Thriller-suspense film Hellphone will open on November 11


The characters of Jackie Rice (left) and Rainier Castillo (right) are being haunted by a mysterious cellphone. The indie film Hellphone will open in cinemas starting November 11, 2009.


Mula sa simpleng pangarap ni Snooky Serna na maregaluhan ang kanyang anak na dalaga na si Jackie Rice sa birthday nito ng isang cellphone. Sino nga ba ang makapagsasabing ang cellphone pala na ‘yun ay kalaunan, matatawag mong Hellphone?

Isang second-hand cellphone ang nabili ni Snooky bilang sorpresa sana sa anak na si Jackie. Pero pauwi pa lamang ito ay naaksidente na.

Dito naman papasok ang character nina Mike Tan at Rainier Castillo na may mahalagang gagampanan sa kabuuan ng pelikula at sa hellphone na, supposedly, pag-aari na sana ni Jackie.

Ang Hellphone ay produced ng Bluemoon Production and released thru Sunflower Films, International with executive producers Wahoo Guerrero and Dalia Guerrero-Pastor. It is written and directed by Joven Tan.

May pagka-trilogy ang movie with Snooky, Jackie, Mike, Rainier Castillo, Matet de Leon, Dexter Doria, Basty Alcances, Joshua Tecson and Angelu de Leon na punong-puno ng suspense ang bawat eksena.

Alam mo ba kung sino ang unang may-ari ng hawak mong cellphone? Paano kung ang cellphone mo pala ay pinasukan din ng masamang espiritu? Sasagot ka pa kaya ng tawag sa dis-oras ng gabi?

Nakatakdang ipalabas ang Hellphone sa November 11 sa iba't ibang sinehan sa Metro Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN