Ai-Ai's movie with Ate Vi being finalized by Star Cinema

by Dinno Erece
Apr 24, 2007
Comedienne Ai-Ai delas Alas (in photo) is happy to announce that her dream movie with Star For All Seasons Vilma Santos is now being finalized by Star Cinema.


Masipag ngayon sa pagkakampanya si Ai-Ai delas Alas para sa mga kaibigan niyang tumatakbo sa elections. Bukod kina Mike Defensor na tumatakbong senator sa TEAM Unity at kay Wes Gatchalian na tumatakbo namang congressman sa second district ng Valenzuela sa TEAM Unity ticket pa rin, kusang-loob na tumutulong si Ai-Ai kay Vilma Santos, ang outgoing mayor ng Lipa City na ngayon ay tumatakbo bilang gobernador ng Batangas.

Ikinuwento ni Ai-Ai ang biglaang pangangampanya niya kay Ate Vi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado ng hapon sa Plastic City compound ng mga Gatchalian sa Valenzuela, itself a community of two barangays.

"Thursday, bigla ko lang naisip na i-text si Ate Vi na 'kung kailangan n'yo lang ako, magsabi lang kayo,'" pauna ni Ai-Ai.

Bigla raw tumawag si Mayor Vi sa kaniya pagkapadala niya ng text.

"Sabi sa akin ni Ate Vi, 'Naku, Ai-Ai, nakakahiya man at biglaan, puwede ka bang tumulong sa akin kasi may big rally ako?' Sabi ko sa kaniya, 'Sure Ate Vi. Kailan ba at saan?'

Continue reading below ↓

"Ang sagot niya, ngayong araw daw na ito sa Batangas City. So instant campaign talaga ako. Mabuti na lang free ang schedule ko," patuloy na salaysay ni Ai-Ai.

Naisipang i-text ni Ai-Ai si Mayor Vi that day dahil the night before, nakausap niya si Wenn Deramas, ang kaniyang director sa recent hit niyang Ang Cute Ng Ina Mo. Pina-finalize na raw kasi ng Star Cinema ang pelikulang pagsasamahan nila ni Mayor Vi kaya tuwang-tuwa siya.

"Matutupad na ang pangarap ko," sabi ni Ai-Ai.

Ngunit malamang next year na raw mauumpisahan ang project with Star for All Seasons Vilma Santos dahil may dalawang pelikula pang gagawin si Ai-Ai bago nito. Isa sa OctoArts Films na isang four-in-one movie with Rufa Mae Quinto and possibly Gladys Guevarra; at isa para sa Regal Entertainment.

Ang isa raw sa dalawang naka-lineup ay for the 2007 Metro Manila Film Festival.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Ai-Ai delas Alas (in photo) is happy to announce that her dream movie with Star For All Seasons Vilma Santos is now being finalized by Star Cinema.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results