Father and daughter Gabby and KC Concepcion finally together in a movie


What seemed impossible then has finally happened to KC Concepcion and dad Gabby Concepcion (inset). They are currently filming their first movie together under Star Cinema, reportedly titled "I’ll Be There For You."


Marami ang nag-akalang imposibleng mangyari na magsama sa isang pelikula ang mag-amang Gabby at KC Concepcion dahil na rin sa malungkot na pinagdaanan nila in the past kung saan matagal silang nagkahiwalay ng landas. Pero tulad nga ng muli nilang personal na pagkikita at pagsasama ay naging posible na rin ang pelikula nila under Star Cinema.

Higit kaninuman, labis na natutuwa ang mag-ama sa pagkatuloy ng project na ito. Dahil daw sa movie na ito ay mas humaba ang oras ng pagsasama nila at mas marami silang nagagawa together.

Sa interview nga kina Gabby at KC ng The Buzz na ipinalabas last Sunday, March 21, ay inihayag ng mag-ama ang kanilang kasiyahan.

"We had dinner last week sa isang Chinese restaurant. First time naming nakasama yung isa’t isa na medyo mahaba-haba na ngayon," kuwento ni KC.

"Malambing siya and miss na miss talaga namin yung isa’t isa. Parang yung pakikitungo ko sa kanya para pa rin akong five years old. Bumabalik ako sa pagkabata. Dahil nga hindi kami nagsama ng matagal noong bata pa ako. So, ngayon pa lang namin nararamdaman yung talagang anak ako, tatay ko siya, ganun."

CARING FOR PAPA GABBY. Masaya rin si KC dahil nabigyan siya ng chance para maalagaan ang kanyang ama.

"Lagi kaming sabik siguro sa isa’t isa bilang mag-ama. Lagi ko siyang tina-try alagaan. Nagdadala ako ng vitamins at saka kung anu-anong pagkain para sa kanya kasi puyat lagi. Siyempre, kailangan niya rin naman ng konting pag-aalaga," sabi ni KC.

Kinumpirma naman ni Gabby ang pagiging maalaga sa kanya ng anak.

"Binibigyan niya ako ng mga snacks, mga healthy stuffs, mga nuts, mga fruits, all-natural, no preservatives. Mabuti naman ito at health conscious itong batang ito," ani Gabby.

"Kawawa naman si Papa, laging busy. Laging sume-segue from teleserye to movie. So, parang wala nang nag-aalaga sa kanya. Every time I come to the set lagi akong may dalang powerbars o mga tsitsirya o yung mga healthy na pica-pica. Spoiled nga yan sa akin, si Papa, e," sabi pa ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BONDING MOMENTS IN THE PAST. Inalaala rin nina Gabby at KC ang kanilang mga naging bonding moments noon.

"Baby pa lang kasi ito close na kami. ’Tapos noong ten years old siya... kaya noong umalis ako sa Amerika, yun ang huling kita ko dito. Kaya siyempre malungkot. Kaya ngayon nagkasama kami ulit, pinuntahan niya ako sa Amerika," salaysay ni Gabby.

Dagdag naman ni KC, "Sa beach kami laging nagba-bonding ni Papa. Meron siyang resort before... beach sa Anilao sa Batangas. Kaya tuwing magkikita kami, lagi kaming nasa beach lahat ng mga Concepcion. Nagda-dive, naliligo sa dagat, ganun."

RELATING TO THE MOVIE. Espesyal daw kina Gabby at KC ang pelikulang ginagawa nila ngayon dahil tungkol din ito sa mag-amang nagkalayo ng maraming taon. Pero malapit man sa puso nila ang istorya ng pelikula, inihayag naman nila na may mga eksena raw rito na malayung-malayo sa totoong buhay.

"Kaya pareho kami ni KC. Parang mahirap yung pinagdaanan. Kaharap mo yung anak mo, minamahal mo sa buhay na ang dapat ang expression dapat ganito pero ang hinihingi ng script ay kabaligtaran," pahayag ni Gabby.

"Masungit ako sa kanya dito sa umpisa. Pag nakaharap mo yung papa mo na 13 years mong hindi nakita, magtataray ka pa," natatawang sabi ni KC.

Pero para kina Gabby at KC walang makakapantay sa halaga ng proyektong pinagsasamahan nila ngayong mag-ama.

"Of course, masaya. And nandito kami spending quality time now. Ito yung pinakamagandang pagkakataon na magkasama kami dahil nga trabaho na, personal pa," wika ni Gabby.

"Kasi ang tagal-tagal naming hindi nagkita. Noon nga actually hindi ko rin alam kung gaano siya katagal mawawala. Kaya talagang big deal sa akin na unang-una sa lahat yung nag-usap kami ulit, nagkita kami ulit. And then nakauwi siya. And then ngayon gumagawa kami ng pelikula na forever nang nandiyan pag nagawa," natutuwang sabi ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN