Toni Gonzaga considers working with Robin Padilla a privilege


"Masaya ako, malaking privilege na makakatrabaho ko si Robin sa pelikula, pinapanood ko yung dating mga pelikula niya like Maging Sino ka Man at Kailangan Ko’y Ikaw, magaling siyang aktor at saka mararamdaman mo yung mga eksena lalo na pag kasama yung mga leading ladies ladies niya. Magaling siya talaga," says Toni Gonzaga about her upcoming project with Robin Padilla.


Sa nakaraang presscon ng ASAP XV Concert Series, Love is... Toni Gonzaga, kinumpirma mismo ni Toni Gonzaga na tuloy na tuloy na ang pelikulang pagtatambalan nila ni Robin Padilla. Pero hindi pa man nagsiismula ang nasabing pelikula, ay may lumabas na intriga agad na second choice lang daw dito ang TV host-actress at isa raw sa pinagpilian na maging kapareha sana ni Binoe ay si KC Concepcion.

"Wala, mahirap mag-comment hangga’t di ko alam ang totoo. Ako naman, kahit pang-ilan, kahit sino, kahit third, kahit fourth choice, ang importante lang sa akin, may proyekto at mabibigyan ako ng oportunidad na makatrabaho si Mr. Robin Padilla o kahit na sinuman sa industriya na hinahangaan ko. Dun pa lang, okey na ako."

Ayon kay Toni, hindi niya nga raw inasahan na magkakatambal sila ni Robin sa isang pelikula at bilang isang aktres ay isang malaking pribilehiyo na makasama niya ang tinaguriang "Bad Boy ng Philippine Cinema" noon.

"Hindi ko inasahan, never dumating sa isip ko yun, kasi dati pa pangarap ko lang naman talaga na makatrabaho ko ang mga haligi ng pelikula. So I’m really thankful sa opportunity na ito.

"Masaya ako, malaking privilege na makakatrabaho ko si Robin sa pelikula, pinapanood ko yung dating mga pelikula niya like Maging Sino Ka Man at Kailangan Ko’y Ikaw, magaling siyang aktor at saka mararamdaman mo yung mga eksena lalo na pag kasama yung mga leading ladies ladies niya. Magaling siya talaga.

"So far yung story pa lang ang nai-fax sa akin, so, hopefully pag na-approve na ang lahat, makapag-storycon na kami and then we can start shooting. Kasi ang alam ko ang target nila na start ng shooting is this month."

Kilala si Robin na sobrang maalaga at kung ituring nga raw ang mga nagiging leading ladies ay parang mga reyna sa set. Ngayong single si Robin, handa na raw kaya si Toni na maaari siyang ma-link dito kahit pa nga alam ng lahat na meron na siyang Direk Paul Soriano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, alam ko yun pero di ko masyadong iniisip ang mga ganun kasi mas focused ako kung paano ko mapapaganda yung istorya, yung shooting, yung lahat. Saka di pa naman nagsyu-shoooting, mayroon na agad na ganyang mga issues.

"Handa na ako, ang dami ko na ring napagdaanan na na-link sa akin. Saka si Direk Paul, sanay na rin siya. Noon nagseselos siya, pero after a while hindi na, kasi sanay na sanay na siya," kuwento ni Toni.

Tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni kung open na siya na magkaroon sila ng kissing scene ng action star.

"Depende sa istorya Di naman kasi talaga ako kumportbale sa kissing scene. Di ko talaga siya ginagawa, so depende pa rin," sagot ng dalaga.

ASAP CONCERT SERIES. Isa sa handog ng ASAP XV Concert Series ang Love Is... Toni Gonzaga, na mapapanood on February 26 and 27 sa Music Museum. Toni expressed her excitement na makasama sa linya ng mga concert series ng ASAP, kalinya sina Pooh, Nina at Christian Bautista.

"Masaya ako, siyempre excited kasi kahanay ko sina Christian, sina Pooh and Nina. So malaking prebilehiyo sa akin na makahanay ko sila sa concert series. Excited din ako kasi first time kong makakatrabaho ang ASAP production sa isang concert, so, I’m just realy looking forward to experience it.

"Siyempre lahat kami, magkakaiba ng istilo ng pagkanta, sa istilo ng pagpe-perfrom. Ako, I’m gonna sing yung mga pang-young, yung mga latest music and, siyempre, yung mga songs ko," pagtatapos ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN