Aljur Abrenica and Kris Bernal pushed through with premiere night last Sunday, Sept 27


The launching film of Aljur Abrenica and Kris Bernal titled Nandito Ako... Nagmamahal Sa ‘Yo is now being screened in cinemas starting today, September 30.


Kahit na katatapos pa lamang ng bagyong Ondoy noong Linggo ng gabi at tahasang masasabi na malaking porsiyento ng mga nasalanta ng bagyo ay hindi pa rin nasasagip at mataas pa rin ang tubig sa karamihang lugar—hindi ito naging hadlang sa premiere night ng launching movie nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Pinalabas ang Nandito Ako... Nagmamahal Sa ‘Yo noong Linggo, September 27, sa SM Megamall Cinema 10.

Hindi rin naman maitatanggi na kung hindi siguro dahil sa bagyong Ondoy, malamang na mas napuno pa nila ang buong Cinema 10. Bukod sa mga bida na sina Aljur at Kris, present din ang ilan sa cast ng movie tulad nina Ana Capri, Valeen Montenegro at Julio Diaz.

Dumating din at nagbigay ng suporta ang kapwa Kapuso stars nila na sina Stef Prescott at Iza Calzado, na nagkaroon kamakailan ng sarili niyang premiere night para sa pelikulang The Echo.

After the storm Ondoy, we could say na masarap manood ng pelikulang tulad ng Nandito Ako... Nagmamahal Sa ‘Yo dahil sa refreshing kilig moments na puwedeng ibigay ng movie sa manonood.

Maganda ang materyal na ibinigay ng Regal Films sa launching movie nina Aljur at Kris dahil siguradong hindi mabibitin ang mga taga-suporta nila kung kilig rin lang sa promising loveteam ngayon ang pag-uusapan. Punong-puno nito ang pelikula. Maraming kilig scenes na sa aming palagay ay hindi naman pilit.


BUOD. Mula sa Quiapo ay naisipan na ni Ana Capri na bumalik sa kanyang bayan sa Bohol dahil sa sakit niya sa bato. Ipinagtapat na rin niya sa anak niya, na ginampanan ni Aljur Abrenica, ang katotohanan kung sino talaga ang kanyang tunay na ama.

Ang tunay na ama ni Aljur ay si Lloyd Samartino at step-brother naman ni Aljur si Baron Geisler. Nagustuhan namin ang realidad ng pelikula sa mga mag-ama na nawalay since birth at nandoon ang pagduda kung anak nga ba niya ang after almost two decades ay noon lang niya nasilayan.

Normal na ipinakita sa script ni Jake Tordesillas ang reaction ng isang ama na ngayon ay inihaharap ang isa pa niyang anak na simula't sapul, may duda siyang anak nga niya. Despite the fact na hindi pa niya ito maangkin nang buong-buo, ang pagpapa-DNA test ang napagkasunduan nilang gawin. Nagustuhan namin ang script na kahit hindi pa siguradong anak nga niya si Aljur, umiral ang pagiging maawain at matulungin na papag-aralin ito, anak man niya or hindi.

Mula sa pagigiging one week pa lamang na magkasintahan ay nagdesisyon na agad sina Kris at Baron na magpakasal. Pero dumating ang conflict sa kanilang relasyon dahil sa pagdating ni Aljur sa Bohol na noong una pa lamang makita si Kris ay na-love at first sight na.

Cute at kilig ang eksenang kinanta ni Aljur sa pamamagitan ng videoke ang theme song ng movie habang nagpapa-cute si Kris at do'n na nag-sink in ang pagseselos naman ni Baron.

VALUES. Technically, maganda ang pakakagawa ng script at hindi matatawaran ang pagdidirehe ni Maryo J. delos Reyes.

Napakalaking factor rin ng magandang tanawin sa Bohol sa sinematograpiya ng Nandito Ako...When you watch the movie, you will not just fall in love with the character of Aljur and Kris but also with the movie's location.

Para sa kanilang launching movie, pasado sa amin ang ipinakitang pagganap ng dalawa. Tampok rin ang equally good support cast composed of Ana Capri, Julio Diaz, Valeen Montenegro, Gerald Madrid and Bohol-based comedienne Scarlet.

Kung papanoorin ang kabuuan ng pelikula, makikitang hindi lang ito nag-focus sa maraming kilig moments kundi sa ilan sa magagandang values ng Pinoy tulad ng pagiging madasalin at pagmamahal sa magulang at pamilya.

Nandito Ako... Nagmamahal Sa ‘Yo is a Regal Films offering at ngayong araw na ito, September 30, ang simula ng showing sa iba't ibang sinehan sa Kamaynilaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN