iba pa niyang kasamang gumaganap, tulad nina Rio Locsin at isa pang baguhang character actress, si Geraldine Tan, at ang mga new child discoveries na sina Gene Karley Largueza at John Harley Rebanal, both 8 years old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN