Will there be a sequel to You To Me Are Everything?


According to the producers of You To Me Are Everything, the romantic comedy starring Marian Rivera and Dingdong Dantes earned P26 million on its first two days in cinemas. CLICK HERE to read PEP’s review of this film.


Certified blockbuster hit ang second teamup movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang You To Me Are Everything, produced by GMA Films and Regal Entertainment. One week na ito sa mga sinehan today, May 12, at patuloy pa itong humahataw sa takilya.


Kumita ang pelikula ng P16 milyon sa opening day nito last May 5. Sa victory party na ginanap sa Imperial Palace Suites last May 7, pangatlong araw after ng nationwide showing nito ay talaga namang tuwang-tuwa ang mga producers ng movie, ang GMA Films represented by its president Ms. Annette Gozon-Abrogar, at ang Regal Entertainment represented by Ms. Roselle Monteverde-Teo.


(CLICK HERE to read PEP’s review of this film)


Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Ms. Annette, malugod nitong ibinalita na kumita na ng P26 milyon ang movie for two days. For the third day daw ay more than P10 million ang kinita nito.


Malaki nga ang pasasalamat ni Ms. Annette sa lahat ng mga nanood.

"Thank you talaga sa lahat ng sumuporta ng pelikula. Sa mga nanood ng premiere night pati ng first day, thank you. And doon sa mga hindi pa nanonood, sana panoorin n’yo kasi talagang magandang-maganda yung pelikula. Promise paglabas n’yo ng movie theater talagang nakatawa kayo," sabi ni Ms. Annette.


Ano ang projection nila sa kitain ng movie?

"Sa tingin ko makakaabot ng more than P120 million for the whole [screening period], the way that it is tracking. Ang talagang malakas diyan yung first week, e."


Nagdagdag na rin daw sila ng mga sinehan?

"Oo, nagdagdag na nung gabi pa lang ng first day. Kasi siyempre may kalaban na Iron Man 2. Pero at least nga kahit may kalaban, di ba, kumita pa rin ng malaki."


Posible bang masundan ang movie na ito nina Marian at Dingdong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, actually gusto nga naming mag-sequel for Marian and Dingdong. Kasi pwedeng i-continue yung kuwento, e. Ang cute talaga nila dito. Bagay na bagay yung characters nila sa pelikula."


Baka by next year na raw ang next movie nina Marian at Dingdong dahil pareho ring busy ang schedules ng dalawa. Pwede kayang Valentine offering ito?


"Tignan natin kung aabot. Kasi ano na ngayon May, let’s see sa schedules nila. Gagawa pa kasi sila ng soap opera [GMA-7’s Endless Love]."

MORE RELAXED DINGDONG. Late namang dumating ang mga bida ng You To Me Are Everything na sina Dingdong at Marian sa victory party. Hindi sila magkasabay dahil nauna si Dingdong. Sa magkahiwalay na interview ay inihayag nina Dingdong at Marian ang kanilang labis na kasiyahan sa tagumpay ng kanilang movie.


Aminado naman si Dingdong na hindi siya nag-e-expect na magiging ganito kalakas ang movie nila.


"Hindi ako nag-expect. First time akong naging relax lang talaga kasi siguro dati palaging nagwo-worry, parating ganun. Pero sabi ko, para maiba naman, ayoko nang ma-stress, cool lang, gusto kung gusto, di ba? Ang importante, noong ginagawa namin siya, since it’s a romantic comedy, talagang in-enjoy namin siya. Ang gusto lang talaga namin, ang objective namin, ma-translate ang happiness na yun at maligayahan ang manonood. Ganun lang kasimple. Siguro mas simple yung hangarin, e, naging klaro ang message kaya mas na-appreciate siya."


Paano nila natanggap ang magandang balita ng malaking kinita ng movie sa opening day?


"Nasa taping kami noon ng Endless Love. Parang nagkaroon pa ng moment of silence na parang nagkatinginan na lang kami, nagkaintindihan na lang kami, because it’s both what we wanted. Isang bagay na ginusto naming ma-achieve, lalo na magkasama kami. So, it’s an important thing especially in our career. And malaman namin na sa comeback namin, sa pagbabalik namin, lalung-lalo na sa big screen, e, tinangkilik siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ano ang masasabi niya na according to Ms. Annette ay posible raw magkaroon ng sequel ang You To Me Are Everything?


"Ganun? By that time, mahirap nang alagaan si Snowy [pet pig nila ni Marian sa pelikula]. Pero alaga pa rin namin siya sigurado yun," biro ni Dingdong.

Pero open ba siyang magkaroon ng sequel?

"Oo...yung costume ko nga sa ending ng pelikula, nasa akin pa rin, e. Nirereserba ko," natatawang sabi niya.


Labis nga ang pasasalamat ni Dingdong sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa movie. Patuloy niya ring hinimok ang mga tao na panoorin ito dahil hindi raw sila magsisisi sa panonood.

MARIAN’S REACTION TO BOX-OFFICE SUCCESS. Sa lumabas na balita dito sa PEP, nagkakantahan na sa loob ng function room at kokonti na lang ang entertainment press nang dumating naman si Marian. Gaya ni Dingdong, hindi rin daw ine-expect ni Marian ang paghataw sa takilya ng movie nila.


"Unang-una talaga, hindi kami nag-expect na kailangan ganito ang makuha natin," sabi ni Marian. "Kumbaga, kung ano na lang ang maibigay sa amin at kung paano kami magugustuhan ng mga tao. Siyempre, pinagdasal din namin yun na sana mag-click itong You To Me Are Everything."


Halos hindi raw sila makapaghintay ni Dingdong na malaman ang resulta noong opening day.


"Kinukulit-kulit na namin sina Sir Joey [Abacan, GMA Films executive], si Ms. Annette na, ’Ano ba ang balita?’ Tapos sabi nila, ’Sige, relax ka lang, i-a-update ka namin.’ Tapos yun nga, ’Successful tayo,’ so, ang saya lang."


Ano naman ang reaksyon niya sa balitang magkakaroon ng part 2 ang movie?

"Wow! Siguro kung magkaroon man ng part two, ibang approach naman. Siyempre, sinasabing ganito, mas malaki pa ang i-e-expect ng tao kapag nag-part two."


Gaya ni Dingdong nagpasalamat din si Marian sa lahat ng sumuporta sa movie nila lalo na sa kanilang mga fans na ang iba ay nagpa-block screening pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Samantala, ngayong araw na ito, May 12, ang alis nina Dingdong at Marian sa abroad dahil sila ang special guests sa concerts nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa U.S. at Canada. Isang buwan din silang mawawala sa bansa. Pagbalik nila ay tuluy-tuloy na ang paggawa nila sa kanilang bagong teleserye sa GMA-7 na Endless Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN