Ang Panday holds jampacked premiere night


(From left) Phillip Salvador, Bong Revilla Jr. and Rhian Ramos were among the cast member of Ang Panday who graced the premiere night that took place at SM North Edsa last December 20, 2009. CLICK HERE to view photos taken during the premiere night of Ang Panday.


May nerbiyos pa rin kay Sen. Bong Revilla kahit dinumog ng maraming tao ang premiere showing ng Ang Panday last December 20, sa SM North EDSA, at kahit napakaraming bumati sa kanya pagkatapos ng screening dahil impressed sila sa movie at sa special effects.


"Hindi kasi ako makapaniwala na maipapalabas na rin ang movie na isang tribute namin ni direk Carlo J. Caparas, ang maker ng Panday series, sa yumaong unang Panday, si Fernando Poe Jr," mahabang paliwanag ni Senator Bong. "Nakaranas kasi ako ng sleepless nights noong magsabi ang Comelec na hindi pwedeng ipalabas ang mga pelikula o shows ng mga artistang kakandidato sa coming 2010 elections.


"Mabuti na lamang at binago ng Supreme Court ang kanilang decision at hinayaang maipalabas na rin ang mga pelikula namin ni Pambansang Kamao, Manny Pacquiao. Kaya magkahalo ang saya at excitement ko ngayon. Hindi kasi biro na halos one year naming pinaghirapang gawin ang movie, mula sa conceptualization pa lamang hanggang sa shooting, na ilang beses kaming nagtayo ng set matapos dumaan ang mga bagyo sa location namin sa Tanay, Rizal."


Sa Bangkok pa pumunta si direk Mac Alejandre para sa processing ng movie na produced ng GMA Films at Imus Productions. Wala pa kasing gumagawa ng Audio 7.1 sa Pilipinas kaya kinailangan pa nilang pumunta sa Bangkok, Thailand upang ipaayos ito.


Nagpasalamat din si Sen. Bong sa kaibigang si Phillip Salvador na pumayag gumanap bilang number one niyang kaaway, si Lizardo.


"Isinakripisyo ni Ipe [Phillip] ang kanyang buhok nang mag-decide siyang tanggapin at magpakalbo para sa role. Hindi ko nga in-expect na gagawin niya iyon dahil pwede naman siyang mag-appear na kalbo sa prosthetics, but being a true artist, ginawa niya iyon.


"Thankful din ako sa mga kasama ko sa cast, sina Iza Calzado, Rhian Ramos, Geoff Eigenmann, child actor Buboy Villar, na hindi namin naging problema kahit pa may mga ginagawa silang mga teledrama sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"At para sa mga manonood, lalo na ang mga bata, ino-offer namin sa inyo ang Ang Panday. Hiling din namin sa mga manonood na suportahan din nila ang iba pang pelikula na kalahok sa 2009 Metro Manila Film Festival para maging successful ito," patapos na wika ni Senator Bong.

CLICK HERE to view photos taken during the premiere night of Ang Panday.

CLICK HERE to read PEP’s review of this fantasy film.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN