PEP REVIEW: Shake Rattle and Roll XI


A soon-to-be-bride named Kayla (Ruffa Gutierrez) is horrified by a haunted wedding gown in the "Ukay-Ukay" episode of Shake, Rattle and Roll XI. CLICK HERE to read the complete review of this Metro Manila Film Fest entry.


Tradisyon na sa bawat Metro Manila Film Festival ang horror movie franchise na Shake, Rattle and Roll, na nagmumula sa Regal Films. Simula noong una itong ipinalabas noong 1984 (Athena Productions ang unang nag-prodyus nito), marami na sa mga halimaw mula rito ang tumatak na sa popular na kultura.

Halimbawa nito ay ang killer refrigerator na nagtangkang kitilin ang buhay ng batang Janice de Belen sa "Pridyider" episode ng unang Shake, Rattle and Roll (1984).O kaya naman ay ang clown sa telebisyon na nangingidnap ng mga bata sa "Ang Telebisyon" episode ng Shake, Rattle and Roll VI (1997). Sikat din ang manananggal na tinalo ni Herbert Bautista sa "Manananggal" episode ng unang inkarnasyon ng nasabing serye.

Sa Shake, Rattle and Roll XI, na isa sa mga entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival ngayong 2009, may tatlong mga halimaw o kababalaghan na naman ang pinapasikat.

Sa episode na "Ang Diablo," sinapian ng isang masamang nilalang si Claire (Maja Salvador), isang doktor sa isang ospital sa probinsiya. Hindi nagtagal, maraming kababalaghan ang nangyari sa kanyang paligid—naging nakakatakot ang mga santo, pinaliligiran siya ng mga langaw, at nagbabago-bago ang mukha ng kanyang mga nakasasalamuha.

Pero totoo bang sinapian siya, o dala lamang ang mga pangyayari ng sakit sa pag-iisip? Kaya nga ba siyang iligtas ni Ronnie (Mark Anthony Fernandez), ang bagong pari sa kanilang lugar na dati niyang kasintahan?

Sa episode naman na "Ukay-Ukay," bumili ng vintage na wedding gown si Kayla (Ruffa Gutierrez), at nais niya itong gamitin para sa kanyang nalalapit na kasal kay Harold (Zoren Legaspi). Nang mamatay si Basti (John Lapus) ang best friend niyang fashion designer, napag-isip-isip ni Kayla na may sumpa pala ang naturang gown.

Huli na kaya para malaman ni Kayla kung paano matigil ang sumpa? Matuloy kaya ang kanyang kasal?

Sa huling episode naman na "Lamanglupa," may pitong magkakaibigan na nagdesisyong mag-camping sa pusod ng kagubatan. Kabilang sa cast sina Jennica Garcia, Iya Villania, Bangs Garcia, Mart Escudero, Rayver Cruz, Felix Roco, at Dominic Roco. Masusubukan ang tibay ng kanilang pagkakaibigan nang maglabasan ang mga lamanglupang nangangain ng tao, na nakatira sa kagubatan. Makalabas pa kaya sila nang buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLICK HERE to read the complete review in PEP’s MMFF microsite.


Mapapanood ang Shake, Rattle and Roll XI ngayong Araw ng Pasko, December 25, 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN