MMFF entry aims to reintroduce Ang Panday to a new generation


Iza Calzado plays Maria, the love interest of Flavio (portrayed by Bong Revilla) in Ang Panday. When asked to differentiate this version compared to those released in the past, the Senator pointed out, "Dito sinigurado namin na yung pelikula, even the story, ’yong flow, kailangan buong buo siya. Naging metikoloso kami sa script...iniiwasan namin na maganda ka lang sa visual, maganda ka lang sa effects, pero when it comes to the storytelling dun nagko




Dahil sa desisyon ni Senator Bong Revilla na tumakbo muli sa darating na eleksiyon, nagkaroon siya ng pangamba na baka hindi mapalabas ang kanyang pelikulang Ang Panday sa 35th Metro Manila Film Festival.

Sa ngayon, may bagong desisyon ang Comelec at ayon na rin kay Bong, "99.99 percent" sure na silang papayagan na maipalabas Ang Panday kasama ang iba pang MMFF entries simula December 25, 2009.

Sa press conference kamakailan ng nasabing pelikula, tinanong ng mga reporters kung magkano ang budget ng pelikula at ayon sa GMA Films President na si Annette Gozon-Abrogar, lumampas na sa budget nila ang mga gastos ng pelikula.


"Malaking malaking yung budget ng pelikulang ito dahil sa set na ginamit, pati yung costume, and then pati yung mga ginamit for special effects...Dapat yung budget namin P50 million lang pero dahil sa nakita naming sobrang ganda, tapos kailangan pa ng more time for the special effects, more shooting days, umabot kami halos P70 million."

Dagdag pa niya, maituturing na isang national treasure ang Panday series.

"Ang Panday, mabibilang siya sa mga cultural treasures ng Philippines and we want to be a part of this project," paliwanag ni Ms. Annette. "We want to reintroduce Panday to a new generation. Siyempre, pag nag reintroduce ka ng treasure, kailangan ibigay mo na lahat, kaysa ma-disappoint pa yung mga tao. Siyempre gusto namin magandang maganda na talaga yung paggawa ulit ng Panday."


Sa unang pagkakataon, mapapanood si Phillip Salvador na gaganap bilang isang kontrabida. "I didn’t mind shaving my head for the role," sabi pa ng action star.

Sa totoong buhay, si Bong at si Phillip ay magkakalapit na magkakaibigan kasama rin sina Senator Jinggoy Estrada at ang yumaong Rudy Fernandez. Ngunit sa pagkakataon na ito, magiging mortal na magka-away sina Bong at Phillip na gaganap bilang Flavio at Lizardo, respectively.


Ipapakita rin sa pelikula ang dragon na nagngangalang Bagwis, na siyang kaibigan ni Flavio.


Ang Panday ay co-production ng GMA Films at Imus Productions.


BUOD. Ang 2009 version ng Ang Panday ay hango sa gawa ni Carlo J. Caparas at idinirehe ni Mac Alejandre sa panulat ni RJ Nuevas. Ito ay umiikot kay Flavio (Bong Revilla), isang mabait na Panday na umiiwas sa gulo at away. Ang kalaban niyang naghahasik ng lagim ay si Lizardo (Phillip Salvador).


Makikilala ni Flavio ang magandang estranghera na si Maria (Iza Calzado) at agad na mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. Sa pagbagsak ng isang bulalakaw, sasabihin ni Maria na pinili si Flavio ng bulalakaw para sa isang kakaibang kapalaran: ang maging isang bayani. Itatanggi iyon ni Flavio dahil ayaw niyang maging bayani.

Mula sa metal ng bulalakaw, gagawa ng isang balaraw si Flavio at iaalay niya ito kay Maria bilang pananggol sa sarili. Lulusob ang mga tauhan ni Lizardo at bibihagin si Maria. Susundan ni Flavio si Maria upang iligtas ito at dito niya haharapin ang iba’t ibang pagsubok at pahirap. Kung saan-saan sila makakarating at kung ano-anong nilalang ang kanilang mae-engkwentro.

Kasama rin sa pelikula sina Rhian Ramos, Geoff Eigenmann, Gladys Guevarra, Buboy Villar, Carlene Aguilar, John "Sweet" Lapus, Jonee Gamboa, Paulo Avelino, Stef Prescott, Pekto at Bellie, Moymoy Palaboy, Carlos Morales, Luz Valdez at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN