John Lloyd Cruz's take on love: "Kung hindi mo pinaglaban, baka hindi mo minahal?"

by Mark Angelo Ching
Nov 18, 2010
Toni Gonzaga and John Lloyd Cruz portray lovers in Star Cinema's quirky love story, My Amnesia Girl. John Lloyd says of his leading lady, Toni: "Babaeng-babae si Toni, pero kwela."

Ginanap ang presscon para sa pelikulang My Amnesia Girl noong Martes, Nobyembre 16, sa Annabel's restaurant sa Quezon City. Kasama sa presscon ang lead actors na sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga, pati na rin ang direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina.

Present din ang supporting cast na sina Ketchup Eusebio, Carlos Agassi, Joross Gamboa, JM de Guzman, Nico Antonio, Beatriz Saw, at Cai Cortez.

Pinakiusapan ang press na magtanong lamang ng tungkol sa pelikula. Ngunit naging mas interesting ang mga tanong na labas sa protocol na ito.

Halimbawa, tinanong si Direk Cathy Garcia-Molina kung ano ba talaga ang dapat itawag sa kanya. Sa promotion kasi ng My Amnesia Girl, tinawag si Direk Cathy na "Box-Office Director." Ayon sa ibang taga-press, iyun din daw ang tawag kay Direk Wenn Deramas.

Ilan sa mga pelikula ni Direk Cathy na tumabo sa takilya ay ang One More Chance, A Very Special Love at You Changed My Life. Lahat ng pelikulang ito ay mula sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula rin sa Star Cinema ang ilan sa mga kumitang pelikula ni Direk Wenn, tulad ng iba't ibang installments ng Ang Tanging Ina.

Sagot ni Direk Cathy ay naasiwa daw siya sa mga ganitong titulo. "Alam niyo naman pong ever since, e, medyo allergic ako sa tawag na yun kasi natatakot akong matawag na mayabang na ma-ano, so ako po, maraming salamat sa tawag na yun pero kung sa iba po ibibigay, wala pong problema sa akin. Basta po kami, gawa lang ng pelikula. Puyat. Thank you po," sagot nito.

May pagkakataon namang itinanong kay John Lloyd kung willing siyang suyuin ang isang babaeng kinalimutan na siya.

Sagot ni John Lloyd, "Alam niyo, ang katotohanan diyan, medyo mahirap na magkaroon ng ibang kahulugan ang isasagot ko. But nonetheless, ang sagot ko, para sa isang taong nagmamahal, dapat ipaglaban mo yung taong mahal mo... Ngayon, kung hindi mo pinaglaban, baka hindi mo minahal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinanong din sa cast ng My Amnesia Girl ang parehong tanong kay John Lloyd.

Maikli lamang ang sagot ni Toni. "Iisa lang ang sagot. Kung mahal mo siya, gagawin mo ang lahat," saad niya.


Sagot naman ni Nico Antonio, na gumaganap bilang gay friend ni Toni sa pelikula, "Depende kung mahal din niya ako. Siyempre naman. Kasi, kahit hindi na niya ako naaalala, ako naman naaalala ko siya. So we have that thing in the past, so it would be a challenge for me to rekindle that love again. Again and again."

Sang-ayon dito si Beatriz Saw, na kaibigan din ni Toni sa pelikula. "Tingin ko kung nagka-amnesia siya, susuyuin ko po siyempre. May mga bagay na hindi natin basta-bastang maitatapon... Pero kung kinalimutan na niya ako, indikasyon na po yun na kailangan ko na pong mag-move on," paliwanag niya.

Halos pare-pareho naman ang sagot ng apat na aktor na gaganap bilang kaibigan ni John Lloyd sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Carlos Agassi, "Ako po, based on my experience, siguro, kunwari six years na kami ng girlfriend ko, tapos biglang nagka-amnesia siya. Parang mas magbe-benefit ako dun kasi, kumbaga lahat ng mga pagkakamali ko e, puwede kong itama at wala siyang naaalala. Fresh na naman."

Pahayag naman ni Joross Gamboa, "Depende yun sa sitwasyon, kung mahal mo pa siya o hindi na. Kung mahal mo pa yung girl, e mas maganda sigurong ipaaalala mo sa kanya lahat, pati mga pagkakamali mo. Puwede namang kayong magsimula nang parang patas kayong dalawa, na alam din niya [everything] about you. So mas maganda kung wala kayong suspense para makilala niya agad yung totoong ikaw."

Maikli naman ang sagot ni JM de Guzman. "Ako po simple lang. Itutuloy ko po dahil isa po akong alipin ng pagmamahal."

Maikli din ang tugon ni Ketchup Eusebio. "Depende po yun kung bakit niya ako nakalimutan."

Ayon naman kay Cai Cortez, na asawa ni Ketchup sa pelikula, hahayaan niya ang karelasyon na magdesisyon para sa kanilang dalawa. "Ako po depende rin. Pero unang-una ko pong gagawin, papaalala ko po lahat ng nangyari, pero he'll decide kung gusto niya pa o hindi. Saka ko siya liligawan ng isang lambing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SYNOPSIS. When Apollo (John Lloyd Cruz) discovers all his friends married or getting ready to settle down, he is pressured to do the same. Fate takes a hand and he runs into Irene (Toni Gonzaga), an ex-girlfriend. Apollo and Irene were the perfect couple until circumstances caused their breakup.

Now, Irene has no recollection of Apollo, having suffered from amnesia shortly after their separation. Apollo sees this as the perfect opportunity to pursue Irene again, and to undo the mistakes he made in the past.

But the past catches up with them, and challenges them to finally own up to the truth. In the end, Apollo and Irene realize what it is to forgive and forget.

My Amnesia Girl opens on November 24, 2010 in cinemas nationwide.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga and John Lloyd Cruz portray lovers in Star Cinema's quirky love story, My Amnesia Girl. John Lloyd says of his leading lady, Toni: "Babaeng-babae si Toni, pero kwela."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results