Biyaheng Lupa uses a bus trip as a metaphor for life's journey


Eugene Domingo and Shamaine Buencamino (seated) as well as Coco Martin (rightmost) are some of the actors cast in Armando "Bing" Lao's directorial debut, Biyaheng Lupa. It will be screened at Market! Market! on October 23 at 4:30 PM.


Nagkaroon na ng premiere night ang unang pelikula ngscreenwriter-turned-direktor na si Armando "Bing" Lao: ang BiyahengLupa (international title: Soliloquy). Ginanap ang premiere nitongayong gabi, October 19, sa Market! Market! sa Taguig. On October 23, magkakaroon ito ng isa pang screening sa Cinema 6 ng Market! Market! at 4:30 PM.

Kamakailan ay nabanggit sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) na ang Biyaheng Lupa ay isa sa anim na entries na naglalaban saDigital Lokal category ng 11th Cinemanila International Film Festival. Angawarding ceremony ng Cinemanila ay gaganapin sa Taguig ngayong Biyernes, October23.

(CLICK HERE to read more about the other entries in DigitalLokal)

Si Bing ang sumulat sa screenplay ng Biyaheng Lupa atproduced ito ng bagong production outfit, ang Quantum Films (dating MLRProductions, Inc.) ni Atty. Josabeth 'Joji' Alonso. Co-producer si Ms. JosieBautista-Tence.

Para sa isang independent production, o indie film, malakingcast ang bumubuo ng pelikula, kabilang sina: Jaclyn Jose, Coco Martin, EugeneDomingo, Shamaine Buencamino, Susan Africa, Julio Diaz, Alan Paule, CarloGuevarra, Andoy Ranay, Jose 'Peping' Almojuela, Archie Adamos, Isabella deLeon, Jess Evardone, Mercedes Cabral at Angel Aquino.

Kabilang sa minor supporting cast sina Ching Danseco, Emman dela Cruz, at Girlie Quitain. Mayspecial participation ang husband ni Shamaine na si Nonie Buencamino.

Bukod sa nabanggit na cast, first-time director Bing Laoworked with a competent staff, composed of Ogie Sugatan (cinematography), DitoyAguila (sound), Jay Halili (editing), Gian Gianan (music), and Jay Lozada(production design). Award-winningproduction designer, Leo Abaya, did the concept and movie poster/layout design.

In an interview with PEP, Direk Bing Lao gave detailedinformation on the making of his debut film.

"Nag-shooting kami nung February 2009, tatlong araw'yon. Tapos, nag-shoot uli nang dalawang araw, noong March. Shooting and editing, during intervals,sabay 'yon; within two months, natapos ang principal photography.

"Nung April, may mga recording, dubbings, scoring...may first rough cut na. Purorefinements. Then, sound design. audio design, voice- over recordings, additional music, color grading, reediting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas matagal ang post-production kaysa shootingmismo," saad pa ni Bing. "Limang araw lang at kalahati ang shooting. Ang post-production, anim na buwan. Hindi naman everyday, kasi may schedule ka,eh. May schedule din ang post-prodhouse. Hindi naman sila available lagi."

Noong unang linggo ng August, sabi ni Bing,nag-interlock na sila; ibig sabihin,sarado na ang editing phase, wala nang puwedeng baguhin, o idagdag na mgaeksena.

"Fake interlock 'yon," natawa si Bing. "Ang dami pa ring eksenang puwedengidagdag, o ayusin. Kinailangangmag-restructure..."

Noong third week of August, nagkaroon ng final-cut preview ang mgasangkot sa production at distribution ng BiyahengLupa.

"Tama na. Dapat may katapusan ang 'biyahe,'" sabi pani Bing, na hindi itinatago ang kasiyahan sa una niyang pagdidirek ng pelikula.

* * * * *

SHOOTING AS 'TROUBLESHOOTING.' Bilang isang road movie na malaki ang cast,hindi biro ang pagtatrabaho ng lahat, habang sakay ng bus na bumibiyahepatungong timog Luzon, o ang Bicol region.

Ang unang biyahe, patungong Lucena, parte ng Quezonprovince. Dito kasama ang ibang mgatauhan, kabilang ang kina Susan Africa, Isabella de Leon, Mercedes Cabral,Andoy Ranay at Shamaine Buencamino.

"Sa shooting, ang dami kong shootings—natrouble-shooting," makahulugang banggit pa ni Bing. "May mga problematalaga: logistical, at technical, relational. 'Yun ang nature ng shooting parasa akin."

Pero ang 'actual' shoot, obserbasyon niya, "Yungmounting ng film, alam ko na, kasi meron naman akong manual, in mind, may mgatheories na ako. Actually, ang discovery ko, ang principles sa writing, applicabledin sa directing. Magkaiba lang sila ngphysical medium, pero 'yung principles, halos pareho naman."

"Kasi, kung wala akong gano'ng principles, magpa-panicako at mane-nerbiyos. Parang, pagtinanong ako ng cinematographer, 'O, direk, saan ang posisyon ng camera?' Ay, saan ba? Dito ba, o doon?'" natawa uli si Bing. "Top level, pag may rhetoric ka, maytop-level vision..."

In simple language, na hindi pang-film course manual, Bingexplains: "Sa writing, meron ding rhetoric, o function [gamit] ng eksena,o kung ano'ng gustong sabihin ng direktor sa eksenang kukunan..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit "Soliloquy" ang translation ng titleng pelikula?

Ani Bing, "'Soliloquy' is a device used in theater, nanagsasalita ang character at kinakausap ang sarili, para sa kanyangaudience..."

Ito rin ang dahilan kung bakit nananangan ang materyal ngBiyaheng Lupa sa maayos na paglalapat ng tunog, na may iba't ibang antas ngtimbre at kahulugan, na pati ang katahimikan ay nangungusap.

Sa post-production, involving sound design, kailangan angmaayos na paglalapat ng nagsasalimbayang voice-over dialogues ng napakaramipang sangkot sa labing-anim na pangunahing tauhan.

Sa aspetong ito ay tumutok pa rin ang direktor, kasama angsound engineer/designer na si Ditoy Aguila. May extension pa rin ang "troubleshooting" hanggang sa loob ngaudio post.

* * * * *

DEFENDING THE PRODUCER. Early on, PEP received some unconfirmed reports na nagkaroon ngproblema sa set ng Biyaheng Lupa, at diumano'y dissatisfied ang ilang artistasa pamamahala ng producer na si Atty. Joji Alonso.

"May gano'n din ba?" tanong ni Bing."Napaka-fair na nga ni Attorney. Joji. Baka hindi nila alam, napaka-fair ni Attorney. Lahat ng requirements, lahat ng kailangan ko, ibinibigay. Mayaerial shot kami, although hindi na nagamit dahil hindi nag-match sa eksena[instead, ginamit ang shot ng Mayon volcano sa opening credits].

"Ang bayad sa mga artista, kaliwaan (o"bayad-indie" matapos ang hard day's work). At the end of the day's shoot, bayad ang lahat sa production,, incash. 'Yung mga nasa main cast, checkpayments [na hindi tumatalbog]. Kaya'yung iba, nagtatanong, 'wala na bang shooting?' dahil, ibig sabihin, may 'perday' uli sila," natatawang pag-kumpirma ni Bing.

Ang nakarating na ulat, may delay sa catering, at hindi itopabor sa mga artista, lalo't mahirap ang sitwasyon habang nagbibiyahe atnagsu-shooting at the same time.

Muli, ipinagtanggol ni Direk Bing ang kanyang producer-friend.

"Kung palpak ang production," sabi niya,"kung palpak na, as in palpak, hindi matatapos ang pelikula in fivedays! So, walang karapatan ang sinumanna magsabing palpak ang production. O kung may nairereklamo man, hindi sa shoot.So, hindi considered na kapalpakan [ng production] 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Bing, bilang direktor, "Ang palpak, thirtydays na akong nagsu-shoot, hindi pa tapos ang pelikula, 'yon ang palpak! E, kung natapos ang pelikula (in five dayswith post-production given ample time within five months), hindi palpak 'yon. 'Yung mga hassles, normal 'yon!"

Sakaling hindi natugunan ang concerns ng production, ano anggagawin niya bilang first-time director?

"Ah, hindi ko kasi naranasan, kaya hindi komasabi," ani Bing. "Angnaranasan ko, in-address naman [ni Atty. Joji] lahat ng concerns, more than Iexpected."

Nag-exceed ba ang budget ng pelikula, as an indie movie?

"Siyempre, bakamga three [million pesos], production and post-production lang," sabi pani Bing. Sakaling ilipat ang digitalmovie sa film, mangangailangan ng karagdagang budget na isa at kalahatingmilyon, ayon din sa direktor.

"Okay na ang sub-titling, okey na lahat. Mura pa rin. Basta less than five million [ang total budget], mura pa rin'yon."

Sa simula pa lang, Bing Lao saw to it na magiging "producer-friendly"ang pelikula, in terms of budget cost, at nagawa niya ito, much to hisproducer's satisfaction. Ang naturang pelikula ay suportado rin ng NCCA(National Commission for Culture and the Arts) at FDCP (Film DevelopmentCouncil of the Philippines).

"Ang strategy kasi, dapat tapusin mo ang shooting nangthree days," paliwanag pa ni Bing. "'Yun kasi ang mindset ko, eh. Tapusin nang three days. Siyempre, hindi matatapos, naging five days. Mura pa rin. Kaysa naman 'tapusin ko nang five days...' tapos,magiging seven days. O eight days, di ba?"

"O kaya, 'tapusin ko nang eight days...' magigingtwelve days 'yan, di ba? So, dapat, i-unlearn mo ang disiplina sasarili."

* * * * *

WRITER'S FILM. Artistically, a film is said to be a"director's medium" dahil nasa kamay ng direktor ang kabuuangpamamahala ng pelikula, sa iba't ibang elemento nito.

Samantala, mayroon ding teorya ukol sa pagiging auteurartist ng isang mandudulang pampelikula (screenwriter). May mga committed writers na pinapahalagahan nang lubos ang kanilang writingcraft. Nais nila ang kalayaan sa sining, o mabigyan ng kaukulanghalaga ang kanilang kontribusyon sa pagbuo ng pelikula, in collaboration withthe filmmaker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Armando Yasin Lao—higit ngang kilala sa industriya,bilang si Bing Lao—ay tubong Mindanao, Tausug ang mother, of Chinese descentang father, pero "Pinoy at heart."

Sa pagiging manunulat nakilala at nirespeto siya kaya maramisiyang screenplays na naparangalan (kabilang ang para sa Takaw Tukso niWilliam Pascual; Saan Nagtatago Ang Pag-Ibig? ni Eddie Garcia; ItanongMo Sa Buwan at La Vida Rosa ni Chito Roño; Pila Balde, Tuhogat Minsan Pa ni Jeffrey Jeturian).

Marami rin siyang trabaho, bilang creative consultant parasa ibang screenwriters, na nagkaroon ng magandang bunga, sa pamamagitan ngparangal o critical acclaim. Mababanggit dito ang mga obrang Kubrador niJeturian, Foster Child at Tirador ni Brillante Mendoza (based onscreenplays written by Ralston Jover); Masahista, also by Mendoza(script by Boots Pastor); Tribu ni Jim Libiran (also the screenwriter);at Jay ni Francis Xavier Pasion (Urian 2009 best screenplay winner), whoall sought the assistance of their writing workshop mentor para sa kanilangacclaimed works.

Ang dalawang obra ni Brillante Mendoza, Serbis atKinatay, na parehong natanggap bilang main competition entries sa CannesFilm Festival 2008 at 2009, respectively, ay mula sa mga dulang pampelikula na angkabuuan ay sinulat ni Bing Lao.

Bilang una niyang obrang pampelikula, ibinibilang ni Lao na"writer's film" ang Biyaheng Lupa.

Sa kanyang theory, ang pelikula ay isang collaborativeeffort ng direktor at manunulat, bilang mga pangunahing tagapagbuo ng obra.

"A film is only a director's film if—and only if—thedirector also wrote the script," pahayag pa ni Bing. "If he didn't write the script, he isjust fifty percent author of the film. He's the co-author of the film," giit ni Bing.

"Co-authorship ang advocacy ko, noon pa man. Treat the writer as co-author of thefilm. Basta, yun ang top level. Bahala ka na, kung papa'no mo i-e-express yung idea na ina-acknowledge moang writer as co-author of the film."

Kaugnay sa sinabi'y nabanggit ni Bing Lao ang ehemplo niVeronica Velasco, direktor ng nanalong Best Picture sa nakaraang Cinemalaya2009, Last Supper No. 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay ang gesture ni Roni [Veronica] Velasco. Ang writer niya, si Jinky Laurel. Hindi naman siya co-director, writersiya. Pero sa lahat ng pagpapakilala sakanya, kasama si Jinky, at ang title nila, as a tandem. Writer siya, pero acknowledged as co-authorof the film. I like thatgesture..."

* * * * *

ABSOLUTELY HAPPY. Pareho sina Bing at ang kanyangproducer, Atty. Joji Alonso, na naging masaya sa finished product, sa kabilang mga nabanggit na aberya sa panahon ng pagbuo nito.

May mga taga-industriya din, kapwa producer ni Atty. Joji at kapwa direktor narin ni Bing Lao, na nagustuhan ang pelikula.

For now, hindi itinatago ng baguhang direktor angsatisfaction sa naging resulta ng una niyang pagdidirek sa pelikula.

"I'm absolutely happy," aniya pa. "Noon kasi, qualified happy langako. Kasi nga, meron pang kulang."

Hindi lang si Bing, bilang direktor, ang nasunod sa pagbuoat pagsasaayos ng pelikulang dinirek, mula sa kanyang script (originally, ay pamamahalaan sana ng award-winning short filmmaker-turned-featurefilm director, Sockie Fernandez).

"Lahat ng cast naman, pinapanood ko," aniya. "Bawat cut, may audience. Inimbitahanko ang mga kaibigang nagbibigay ng feedback, like, 'parang mahaba yata,kailangan ba 'yung information o hindi?' Mga ganung issues."

"I took all of them good-naturedly, crossed-closedsuggestions and their feedback. Tapos,yung comments na addressable, I addressed them. Yung hindi valid, hindi ko nain-address. Di ba, kung minsan, maylimitation din ang lahat?

"So, nakatulong lahat ng mga comments. 'Yung mga good comments, nag-affirm na tama'yung ginawa ko. 'Yung mga negativecomments, tinitingnan ko kung paano ba ma-improve, o ma-correct. Parang sa scripts, pinapabasa ko angstoryline, ang statements... usually naman, may good comments, sonaba-validate."

* * * * *

EVERYMAN'S JOURNEY. Briefly stated, Biyaheng Lupa, says director Bing Lao, "representswhat I represent."

"It is philosophical. It is about life... a journey. It is about me..."

"Hindi lang ito physical journey, but one thatphilosophizes on life, so ginawang metaphor yung bus. Life's travel ito. So, itrepresents me. Kaya maganda siyangfirst film, kasi it defines you and it defines a 'firstfilm.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming elements doon na ako," banggit pa niBing. Ibinigay niyang halimbawa ang kantang "Kahit Isang Saglit" naginamit sa isang videoke scene inside a moving bus (as interpreted by NicoAntonio ng VoizBoys quartet).

Hindi nakalimot si Bing Lao sa pag-acknowledge, bilangpasasalamat, sa composer ng kanta (Louie Ocampo) na ipinagamit ang awitinfree of charge para sa isang mahalagang mensahe.

"Sa scene na 'yon, made-define ang kulturangdine-depict. Pinoy na Pinoy, di ba, mahilig kumanta sa mga videoke, kahitsintunado?" lahad pa ni Bing.

As for the other characters in the film, higit dingnaka-relate ang direktor, unang-una dahil mahilig siyang bumiyahe, malayo man omalapit ang destinasyon.

"May character do'n na nag-i-scrabble [Jess Evardone],"sabi pa ng direktor na minsa'y naging kampeon sa nasabing word game.

"Merong character na nagni-networking [JulioDiaz]," dagdag pa ni Bing, na sumubok na ring mag-networking.

Nasisiraan ang anumang sasakyan, tulad ng isang bus. Kungihahambing sa isang tao, "Napa-flat tire din," aniya.

At umiibig? "May love din. O pursuit of love, mga filial duties..." Namasasalamin sa mga tauhang ginampanan nina Alan Paule at Angel Aquino, CocoMartin, Susan Africa, Shamaine at Noni Buencamino, Carlo Guevarra, Isabella deLeon, Mercedes Cabral, ang mga senior citizens, like Peping Almojuela and MelySoriano, at Eugene Domingo.

"Lahat ng experiences, o little stories ng mgacharacters, nakaka-relate ako," sabi rin ni Bing.

Kung meron siyang isang bagay na mahihiling, para sa susunodniyang pelikulang ididirek, kung sakali, ano 'yon?

"More than five days shoot!" mabilis na tugon niBing, who obviously enjoyed sa una niyang pagdidirek ng pelikula. "O, 'wag lang five days, at leastten! Kasi, kahit naman sina Jeffrey[Jeturian], sina Dante [Mendoza], Ellen [Ongkeko-Marfil], more than ten daysnaman sila, di ba? Mabilis na nga silapag ten days, eleven days, thirteen days... considered mabilis na sila.

"O, di ba, mas mabilis nga ako?!" aniya pa."Kaya kung bibigyan mo ako ng ten days, napaka-luxurious na ng shooting.Siguro, lahat ng dapat kong i-cover, maku-cover talaga. Lahat ng shots, maraming material namapapagpilian sa editing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad ng nangyari sa Biyaheng Lupa, maraming materyalna napagpilian sina Bing at ang editor (Jay Halili), sa panahon ng pagsasaayoso pag-restructure ng pelikula.

Mahalagang bagay ito, para sa pagbuo ng isang makabuluhangobra, ayon sa ginusto ng lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN