Frencheska Farr felt challenged while working on Emir with director Chito Rono


In the musical movie Emir, Frencheska Farr is cast as a nanny named Amelia, a Filipina who takes care of the crown prince of a kingdom. This Chito Rono film will open on June 9, 2010.


Muling nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam ang baguhang singer-actress na si Frenchesca Farr, nang magkaroon ng formal launch kamakailan ang pelikulang Emir, sa Cultural Center of the Philippines (CCP).


Matapos siyang maging champion ng talent search na Are You The Next Big Star? (ng GMA-7), agad ngang pinalad si Frenchesca na makapasa sa audition para sa naturang full-feature Filipino musical film na idinirek ni Chito S. Rono.


Sa press launch ng Emir ay nag-duet sina Frenchesca at ang batikang singer-actress na si Dulce. Ang inawit nila ay mga piyesang mula sa pelikula, at agad ay nagtamo ng mga pagbati mula sa mga dumalong taga-local media. Masayang-masaya si Frenchesca sa mga congratulatory remarks ng press people, matapos ang programa. Panay ang pagte-"thank you!" niya sa mga ito.


Si Frencheska ay gaganap na isang yaya na ang pangalan ay Amelia. Siya ang nag-alaga sa anak ng isang sheik na nakatira sa isang fictional kingdom. Magkakaroon ng gera sa naturang kingdom at tutulungan niya ang kanyang alaga na makatakas. Nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang pagganap sa pelikulang ito na idinirehe ni Chito Roño, sinabi niyang marami siyang natutunan. Partikular na binanggit ni Frenchesca ang tungkol sa naging pakikipag-trabaho niya kay Direk Chito Rono. "Natulungan po ako ni Direk [Chito] na mag-grow, as a person. Ah, sobrang masaya po ako," sabi niya. "Kung may mga shooting man po kami na napaiyak niya ako... I think, part po ’yun [ng trabaho]... para mas makuha ko ’yung ipinapagawa niya at para mas mag-improve pa ako.


"Gusto ko po yung tinuturuan ako," dagdag pa ni Frenchesca, "marami po akong natutunan from my experience. Sobrang thankful po ako, na si direk Chito Rono, hindi po sya nawalan ng pasensiya sa akin, na magturo; he guided me. Talagang masaya po ako sa production na ito."


ACTING WORKSHOPS.
Ayon kay Direk Chito, sa hiwalay na interview ng PEP, mahusay si Frenchesca at "more than okay", bilang aktres. Dagdag pa ng premyadong direktor, "magugulat kayo sa kanya!"


Nang aming tanungin si Frenchesca, nabanggit niya ang tungkol sa acting workshops na kanyang sinalihan, bago ang pagsu-shooting ng mga eksena. Dalawa sa naging workshop facilitators ni Frenchesca ay ang mga beteranang aktres ng teatro, na ngayo’y highly visible na rin sa mga pelikula at telebisyon: sina Vangie Labalan at Irma Adlawan. "Iba-iba po ng strategy," banggit ni Frenchesca, na bukod sa dalawang nabanggit, ay sumailalim na rin sa iba pang workshop facilitators. "’Yung iba po, ang ginagawa nila, parang bonding workshop. ’Yung iba naman, crying workshop," pagtukoy pa ng singer-actress, who is in her early 20’s. "Then, ’yung iba, ’yung scenes na mismo ang winu-workshop." Kung meron mang advantage kay Frenchesca ang pag-undergo sa iba’t ibang workshops, ’yun ay para mas mabuo raw ang kumpiyansiya niya sa sarili, para sa susunod na gagawing project.


MANY FIRSTS.
Bagama’t maagang nagkaroon ng fulfillment, bilang professional artist, nais pa rin ni Frenchesca Farr na makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. "Gusto ko pong kumuha ng [kursong] Creative Writing," sabi niya. "Sana po, this school year. Nag-stop po ako. Nakatapos po ako ng high school at magka-college pa lang po ako."


Napansin naming maganda ang tindig at height ni Frenchesca, nang amin siyang ma-inteview. Agad naming itinanong kung may pangarap din siyang maging isang ramp model, o kaya’y maging isang beauty queen? "5’5" (five feet-five inches tall) lang po ako... naka-heels lang po ako," sabi naman ni Frenchesca, na nangiti.


A mainstay of the Sunday musical-variety show, Party Pilipinas [on GMA-7], eksklusibong contract star ng Kapuso network si Frenchesca. Kabilang siya sa mga alaga ng GMA Artists Center, na bilang recording artist ay malapit na ring mailunsad ang unang album, under GMA Records. Maraming "firsts" na aabangan kay Frenchesca Farr ang kanyang mga tagahanga: ang pelikulang Emir, ang una niyang record album, at posibleng pagbibida rin sa isang malaking teleserye under GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN