Sanglaan invited to 15th Lyon Asian Film Festival in France


Ina Feleo's performance in Sanglaan earned for her the Best Actress trophy in the 2009 Cinemalaya. This Milo Sogueco film will be screened at Robinsons Galleria IndieSine until October 20.


Ang 2009 Cinemalaya entry na Sanglaan ay kasama sa official selection ng 15th Lyon Asian Film Festival sa France. Directed by Milo Sogueco, ito ay pinagbibidahan nina Ina Feleo, Joem Bascon, Neil Ryan Sese, Flor Salenga, and Ms. Tessie Tomas.

Ang Lyon Asian Filmfest aytinatampukan ng sinasabing the best of Asian cinema. May mga 80 shortfilms and full-length films mula sa buong Asya ang festival naito, for an audience of fans, journalists and professionals galing ngbuong France.

This year's fest will be held on November 3-8 at ipapalabas ang Sanglaan on November 6 sa Lyon's Cinema Opera.


Kasalukuyang ipinapalabas ang Sanglaan sa IndieSine (Cinema 7) ng Robinsons Galleria sa Ortigas Center, Pasig City. Magtatagal hanggang Tuesday, October 20, sa nabanggit na sinehan.

Sa isang e-mail na ipinadala sa direktor nitong si Milo Sogueco, Lyon Asian Film Festival's Jean Pierre Gimenez wrote:

"We are proud to announce theofficial selection of ‘The Pawnshop' for the 15th Asian Film Festivalwhich will be hold in Lyon (France)...

"Our selection committee wasparticularly sensitive to the originality of thestory and was impressed by the actors' performances."


ACTING AWARDS. Ito'y mula sa script at direksiyon ni Milo Sogueco na isa rin sa executive producers ng pelikula, bukod kina Myra Manuel at Gay Ace Domingo. Sina Sogueco at Domingo rin ang producers ng simple pero makabuluhang pelikula.

Ito rin ang nagbigay ng ikalawang Best Actress trophy kay Ina Feleo mula sa Cinemalaya filmfest. Unang inuwi ni Ina ang Balanghai trophy ng Cinemalaya for Best Actress noong 2007 para sa Endo, with Jason Abalos, directed by Jade Castro.

This year, muling nakamit ni Ina ang pinakamimithing tropeyong ito at "tinalbugan" niya ang iba pang mahuhusay na lead actresses na may kanya-kanyang entries, tulad nina Irma Adlawan para sa Ang Panggagahasa Kay Fe at si Che Ramos para sa Mangatyanan.

Hindi rin nagkamali si Tessie Tomas na tanggapin ang kanyang role dito sa Sanglaan, dahil siya ang nanalong Best Supporting Actress, at ang dami niyang tinalo sa siyam pang kalahok na pelikula.

Ang board of judges sa Cinemalaya Awards Night ay ang respetadong director na si Chito Roño, Aude Hesbert ng Paris Cinema, Aruna Vasudev ng Network for the Promotion of Asian Cinema (NETPAC), Ateneo professor Mark Escaler, at ang award-winning actress na si Cherry Pie Picache.


SYNOPSIS. While a pawnshop's appraiser makes a bid for independence and love, its owner is in dire straits, just like the security guard and the pawnshop's customers.

As they seek ways to repay what they "borrowed," one question looms: "Will they redeem themselves or will they lose what they value the most?"

Sanglaan (The Pawnshop) is a reflection on financial disasters, romantic mishaps, angst and desperation. It is a peek into permanent interests and fleeting fortunes. Sanglaan is about holding on and letting go, about endings and new beginnings.

Iba pang kasama sa cast ay sina Jess Evardone, Mica Torre, at Carme Sanchez. Line Producer si Chits Jimenez, ang co-writers ni Sogueco ay sina Audie Gonzales, Jerome Lorico, at Gay Ace Domingo. Director of photography si Alma dela Peña.

Production designer si Joy Puntawe, ang production sound ay gawa ni Nolet Clemente, musical scorer si Darryl Shy, editors sina Lawrence Fajardo at JM Basa, at sound engineer ang award-winner na ring si Ditoy Aguila.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN