Here Comes the Bride director differentiates his movie from past Hollywood films


Scriptwriter-turned-director Chris Martinez is joined by Atty. Joji Alonso of Quantum Films, one of the producers of this comedy film. Here Comes the Bride will have its premiere night on May 11 at SM Megamall.


Puring-puri ni Direk Chris Martinez ang buong cast ng idinirek niyang pelikula na Here Comes The Bride produced by Star Cinema, OctoArts Films at Quantum Films. Tampok sa pelikula sina Angelica Panganiban, Eugene Domingo, John Lapus, Tuesday Vargas, at Jaime Fabregas na magkakapalit-palit ng katauhan. Kasama rin sa cast ng movie kasama rin sina Cherry Pie Picache, Tom Rodriguez, Kim Atienza, Nico Antonio at marami pang iba.


"Okay na cast sila. Very hardworking. Nakakatawa silang lima (Angelica, Eugene, Tuesday, John at Jaime). Ako kasi hindi ko ipipilit yung eksena kung ako mismo hindi natatawa, e. Ang gauge ko for a funny scene ay kung ako mismo natatawa," pahayag ni Direk Chris nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon na inihanda ng Star Cinema at Quantum Films para sa kanya noong May 7 sa Proud Mary’s restaurant sa Tomas Morato ext., Quezon City.


Dumalo rin sa presscon ang isa sa producers ng movie na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films.


Kung ide-describe ni Direk Chris isa-isa ang cast ng Here Comes The Bride, ayon sa kanyang pagkakakilala sa kanila on and off cam, paano niya ilalarawan ang mga ito?


"Si Tuesday, nagpi-peek ang energy niya pag 3 am. Ang primetime niya pang-3 am, dire-diretso ang bunganga niyan. Basta pag medyo may araw pa tahimik yan. Pero pagpalubog na ang araw, dire-diretso parang nagsu-show sa comedy bar. Si John Lapus, very helpful yan sa mga kalokohan. Magaling na collaborator, maraming suggestions. So, very thankful ako doon. Si Uge [Eugene] best actress. Si Angelica, parang appliance itong batang ito. Pagka in-on mo na, on na on na, yung ganun. Kasi ako alam ko yung pinagdadaanan ng mga artista natin na galign ng taping, galing ng puyatan. Pero si Angelica, kahit na pagod siya, pag sinalang mo na siya she’ll give you more than what you expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Si Jaime, may eksena siya doon na in one word ang masasabi ko lang Markova. Si Kuya Kim, hari ng trivia. Si Tom, parang action star dahil laging dumarating sa set na may mga galos. Sabi ko, ’Anong nangyari sa iyo?’ Meron daw siyang scene na hindi na raw niya kailangan tumalon pero tumalon pa rin daw siya."

CHARACTER SWITCHING. Hindi na bago ang konsepto ng character or body switching sa pelikula. Ilang Hollywood movies na rin ang gumawa nito gaya ng Freaky Friday, Big at iba pa. Pero ano ang kaibahan ng Here Comes The Bride?


"Yung concept ng nagpapalit-palit ng personalities, nagpapalit-palit ng kaluluwa, aminado naman kami na nagawa na iyan before. Pero this is the first time na lima yung nagpapalit-palit. So, yun ang kakaiba doon sa pelikula.


Paano nangyari yung switching of characters?

"Kasi, di ba, may hierarchy tayo of our needs and wants. Yun ang mga gusto natin at hinahangad natin. So, nilista namin yun ni Bing Lao, kung anu-ano ba yung gusto anting mangyari sa buhay. Mapabata o matanda, gusto natin ng good health, that Jaime Fabregas’ character doesn’t have. So, lahat ng hinahangad ng tao nire-represent nung lima. So, good health, second chance of love, wealth, youth, success. Yan yung na-achieve nilang lima sa bago nilang katawan, except for Angelica’s soul na na-trap sa body ni Eugene. So, parang siya lang yung hindi naging happy.


"Si Jaime kasi he represents good health. Si Eugene yung second chance of love. Si John Lapus yung youth at saka love din kasi acceptance. Si Tuesday yung pera kasi yaya siya e na parang breadwinner ng family niya sa probinsiya tapos napasok siya sa katawan ni Jaime na napakayaman. Si Jaime naman mayaman na mayaman pero yung health niya failing, napasok siya sa katawan ni John Lapus na mas bata. So, masaya siya dahil maganda yung katawan niya.


Si John Lapus isang beautician na mahilig sa statement, napasok siya sa katawan ni Angelica na napaka-sexy at napakaganda. Si Angelica naman, virginal bride napasok siya sa katawan ni Eugene. Si Eugene naman ang original character niya ay lawyer na first time niyang magnininang sa kasal, kumbaga nagiging matandang dalaga na siya, napasok siya sa katawan ni Tuesday na mas bata, na may manliligaw na driver. Yung mga wishes nila na-achieved nila, except for Angelica. So, kumbaga yung apat masayang-masaya, si Angelica hindi dahil nasa katawan nga siya ni Uge."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Hindi kaya malito ang mga manonood sa nangyaring character switching?


"That’s why kinailangan namin ng magagaling na artista para hindi malito yung mga tao. So, ang magga-guide sa mga tao yung acting talaga ng mga artista. Naitawid naman nang tama-tama nung lima. Kasi maraming mannerisms yung bawat characters na naipasa dun sa iba. Like si Jaime magaling siyang mag-Espanyol. So, nung napasok siya sa katawan ni John Lapus, gumaling na rin mag-Espanyol si John. Si Tuesday nag-i-Ilonggo, nung sumanib siya kay Jaime, si Jaime nag-i-Ilonggo na rin. Yung mga ganun."


Wala bang sapawan ng roles sa movie?


"Based sa script wala naman. Pero angat ng slight lang sina Eugene at saka si Angelica kasi bride, e, Here Comes The Bride. So, it’s really about the bride, about their wedding. Pero talagang sa kanilang lima yung pelikula. Angat lang si Angelica kasi kasal niya yun."

DIFFICULTIES, PRESSURE & RIGHT TIMING. Ano ang difficulties na naranasan nila noong sinu-shoot nila ang movie?


"Unang-una yung weather. And most of our sets our exterior days, exterior nights. Ang kalaban namin minsan kung hindi ulap sa Tanay, minsan inuulan naman kami sa beach. So, mostly yung lang talaga ang problema namin. Sa technicals, wala naman. Mostly nature talaga.


"Sa cast naman siyempre it’s understandable na mahirap talagang pagsabay-sabayin ang lima, anim o pitong malalaking artista. Lalo na sina Angelica, Eugene, Tuesday, John Lapus, Cherry Pie Picache, these are all busy. Kahit si Tom nga, e, nagulat din ako na ang dami nang ginagawa. So, mahirap ding pagsabay-sabayin. Naiintindihan ko naman sila na nasa TV ang most ng trabaho talaga. Ang wish ko lang sana bumalik yung time na TV stars are TV stars, movie stars are movie stars. But ang maganda sa kanila pagdating sa set which I demand from them also na akin kayo, ang oras n’yo sa akin. So, dito kayo, pagkain-on ko na kayo akin na kayo, huwag kayong pasaway. Pero in fairness wala namang naging pasaway."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


May pressure ba sa kanya to do better after his award winning film na 100 at ang isinulat niyang box-office hit na Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme?


"Wala namang pressure kasi iba naman ang Here Comes The Bride. I think in any film naman na you have to do kailangan gawin mong maganda whether may nauna o wala e."


Sa comedy kasi may tinatawag na right timing. Naniniwala rin ba siya na may right timing din sa pagpapalabas ng isang movie lalo na sa playdate ng Here Comes The Bride on May 12, na dalawang araw matapos ang May 10 elections?


"Bago nila ako ma-convince sa May 12, marami pa kaming tanung-tanong. Sigurado ba kayo sa May 12? Kasi right after the elections, di ba? Sabi nila, ’Direk, huwag kang mag-alala. Sure kami maganda ang timing nito.’ Sabi nila ha, it’s the same strategy daw as Tanging Ina, na after the elections din yata yung Tan ging Ina. So, syempre Tanging Ina, di ba one of the biggest box-office hits yun. So, sabi ko, sige convinced na ako. Siguraduhin n’yo lang na tama yung desisyon n’yo, sige gagawin natin kaagad yang pelikulang yan."

DIRECTOR’S BACKGROUND. Pangalawang movie pa lang ni Direk Chris Martinez ang Here Comes The Bride bilang isang direktor. Nauna niyang idinirek ang pelikulang 100 na nagkamit ng limang awards sa 2008 Cinemalaya Film Festival: Best Director, Best Screenplay, Best Actress (Mylene Dizon), Best Supporting Actress (Eugene Domingo) at Audience Choice.


Bukod dito marami nang achievements si Direk Chris pagdating sa pagsusulat. Siya ang nasa likod ng mga kwento ng mga pelikulang kumiliti (Bridal Shower, Bikini Open at Kimmy Dora), nanakot (Sukob) at kumurot (Caregiver) sa bawat damdamin ng mga manonood.


Bilang direktor, sino pa ang gusto niyang makatrabaho sa mga artista ngayon?


"Si Shawie siyempre, Sharon Cuneta. Dream kong makatrabaho yung malalaking stars natin siguro sina Ate Vi [Vilma Santos] ganyan. Hindi naman masamang mangarap. Sa actors, syempre gusto kong maka-work sina Christopher de Leon, yung mga alamat na parang ganun. Parang excited akong makita kung ano yung matututunan ko from them. Kasi siyempre this is just my second film and marami pa rin akong natututunan. One good thing about the actors, you also learn from them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN