Jennylyn Mercado and Katrina Halili: Original choices for "Silip"


Jennylyn Mercado (left) and Katrina Halili were the original choices for the sexy film Silip. But Regal’s Mother Lily Monteverde felt that Jennylyn was not yet ready to go sexy.


Tapos na ang principal photography ng pinakabagong pelikula ng Seiko Films, ang Silip. Written by Raquel Villavicencio and directed by Joel Lamangan, it stars Polo Ravales, Francine Prieto, and Diana Zubiri.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi pala dapat ang Seiko Films ang nag-produce nito, at hindi rin dapat sina Francine and Diana ang mga bidang babae sa pelikula.

Una palang na-offer nina Raquel, Direk Joel, at supervising producer Manny Valera ang project sa Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde. And although nagustuhan daw ni Mother ang project, hindi naman sumang-ayon si Mother na ibigay ito kina Jennylyn Mercado at Katrina Halili, na siyang original choices for the two female leads. (Si Polo ay nanatiling choice for male lead.)

While Katrina has gone sexy na, ayaw pa raw ni Mother na magpa-sexy si Jennylyn para ma-maintain nito ang kanyang wholesome image. Marami pa raw kasing projects na puwedeng ibigay sa first StarStruck Ultimate Female Survivor as a wholesome female lead.

In-offer nina Raquel, Joel, at Manny ang project sa Seiko at nagustuhan naman ito ni Robbie Tan. Itinuloy ang pelikula, still with Polo, but with two Seiko jewels, Francine and Diana, in the female lead roles.

Meanwhile, outside of Regal Films, natuloy na rin ang pagpapa-sexy ni Jennylyn sa pelikulang Angels, ang pelikulang ginawa ng kanyang manager na si Becky Aguila at Angel Locsin. Sa isang eksena sa kanyang episode with boyfriend Patrick Garcia, nag-two-piece na rin siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN