Paolo Paraiso shoots steamy scenes with Asia Agcaoili in "Casa"


Paolo Paraiso and Asia Agcaoili team up in the sexy film Casa. The two actors had several sex scenes that made Paolo dream about Asia.


Halatang naiilang ang sexy actor na si Paolo Paraiso nang ikuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang mga sexy scenes sa independent film na Casa.

First time daw sumabak ni Paolo sa pagpapa-sexy sa pelikula. Halos lima ang sexy scenes niya sa Casa, lahat pawang kaeksena ang sexy actress at TV host na si Asia Agcaoili.

"Iyong mga love scenes nanibago ako, at the same time natuwa. Ang hirap palang i-separate ‘yong mararamdaman mo sa eksena. Ang hirap sabihing trabaho lang ito, pero apektado ka. Kasi may physical contact, e, kaya mahirap," namumulang ikinuwento ni Paolo kung paano niya nilabanan na hindi maapektuhan sa mga sex scenes.

Ilang araw nga raw matapos ang shooting ay biglang nag-text si Paolo kay Asia. Sinabi ng aktor na may isang pagkakataon daw na napanaginipan niya ang sexy star. Nang pilitin namin si Paolo na ikuwento ang napanaginipan niya, sinabi nitong hindi raw puwedeng ikuwento dahil X-rating daw ang ibibigay dito kung isasa-pelikula. Pero ayon sa sexy actor, ganito raw siya kaapektado.

Hindi itinanggi ni Paolo na ilang beses ding nagkaroon ng "natural response" ang mga steamy scenes sa kanyang pagkalalaki. Pero matapos daw ang ilang eksena o ilang oras na nakahubad, nagtatawanan na lang daw sila ni Asia kahit gaano pa katindi o kaseksi ang kinunan.

Grabe ang naging kuwentuhan namin sa pictorial ng pelikula noong May 31. Si Asia naman, game na game sumagot sa mga tanong.

Ilang beses daw niyang inalalayan si Paolo sa mga eksena dahil alam niyang first time ito ng aktor. Inamin din nitong mas matindi pa ang ipinakita niya sa pelikula kesa sa mga instructional sex videos na nagawa niya.

Parehong single sina Paolo at Asia.

Ayon kay Paolo, hindi na raw naayos ang hiwalayan nila ni Mylene Dizon. Pero nagkaroon na raw sila ng kasunduan na magiging mabuting magulang sila sa kanilang unico hijong si Thomas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Asia naman, six months na raw walang lovelife.

"We can always hook up with no strings attached," parang nang-aakit na pahayag ni Asia.

"Nakuha n’yo ba ‘yon? Walang bawian ah!" sagot agad ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN