Sharon Cuneta and Robin Padilla to reunite in a GMA Films movie

by Nitz Miralles
Apr 2, 2007
Megastar Sharon Cuneta and action superstar Robin Padilla are slated to do a movie for GMA Films to be directed by Joey Reyes, a source said.

Excited na ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang reliable source na muling magtatambal sa pelikula sina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Tatapusin lang ng action superstar ang Asian Treasures ng GMA-7 at magsu-shooting na sila ng Megastar.



Kung saka-sakaling matuloy ang naturang proyekto, ito ang ikatlong pagkakataon na magtatambal sa pelikula sina Sharon at Robin. Una silang nagtambal sa phenomenal hit na Maging Sino Ka Man noong 1991 at nasundan ito ten years later, 2001, sa Pagdating ng Panahon. Parehong para sa Viva Films ang unang dalawang pelikula nila.

Hindi na nasundan ang pagtatambal ng dalawang higante ng pelikulang Pilipino kahit marami ang nag-attempt. Si Annette Gozon-Abrogar lang ng GMA-7 ang nagtagumpay sa maraming nag-attempt na sila'y muling pagsamahin.



Nabanggit noon ni Robin na hindi muna sa GMA Films ang next movie niya after Till I Met You nila ni Regine Velasquez para ‘di nakakasawa. Ito'y kahit may one-picture contract pa siya sa film company ng Kapuso Network. Si Sharon lang pala ang makakapagpabago ng isip ni Robin dahil agad daw pumayag ang aktor nang kausapin.

Continue reading below ↓



Si Joey Reyes ang magdidirek sa reunion movie nina Sharon at Robin. Ibig sabihin, mali ang balitang sa Star Cinema at OctoArts Films lang siya nagdidirek ng pelikula.

Wala pang title ang inaabangang Sharon-Robin movie at ‘di pa alam kung ano ang istorya nito. Ang tiniyak lang sa PEP, hindi ito horror, hindi drama, at hindi rin action.

Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta, Robin Padilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megastar Sharon Cuneta and action superstar Robin Padilla are slated to do a movie for GMA Films to be directed by Joey Reyes, a source said.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results