Lovi Poe and Emilio Garcia depict incest in Sagrada Pamilya


In Sagrada Pamilya, the character of Emilio Garcia takes advantage of his daughter, played by Lovi Poe. This indie film about incest is directed by Joel Lamangan.


Mabigatpero totoong nangyayari. Ito ang naging reaction ng ilan sa mga entertainmentpress, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na naimbitahan sashooting ng Sagrada Pamilya na kinuhanansa Kamias, Quezon City.


Ilang arawmatapos ang pananalanta ng bagyong Ondoy, naganap ang shooting kunsaan angmismong bahay na pinagsu-shootingan din nila ay isa sa inabot ng matindingbaha.


Present sanaturang shooting ang ilan sa mga bida ng pelikulang Sagrada Pamilya na sinaEmilio Garcia, Snooky Serna at Lovi Poe. Sila ang bumubuo sa Sagrada Pamilya at ang ironic dito, kabaligtaran satotoong kahulugan ng title ng movie ang kuwento ng pelikula.


Kuwento itoni Merle (Snooky Serna) na sa kagustuhang maingat pa ang antas ngpamumuhay ng kanyang pamilya at mapag-aral ang matalinong anak na si Kat, napilitan itong mangibang-bansa sa Europepara mag-trabaho bilang nurse.


Naiwan saPilipinas ang kanyang mag-ama na sina Kat (Lovi Poe) at Johnny (EmilioGarcia). Dalawang taon lang halosnag-trabaho sa ibang bansa si Merle pero na-discover niyang nawawala angkanyang mag-ama. Nang matagpuan niya ang mga ito, matinding pagka-shock angnaranasan niya dahil sa naging matinding pangungulila sa kanya ng asawa at sakinahinatnan ng kanyang nag-iisang anak.


Incest,rape and sad plight ng isang OFW family ang matutunghayan sa pelikulang ito na, amininman natin o hindi, tahasan nang nagaganap sa ilang pamilya sa bansa ngayon. Matapang itong ilalahad sa panulat ng batikangmanunulat na si Raquel Villavicencio under Legadas Entertainment and directed by Joel Lamangan.


Masasabirin na mature at mas daring pa ang mga character na ginagampanan ni Lovi.Although ayon sa kanya, mas iba raw ang Sagrada Pamilya since she makes it a point to arrive on the set na in character na dahil sa intensity ng role niya. Isa siyang rapevictim ng ilang beses ng sariling ama. Boyfriend naman niya rito si Felix Roco.


Matatandaan na may theme na incest rin ang naunang indie film ni Lovi titled Walang Hanggang Paalam. Ito ay napili bilang entry sa Netpac competition ng Cinemalaya 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ayon kayDirek Joel, "Lovi is a revelation in this film. I have discovered a good,natural and sensitive actress in her. Watch out for her."


Bukod samga artistang nabanggit, mapapanood din sa Sagrada Pamilya si Gloria Diaz bilang lola Carmen ni Kat. Kabilang rin sina Robert Arevalo, Jim Pebangco at Rico Barrera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN