Mark in, Patrick out as Jennylyn's leading man in "Tiyanak"

by Dinno Erece
Apr 24, 2007
Mark Herras (left) will still do the remake of the horror flick Tiyanak, while Patrick Garcia (right) will be replaced by JC de Vera (not in photo).

Si Mark Herras pa rin ang makakapareha ni Jennylyn Mercado sa upcoming Regal Entertainment horror movie na Tiyanak. Inalis na ang present boyfriend ni Jennylyn na si Patrick Garcia sa movie at si JC de Vera ang pumalit sa kaniya. Si Mark ang dating boyfriend ni Jennylyn bago naging sila ni Patrick.

Hindi naging factor ang pag-aalinlangan ng tatlo na magkasama sa isang pelikula, ayon sa isang source na nakakaalam ng mga negotiations. Desisyon lang daw talaga ng film production na tanggalin si Patrick dahil may isa pang pelikulang ginagawa ito with Jennylyn, ang Angels trilogy. (Angels is produced by Eagle Eyes Production, which is co-owned by Angel Locsin and Becky Aguila, manager of Jennylyn and Angel.

Scheduled for showing sa June or early July ang remake ng Tiyanak ni Janice de Belen habang late June naman ang Angels trilogy. Marketing wise, sabi ng source, hindi maganda na dalawang pelikula na may parehong bida ang pagsunuring ipalabas, kaya Regal decided to replace Patrick.

Continue reading below ↓

This is not the first time a casting switch has happened because of playdates.

Bago pa lang ipalabas ang Txt nina Angel Locsin at Dennis Trillo last year, na-announce na ang dalawang young stars ang magsasama sa Mano Po 5, which had a December playdate. Nang malapit nang ipalabas ang Txt, which had an October playdate, pinalitan ni Richard Gutierrez si Dennis sa Mano Po 5, dahil halos magkalapit ang playdates ng dalawang pelikula.

Magsisimula na ang production ng Tiyanak.

Sabi ng nakausap namin, given another right project for the three, siguro naman daw ay walang tatanggi kina Mark, Jennylyn, at Patrick na magkasama sila dahil kahit ano ang mangyari, casting coup pa rin na makita silang tatlo sa isang pelikula.

Matatandaang nagkaroon ng "text war" noon sina Mark at Patrick dahil diumano sa pagti-text pa rin ni Mark kay Jennylyn kahit wala na sila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras (left) will still do the remake of the horror flick Tiyanak, while Patrick Garcia (right) will be replaced by JC de Vera (not in photo).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results