Hellphone promises to scare viewers starting November 11


Angelu de Leon plays a mother who comes to possess a haunted cellphone in the upcoming suspense-thriller film Hellphone. It will open in cinemas starting November 11, 2009.


"Nakakapanindig-balahibo!" "Nakakagulat," "Trailer pa lang iba na ang effect!"

Ilan lang ito sa mga reaction/comment ng mga nakapanood na ng advance screening ng pelikulang Hellphone. ’Yung iba naman ay base sa trailer na ipinapalabas at puwede rin makita sa Youtube.

May kakaibang effect nga ang pelikulang Hellphone na produced ng Bluemoon Productions and released thru Sunflowers Film. Ang suspense-thriller na ito ay sinulat at idinerehe ni Joven Tan.

Paano nga ba kung ang cellphone mong hawak ay hindi lang pala katulad ng isang ordinaryong cellphone, lalo’t higit kung ito ay isang second-hand cellphone na wala kang ideya sa orihinal na may-ari o kung kanino na napasalin-salin?

Paano kung ang cellphone na hawak mo ay may masamang elemento o espiritu na namamahay rito? Makakaya mo pa kayang sumagot ng tawag lalo na at dis-oras ng hatinggabi?


Ayon kay Mike Tan, marami raw siyang natutunan habang ginagawa ang pelikulang ito. "Marami, dahil unang-una, okay ’yung shooting, lahat professional kaya maganda ’yung working relationship. Especially sa part ko, ’yung mga kasama ko, matagal ko na rin nakakasama, like Rainier Castillo and Jackie Rice."

Kahit daw eksena na niya ang pinapanood niya, hindi pa rin daw niya maiwasang hindi magulat.

"’Yung gulat factor, nandoon talaga! Kahit after naming i-take tapos pinanood mo ’yung rushes, ramdam mo na. Noong mag-dubbing ako, nagulat ako dahil parang iba, iba ’yung effect niya, kahit kasama ’ko sa scene na ’yun noong ginawa namin."

Mula sa kamay ni Snooky Serna at sa simpleng pangarap niyang maregaluhan ang dalagang anak sa kaarawan nito kahit isang second-hand cellphone, napunta sa pagmamay-ari ni Mike ang naturang "hellphone." Dahil dito, marami nang hindi magagandang pangyayari ang naranasan nina Mike at Rainier Castillo na magkasama sa trabaho bilang mga janitors.

Si Snooky na maituturing na beterana sa acting ay nagbitiw ng pawang magagandang salita nang tanungin tungkol sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Alam n’yo, sobrang nag-enjoy ako sa pagsu-shoot ng movie. Alam n’yo, ang galing! Masasabi ko talaga na nag-enjoy ako sa ginawa namin, and ’yung role ko, it’s something that I don’t get to portray always. I really love the movie!"

Mahalaga ang role ni Snooky sa pelikula dahil iikot halos ang kuwento simula nang mapasakamay niya ang cellphone.

Another cast member of the film, Angelu de Leon, is all praises for their movie. In fact, sa loob halos ng ilang buwang nakaraan, bukod-tanging ang Hellphone ang pelikulang napili niyang gawin.

"’Yung director ng movie, meron talaga siyang eye kung paano tatakutin ’yung audience. Nakita n’yo naman ang trailer ’di ba? Trailer pa lang, iba na ang dating. Nakakapanindig balahibo na."

Tinanggap din ni Angelu ang role kunsaan ginagampanan niya ang role ng nanay ng batang actor (Basty Alcances). Ang anak ang nakakuha ng cellphone, at doon na rin nagsimula ang mga kakaibang karanasan sa buhay nilang mag-ina.

"Interconnecting ’yung kuwento. Hindi siya trilogy movie, pero parang trilogy dahil nagko-connect ang mga characters at kuwento. Interesting talaga at may redeeming factor."

Ganoon din halos ang mga naging pahayag nina Rainier Castillo and Jackie Rice, na tulad ni Mike ay mga produkto ng StarStruck.

"Ang dami kong natutunan sa Hellphone, at nagkaroon ako ng chance na makasama ang mga artista na hindi ko pa po nakakatrabaho. Ang daming twist ng movie na, para sa akin, kakaiba siya sa mga Filipino horror film. Nakakatakot at siguradong hindi masasayang ang pera ng manonood," ani Jackie.

"Janitor kami ni Mike sa movie, na kahit hindi ako ang nakakuha ng cellphone, pati ako minumulto. Sa totoo lang, nagulat ako nang mapanood ko ang trailer. Natakot ako. In real life, matatakutin pa naman ako!" natatawang pag-amin naman ni Rainier.

Ang Hellphone ay ipapalabas sa mga sinehan simula November 11, 2009. Magkakaroon ito ng premiere night sa sa November 9 (7 pm) sa Robinsons Galleria Cinema 3. Other cast members are Dexter Doria, Basty Alcances, Joshua Tecson and Matet de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN