Now and Forever is Regal's fourth movie this year


(Clockwise from left) Jennylyn Mercado, Shaina Magdayao, Roxanne Guinoo, and Iya Villania are being eyed to play the lead roles in Regal Entertainment’s fourth movie this year, Now and Forever, which is inspired by a Hollywood film.



Hinahanda na ng Regal Entertainment ang magiging fourth movie nito for this year, ang Now and Forever. This film is a light teen drama about the friendship of four girls ala-Sisterhood of the Traveling Pants. Wala nga lang maong pants sa pelikula, isang picture frame ang magiging connection ng apat na bida.

Written by Fairlane Raymundo, Rahyan Carlos is set to direct Now and Forever. Tentatively, sina Jennylyn Mercado, Roxanne Guinoo, Shaina Magdayao, and Iya Villania ang gaganap na magbabarkada.

Pre-production na ang pelikula at ito ang isusunod ng Regal after its first three movies. Naipalabas na noong February ang unang pelikula ng Regal for 2007, ang Happy Hearts nina Shaina and Rayver Cruz. Seven shooting days na lang naman ang natitira for both second and third movies of Regal this year, ang Tiyanaks nina Jennylyn and Mark Herras at ang My Kuya’s Wedding nina Ryan Agoncillo, Maja Salvador, and Pauleen Luna.

Mauunang ipapalabas ang Tiyanaks kaysa ang My Kuya’s Wedding.

Pagkatapos ng principal photography ng My Kuya’s Wedding, saka naman isusunod ng Regal ang ikalawang Ryan movie, kung saan makakatambal niya ang kanyang girlfriend na si Judy Ann Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN