Iza Calzado portrays mysterious Black Lady in White House


When asked if she believes in ghosts, Iza Calzado admitted, ""I know there’s energy like that that exists, but I don’t wanna find out about that. Ayoko nang malaman pa!" White House, a horror film produced by Regal Films, has been graded "B" by the Cinema Evaluation Board.


Bukod sa mga pelikulang drama, masasabing epektibo at "suki" na rin sa mga horror o suspense-thriller movies ang maganda at mahusay na aktres na si Iza Calzado.

Taong 2005 pa lamang, nakitaan na si Iza ng galing sa pag-arte nang magwagi itong Best Supporting Actress sa Gawad Urian (ng Manunuri ng Pelikulang Pilpino). Ito ay para sa pelikula niyang Sigaw (2004), kasama sina Richard Gutierrez at Jomari Yllana.

Nakasama rin si Iza sa annual horror movie series ng Regal Entertainment tuwing Pasko, ang Shake Rattle and Roll 8 (2006), partikular ang "Yaya" episode nito, kunsaan kasama niya sina Nash Aguas, Sheryl Cruz, at TJ Trinidad. Ang SRR 8 ay dinirek ni Topel Lee.

Si Direk Topel pa rin ang director ng dalawang magkabukod na horror films na ginawa ni Iza nang mga sumunod na taon. Ito ay kapwa mula sa collaboration ng GMA Films at Viva Films.

Una ay ang Ouija (2007), isang award-winning thriller kunsaan kasama ni Iza sa cast sina Judy Ann Santos, Rhian Ramos, at Jolina Magdangal; at ikalawa ang Sundo (2009) with Robin Padilla, Katrina Halili, and Sunshine Dizon.

Kahit na Urian Best Supporting Actress na si Iza for Sigaw, nag-audition pa rin ito upang mapasama sa cast ng The Echo, ang Hollywood version ng nasabing local film ni Direk Yam Laranas, na naipalabas rin sa Pilipinas sa wakas noong 2009.

Nakasama ni Iza sa The Echo ang Hollywood actors na sina Jamie Bloch, Jesse Bradford, and Kevin Durand, at umani ng papuri mula sa mga kritiko ang Kapuso actress, earning her the title "Pinay Hollywood actress."

Ngayong October 20, muling mapapasabak sa horror genre ang galing at husay ng isang Iza Calzado sa pamamagitan ng White House.

Balik-Regal si Iza sa nasabing pelikula, bukod pa sa "reunion" of sorts niya with Topel Lee, ang kanyang director sa SRR 8, Ouija, at Sundo.

Sa telebisyon, naging director rin siya ni Iza sa Obra, ESP, at sa Kaya Kong Abutin ang Langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa White House, isang mapaghiganting Black Lady ang papel na ginagampanan ni Iza, matapos mamatay ang mga mahal nito sa buhay. Kabilang sa powerhouse cast ang nagbabalik-Regal after many years na si Gabby Concepcion; kasama rin sina Lovi Poe, Maricar Reyes, Joem Bascon, Mo Twister, Jarius Aquino, Richard Quan, Angel Jacob and Janus del Prado. Ito rin ang unang beses na mapapanood ang StarStruck V alumna na si Sarah Lahbati sa big screen.

HAUNTED HOUSE. Filmed in the actual haunted mansion along Leonard Wood Road in Baguio City, White House focuses on six contestants who join a Pinoy horror reality show. A million pesos will be given to the contestant able to survive for five days of dealing with a strange occurrences inside the creepy white house. However, as the night draws to a close, and the body count rises, the contestants realize their lives are also on the line.

Gumaganap naman si Gabby bilang spirit questor ng mga multo sa haunted house; si Maricar bilang reality TV show producer, with Janus as her production assistant.

Ang mga characters na pupunta sa White House bilang part ng kanilang "survival" sa reality contest sa istorya ay sina Lovi Poe, Joem Bascon, Mo Twister, Megan Young, Jairus Aquino, at Sarah Lahbati.


How was it working with Direk Topel sa panibago na namang horror flick, ang White House?

"Mabilis magtrabaho si Direk Topel, and he has fresh ideas talaga," sabi ni Iza. "Marami siyang bagong pinapakita parati every time I work with him. Dito sa White House, marami silang makikitang bago rito.

"May kakaibang twist sa story ng White House, hindi siya yung typical na horror film. It will definitely be one of the scariest movie na mapapanood ninyo. My character is misteryosa!

"Lagi naman akong misteryosa. Nakailang horror movies na rin ako. I always end up doing mysterious characters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kakaiba ba silang naramdaman habang nagsu-shoot sila ng White House?

"Nagkabiruan lang na habang nasa tent kami sa labas ng bahay, humangin, nilipad ang tent namin. So, lumipat kami sa White House. E, ako, I don’t want to attract that negative energy kaya work lang kami, ’wag nang mag-isip nang kung anu-ano."

Very happy si Iza dahil sa wakas daw ay makakasama na siya sa isang pelikula ang simpatikong actor na si Gabby.

Sabi ni Iza: "Noong hindi ko pa kilala si Gabby, akala ko ay shy siya. Hindi pala. There was an offer in the past, dapat gagawa kami ng pelikula pero hind naman natuloy. Finally, ngayon natuloy na and this is really the right project for us to work together."


Sabi-sabi, ang maganda ngunit "haunted" house na ’yun sa Leonard Wood Road ay isa ngang landmark sa Baguio. Isang grupo ang pinamunuan ni Aloy Adlawan upang doon mismo gawin ang script ng pelikula.

Built in the 1920s, ang ancestral mansion na ito ay pagmamay-ari ng Laperal family, isa sa pinakamatandang clan sa Baguio. Panahon ng digmaan noon nang pinatay ang buong pamilya kung kaya’t ang mga kaluluwa sa loob ng bahay ay hindi matahimik.

Personally, naniniwala ba si Iza sa multo?

"I know there’s energy like that that exists, but I don’t wanna find out about that. Ayoko nang malaman pa! Ang boyfriend ko [non-showbiz], logical thinker siya. He will give me an explanation kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay like these!"

Premiere night ng White House sa SM Megamall ngayong gabi (October 19) at mapapanood na ito sa cinemas nationwide simula bukas (October 20). Bukod dito, nag-pilot telecast rin noong Lunes nang gabi ang Beauty Queen, ang bagong teleserye ni Iza sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN