Peeping Toms hound the shooting of "Silip"

by Jojo Gabinete
Apr 4, 2007
(From left) Francine Prieto, Polo Ravales, and Diana Zubiri are the lead stars of Seiko Films' Silip, directed by Joel Lamangan.


Contrary to reports, hindi pa nakukunan ang mga love scenes nina Diana Zubiri, Francine Prieto, at Polo Ravales para sa Silip, ang bagong pelikula ng Seiko Films, na mula sa direksiyon ng award-winning filmmaker na si Joel Lamangan.



Si Racquel Villavicencio ang scriptwriter ng Silip, at sa liblib na lugar ng Bongabong, Nueva Ecija, ang shooting ng pelikula.



Noong Linggo, April 1, ang eksena na naglalaro sa ilog sina Diana at Francine ang kinunan ni Direk Joel. Malayo ang location pero dinayo pa ito ng mga tao na gustong makita nang personal ang mga artista ng Silip.



Off-limits sa mga usyosero ang shooting dahil half-naked sina Diana at Francine sa eksena, pero hindi naitaboy ng production staff ang mga tao. Napapaligiran man ng bundok ang ilog, hindi ito naging hadlang para malaman ng mga tao na may shooting sa naturang lugar.



Napailing na lamang ang production staff at ang mga artista nang makita nila na parang mga sundalo na nakadapa sa bundok at susugod sa giyera ang mga gustong manilip sa mga hubad na artista. Wala naman silang nakita maliban sa likod nina Diana at Francine na parehong nakatalikod sa kamera.

Continue reading below ↓



Hindi sigurado ang production staff kung may nakita ang mga namboso nang kunan ang eksena nina Polo at Francine habang tumatakbo na kapwa hubo't hubad.

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa susunod na buwan ang Silip.



Silip din ang pamagat ng controversial movie na pinagbidahan noon nina Sarsi Emmanuelle at Maria Isabel Lopez pero magkaibang-magkaiba ang kuwento ng mga nabanggit na project.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Francine Prieto, Polo Ravales, and Diana Zubiri are the lead stars of Seiko Films' Silip, directed by Joel Lamangan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results