Patient X not targeted at young audiences


With a rating of R-13 by the MTRCB, Patient X is not for young audiences. There are gruesome scenes and violent deaths that are shown in this horror film starring Cristine Reyes and Richard Gutierrez.


Tuwang-tuwa ang mga bida ng pelikulang Patient X na sina Richard Gutierrez at Cristine Reyes dahil dumalo sa premiere night ng movie nila noong Linggo, October 25, sa SM Manila Cinema 4, ang kanilang mga pamilya at mga kabigan, pati ang maraming fans nilang dalawa.


Present ang Mommy Klenk at Ate Ara Mina ni Cristine, kasama ang iba pa niyang mga kapatid. Sa side naman ni Richard ay nandun naman ang mga magulang niya na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, at ang kakambal niyang si Raymond. Nandun rin ang babaeng kapatid na si Ruffa at siyempre sina Rocky at Elvis na kasama sa cast ng horror film.


Dumalo rin ang direktor ng Patient X na si Yam Laranas at ang mga executives ng GMA Films, headed by Ms. Annette Gozon-Abrogar, at executives ng Viva Films. Nandun din ang iba pang cast na kinabibilangan nina TJ Trinidad, Miriam Quiambao, Dion Ignacio, Paulo Avelino, Jhake Vargas, Nanding Josef at child star Junyka Santarin.


Ang iba pang celebrities na namataan ng PEP sa loob ng sinehan ay sina German Moreno, Bubbles Paraiso, Ehra at Michelle Madrigal, at Direk Mark Reyes.


Bilang anticipation sa nalalapit na Halloween, may mga fake cobwebs na nakasabit sa paligid at ang red carpet ng venue ay may mga orange at black balloons at mga tuyong dahon.


Bago nagsimula ang screening ng pelikula ay na-interview muna ang mga lead stars ng pelikula. Very excited nga ang dalawa dahil noon lang daw nila mapapanood nang buo ang pelikula.


"We’re very excited to watch the film. One month naming hinintay yung pelikula bago namin mapanood, so we’re very excited to watch the movie," masayang sambit ni Richard.


Singit naman ni Cristine na seksing-seksi sa suot na blue dress, "Super excited na, lalo na ako. Lagi kong sinasabi kay Richard na excited na akong mapanood yung movie namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Amazing" experience daw na makatrabaho si Cristine, ani Richard. Habang sabi naman ni Cristine ay sobra siyang nag-enjoy na katrabaho si Richard.


Paano napapayag si Cristine na gumanap sa mahirap na role niya bilang aswang sa movie?


"Actually, nung in-offer sa akin ito sobrang natuwa ako kasi nga very challenging siya. So, game ako sa lahat ng pinapagawa sa akin ni Direk Yam," sagot ni Cristine.


Rated R-13 ang Patient X, kaya hindi ito mapapanood ng mga batang fans nilang below 13 years old. Hiningan naman ng PEP ng paliwanag si Richard, especially since co-producer siya nito (via RGutz Productions) with GMA Films and Viva Films, kung bakit R-13 ang naging rating sa movie nila?


"Well, R-13 siya dahil the movie is really not designed for kids. We could have compromise to take some scenes out, but those scenes are very important and very vital to the story. Ayaw naming i-sacrifice yung creative content...creative input ni Direk Yam. So, the movie is really scary and ayaw din namin na kami pa ang maging dahilan para magka-trauma at magka-nightmares yung mga bata kapag napanood nila ang pelikula. So, it’s better na hindi na lang nila mapanood. Sa pagtanda na lang nila puwede na nilang panoorin sa DVD," paliwanag ni Richard.


Hindi ba sila nagwo-worry na mababawasan ang mga manonood ng Patient X?


"Hindi rin e, kasi pag tinanggal namin yung ibang eksena na magaganda, na scary, baka pag tinanggal namin yun para lang makuha yung kids... na hindi naman talaga dapat para sa kids yung pelikula, baka kasi mag-suffer naman yung quality for the adults whose gonna watch. So, ang objective namin is to have a quality film for Halloween and that’s what we’re gonna give them," pahayag pa ni Richard.


Tuluy-tuloy na ba ang pagpo-produce niya ng pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Yes, sana tuluy-tuloy, hopefully. Tignan natin ang outcome nitong Patient X," tugon ni Richard.


Ano ang message nila sa mga manonood ng Patient X?

"Sa mga nagpunta dito sa SM Manila, maraming salamat. Sa lahat po ng manonood ng Patient X sa October 28, panoorin n’yo mag-e-enjoy kayo. Make sure you have a friend that you can bring dahil pag natakot kayo puwede kayong kumapit sa kanila," ani Richard.


Dagdag naman ni Cristine: " Sana mag-enjoy kayo sa movie namin ni Richard. Sana magustuhan n’yo at ulit-ulitin n’yo pa."


Produced by GMA Films and Viva Films in cooperation with RGutz Productions, ang Patient X ay mapapanood na sa mahigit 100 cinemas nationwide. It is rated R-13 by the Movie and Television Review and Classification Board.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN