Ato Bautista and Nick Olanka shift to mainstream moviemaking for Cinco


Ato Baustista (left) and Nick Olanka (right) make their directorial debut in mainstream cinema via Star Cinema’s Cinco. Direk Ato helmed the "Mata" episode starring Maja Salvador and Rayver Cruz while Nick directed Mariel Rodriguez for the "Mukha" episode. (CLICK HERE t


Kahit iba-ibang director ang namuno sa mga five-part movie na Cinco, naging magkakaugnay pa rin sila dahil sa iisang elemento na nagkonekta sa kuwento ng mga bida.


Ang mga naturang director ay sina Frasco Mortiz para sa episode na "Braso"; Ato Bautista para sa "Mata" episode; Nick Olanka para sa "Mukha" episode; Enrico Santos para sa "Paa" episode at Cathy Garcia-Molina para sa "Puso" episode. Kasalukuyang pinapalabas sa mga sinehan ang Star Cinema film na Cinco. Ito ay graded B ng Cinema Evaluation Board at rated PG-13 ng Movie and Television Review and Classification Board.

Kilala na sa industriya si Direk Cathy dahil sa kanyang blockbuster movies tulad ng One More Chance, A Very Special Love at You Changed My Life. Para kay Direk Cathy, isang karangalan para sa kanya na makasama sina Direk Ato at Direk Nick sa five-part movie na ito.

"Ang gagaling ng mga iyan. Na-i-insecure po ako sa dalawa. Tinanong ko si Direk Olive Lamansan, ’Inang, parang kawawa po ako dito,’" pagpupuri ni Direk Cathy kina Ato and Nick.

"Each episode is unique. Kaming tatlo ang magkakasunod--Ato, Nick at akin. Nung pinanood po namin na sunod-sunod na, aba eh talagang na-insecure po talaga ako. Ibang-iba yung tono nila sa mula sa akin. Yung sa akin kasi, parang saksakan ng ka-jologan. Walang isip-isip. Tawa ka lang at manood ka lang. Yung sa kanila, mayroon other elements. Mag-iisip ka. Magtatanong ka sa sarili mo. Pag-uusapan n’yo after," sabi ni Direk Cathy para sa naganap ng pocket presscon for the Cinco directors.


Nang tanungin kung paano niya ilalarawan si Direk Ato, sinabi ni Direk Cathy na may mga pagkakapareho sila ng ugali. "Ato is just like me. Maingay siya."


Ginaya pa ni Direk Cathy ang pagsasalita ni Ato at sinabing, ’Okay, that’s good. Nice, nice.’ Dagdag niya: "Kaya napaka-positive niya mag-comment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ATO BAUTISTA. Ato started early in the media industry at the age of 19. Communications Arts major siya sa University of Santo Tomas (UST) nang magsimula siya bilang trainee writer for Maalaala Mo Kaya and Kabalikat: Loren Legarda.

"After that, I trained as an assistant director para sa Recuerdo de Amor, a soap opera. I was also assistant director for Pangako Sa ’Yo. I moved on to become segment producer and segment directors in various shows here on ABS-CBN," kwento ni Ato.

Nabigyan din si Direk Ato ng ilan pang shows sa Kapamilya Network tulad ng Victims, Star Circle Quest at iba pang reality shows.

Ilan sa mga paboritong direktor ni Ato ay sina Mike De Leon, Peque Gallaga, Lino Brocka, Alfred Hitchcock at Martin Scorsese.

Ngunit hinanap naman ni Direk Ato na makagawa ng ilang personal films at napunta siya sa indie cinema circuit. Una niyang project ginawa is Sa Aking Pagkakagising mula sa Kamulatan na kinatatapumkan ni Carlo Aquino at Ketchup Eusebio na ginawa niya noong 2005. Sumunod niyang ginawa is the Robin Padilla-starrer Blackout under Unitel. Noong 2008, idinirek niya si Carlo Aquino para sa pelikulang Carnivore. Hinirang si Carlo bilang Best Actor samantalang Best Director naman si Direk Ato sa 10th Cinemanila International Film Fest.

Mayroon pa siya ilang pending films tulad ng ’Di Natatapos ang Gabi. Kasama niya rito si Enrico Santos bilang producer.

Naimbitahan siya ng Star Cinema gawin ang "Mata," ang third episode ng Cinco na pinagbibidahan nina Maja Salvador at Rayver Cruz.

"Magagaling na artista na yung mga nabigay sa akin. I think yung atake ko lang sa pelikula is not more on their emotions. Mas cerebral yung pelikula. Kailangan mas alam nila yung galaw na ginagawa nila at kung saan pinanggalingan. We figured it out. Yung journey ng paggawa ng episode ko hindi lang galing sa akin. I collaborated with my actors," kwento ni Direk Ato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang advantage ko lang siguro sa industriya na ito is I started very young. I never stopped dreaming and pursuing something until I get what I want. Hopefully now, mas mabigyan pa ako ng exposure kasi the films that I have made, kahit na madami-dami na rin, hindi siya ganoon kalaki tulad ng ginawa ko ngayon for Cinco. Honored ako at feeling lucky to have worked in this project."

NICK OLANKA. Maswerte ang simulain ni Direk Nick. Film and Audio-Visual major siya ng University of the Philippines. Nagtapos siya noong 2006 at nagkaroon ng Cinemalaya film, Ang Huling Araw ng Linggo, that starred the late Johnny Delgado, Boots Anson-Roa and Baron Geisler.

Mula noon, naimbitahan si Nick na maging parte ng director’s training program ng Star Cinema. Under that program, nag-training si Nick under Marilou Diaz-Abaya for one year.

Nabigyan naman siya kaagad ng TV directorial jobs with Maalaala Mo Kaya episodes. Isa sa mga paborito niya nagawa ay ang "Bimpo" episode with Kim Chiu and Carlo Aquino na pinalabas last June.

"Nakuha ko na kasi yung kulit at drama ng MMK with that episode. Si Kim kasi magaling na siya. Sinasabi ko lang na ganito ang emotion niyan. Tapos, meron na siyang instinct na ibigay yung emotion na kailangan ko," sabi ni Nick.

Memorable din para kay Nick ang unang MMK episode na nagawa niya with Maricar Reyes. "Kasi parehas kaming first-timers noon. First time niya din noon. Heto yung kuba siya. Kinaka-usap ko siya in character. Hindi ko siya kinakausap as Maricar.

"Ganoon din ang ginawa ko with Mariel [Rodriguez] dito sa Cinco. Kasi madami akong kukuhanan na eksena. Tapos, kapag nag-emote sila ng bongga at hinugot nila sa totoong buhay, ang hirap bumalik. Mahirap kumawala sa totoong buhay," kwento ni Nick.

"Mag-isa lang dito si Mariel. Mahirap ang episode ko. Paano ka mag-re-react na wala siyang kasama. Baka nabaliw na nga si Mariel dahil sa akin kasi ini-imagine niya ang lahat," natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Direk Nick, isang malaking sopresa ang paggawa niya ng Cinco.

"Dati ang akala ko pang-drama ako. Pero nung ginawa ko ito, ang feeling ko na parang ang saya ng horror. Parang ang sarap niyang paglaruan tuloy."

HIT GENRES. Nagbigay Direk Cathy ng kanyang obserbasyon tungkol sa mga genres na patok sa mga Pilipinong manonood sa ngayon.

"Malapit kasi sa puso ang ganitong pelikula. Kapag titingnan niyo po box-office receipts this past few years, rom-com [romantic comedy] at horror ang kumikita. For quite some time, hinawakan din ni Direk Chito Roño ang mga top-grosser tulad ng Sukob at Feng Shui and then yung A Love Story. Dalawa itong genre na mahal ng mga Pinoy," ani Direk Cathy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN