Regine Velasquez and Ogie Alcasid to do a movie for GMA Films

by Ruel J. Mendoza
Apr 23, 2007
Rumored sweethearts Ogie Alcasid and Regine Velasquez are slated to do a movie for GMA Films. Hopefully, the shooting of their movie will start in June.


May isinulat palang storyline si Ogie Alcasid para sa isang pelikula na pagsasamahan nila ng rumored girlfriend niyang si Regine Velasquez. Ito ay ipo-produce ng GMA Films.



Ayon sa aming source ay hinihintay na lang daw ng GMA Films na matapos ni Regine ang pelikula niya with Piolo Pascual sa ilalim ng Viva Films at Star Cinema, ang Paano Kita Iibigin. Si Dominic Zapata raw ang napipisil magdirek ng Ogie-Regine movie, na hopefully ay sa June na raw magsisimula ang shooting.



Coincidentally, may ia-announce daw si Ogie na isang importanteng bagay sa June. Marami ang naghahaka-haka na baka ito na raw ang announcement na tuluyan na silang naghiwalay ng kaniyang misis na si Michelle Van Eimeren, na presently ay sa Australia na nakatira kasama ang dalawang anak nilang sila Leila at Sarah.



Habang wala pa ang announcement na ‘yan, pahulaan pa rin kung ano ‘yon. Wish lang ng mga close kay Ogie na positive news ito para sa lahat.

Continue reading below ↓



Samantala, aalis pala si Ogie for an eight-city concert tour sa US and Canada kasama si Ai-Ai delas Alas. Sana raw pagbalik niya ay masimulan na ang shooting nila ng movie dahil baka umalis naman daw si Regine sa July for a series of shows abroad.

Read Next
Read More Stories About
Regine Velasquez, Ogie Alcasid
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumored sweethearts Ogie Alcasid and Regine Velasquez are slated to do a movie for GMA Films. Hopefully, the shooting of their movie will start in June.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results