Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jennylyn Mercado gets hit by flu while shooting "Tiyanaks"

by Dinno Erece
Jun 4, 2007
Young actress Jennylyn Mercado missed the press con of the horror flick Tiyanaks last night, June 3, because she was hit by flu.

Wala si Jennylyn Mercado sa second press con ng Tiyanaks kahapon, June 3, sa Imperial Palace Suites. Siya lang ang absent samantalang nandoon ang buong cast na sina Rica Peralejo, Mark Herras, JC de Vera, Karel Marquez, Alwyn Uytingco, Jill Yulo, Ryan Yllana, and TJ Trinidad.

Nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Becky Aguila, manager ni Jennylyn, kung bakit wala ang kanyang alaga sa press con for the Regal Entertainment horror flick. Sinagot kami ni Becky na may flu raw si Jennylyn.

It seems na may kalalaan ang flu ng young actress dahil na-pack-up din ang shooting nila ni Mark sa Daranak Falls that same night of the press con, kung kaya't ang ibang stars na lang ang kinunan ni Direk Mark Reyes.

Sunday night pa rin, habang nagpapahinga si Mark sa Station 168 together with co-StarStruck boys Rainier Castillo and Mike Tan, nakatanggap siya ng isang text message mula sa production ng Fantastic Man.

Continue reading below ↓

Pack-up din today, June 4, ang taping nina Mark at Jennylyn for Mark's solo show. Today sana ang taping ng episode ng Fantastic Man kung saan bibisita ang Super Twins played by Jennylyn and Nadine Samonte.

Malamang na nagpapahinga si Jennylyn dahil tomorrow, June 5, work day niyang muli with another press con to attend—ang Angels naman nila ng boyfriend na si Patrick Garcia for Eagle Eyes Production.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa last movie ni Jennylyn, ang Super Noypi, naantala rin noon ang shooting dahil nagkasakit din siya. Same goes noon sa Eternity, also of Regal Entertainment.

Read Next
Read More Stories About
Jennylyn Mercado, Mark Herras
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Jennylyn Mercado missed the press con of the horror flick Tiyanaks last night, June 3, because she was hit by flu.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results