Regine Velasquez is more daring in her movie with Piolo Pascual

by Mell T. Navarro
Apr 9, 2007
"Naku, ang dami kong first time na ginawa dito, na parang 'pag pinanood ng Nanay ko ito, e, papagalitan niya si Piolo!" jokes Regine Velasquez.


Mukhang maganda ang samahan ng Star Cinema at Viva Films sa paggawa ng kanilang mga pelikula. Most recent ay ang comedy flick na Ang Cute Ng Ina Mo ni Ai-Ai delas Alas.



Susunod na rito ang currently sinu-shooting naman nina Piolo Pascual at Regine Velasquez na super-long overdue na. Nauna pa itong naiplano sa Till I Met You na huling pelikulang ginawa ni Regine, kung saan nakatambal niyang muli si Robin Padilla.



Anyway, smooth lang umano ang shooting ng Sana Ikaw Na, ang final title ng Regine-Piolo movie na mula pa rin sa joint venture ng Star Cinema at Viva Films. Si Bb. Joyce Bernal ang direktor ng movie, na ilang beses nang nakagawa ng movie with Regine na pawang mga hits.



Say ni Piolo on Regine, "I never thought na si Regine pala ay down to earth... Masarap siyang kasama. In this movie, we had more time to talk and mag-bonding."

Continue reading below ↓



Unang nagkatrabaho sina Piolo at Regine sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN at ngayon pa nga lang sila sasabak sa movie, for the first time, na muntik-muntikan pang hindi matuloy.



"Two years nga in the making ang planning ng movie na ito, e!" tawa ni Regine. "Di ko nga masisisi kung mag-doubt ang iba na matutuloy pa ito. Pero hindi kami papayag ni Piolo na hindi ito matuloy dahil sayang naman."

"It added more excitement, yung pagtagal gawin," sambit naman ni Piolo.



Marami raw mga "firsts" ang ginawa ni Regine sa Sana Ikaw Na.



"Naku, ang dami kong first time na ginawa dito, na parang 'pag pinanood ng Nanay ko ito, e, papagalitan niya si Piolo!" biro ni Regine.



"Sasabihin ko na naman sa Nanay ko, 'Kinompyuter lang 'yan!' Kaso, the scene has to be done. Pinalayas ko lang lahat ng tao sa set," kuwento ng singer-actress.



Obvious na ang tinutukoy na eksena ni Regine ay ang kanilang mainit na love scene ni Piolo.



"Lalo kong in-admire si Regine [sa eksenang yun] dahil hindi niya lang nililimitahan ang sarili niya," makahulugang banggit pa ng guwapong aktor.

Read Next
Read More Stories About
Regine Velasquez, Piolo Pascual
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naku, ang dami kong first time na ginawa dito, na parang 'pag pinanood ng Nanay ko ito, e, papagalitan niya si Piolo!" jokes Regine Velasquez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results