Paranormal Activity will be screened starting December 2


Paranormal Activity tells the story of a young middle class couple who become increasingly disturbed by a possible demonic presence in their new home.


Isang phenomenal hit sa U.S. box-office ang small-budgeted film na Paranormal Activity. Ito ay considered to be one of the most profitable independent movies ever made dahil mula sa production budget nito na umabot lang sa $15,000 ay kumita na ang pelikula ng higit pa sa $100 million sa U.S. box-office at Canada.


Dahil sa nakakakilabot nitong istorya at sa paraan ng paggawa nito, critics have compared it to other great movies such as Psycho, The Exorcist, Jaws and The Blair Witch Project.


Written, edited and directed by first-timer Oren Peli, unang pinalabas ang Paranormal Activity sa Screamfest Film Festival last October 14, 2007. Pinuri ito ng maraming horror movie fans at mga film critics mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Sunod itong pinalabas at pinagkaguluhan sa Slamdance Film Festival in Utah noong January 18, 2008. Nabigyan ito ng nationwide release last October 9, 2009.


Kuwento nga ito ng isang suburban couple na nakakaramdam at nararanasan ang isang mapangahas na ispiritu sa kanilang bahay. Sa tulong ng camera na naka-setup sa kanilang bedroom, na-capture nga sa video ang mga nangyayari kapag tulog sila at kung anong nakakasindak na naganap pa sa pagtatapos ng seven-day shoot na ito.


Featured rito sina Katie Featherston, Micah Sloat, Mark Fredrichs, Amber Armstrong at Ashley Palmer. Ayon nga sa film critic ng Entertainment Weekly na si Owen Gleiberman, ang pelikula ay "frightening...freaky and terrifying" and that "Paranormal Activity scrapes away 30 years of encrusted nightmare clichés."


Released ito locally by Viva International Pictures at may special screening ito on November 25 sa Trinoma, Glorietta 4, SM North EDSA, SM Mall of Asia, SM Megamall, Robinsons Galleria, Robinsons Ermita, Eastwood and Gateway. Magbubukas ito on December 2, 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN