Jennylyn Mercado felt nervous while shooting passionate love scenes in Rosario

by Nora Calderon
Nov 24, 2010
"Ngayon po lamang ako gumawa ng ganito ka-delicate at passionate love scenes, nagpakita ng skin," admits Jennylyn Mercado (right), who plays the title role in the Metro Manila Film Fest entry, Rosario. "Kinabahan po ako pero nagtiwala ako kay Direk Albert at sinuportahan naman ako nina Dennis Trillo (left) at Yul Servo."

Ang big question na itinanong kay Mr. Bong Santamaria, executive ng Cinemabuhay na producer ng Rosario sa presscon kahapon, November 23, ay kung paano magpu-promote ng movie sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa TV5 habang exclusive contract stars sila ng GMA-7?


Co-producer kasi ng Cinemabuhay ang Studio 5, ang movie arm ng TV5. Ayon sa producers, susulat daw sila sa GMA Network at magri-request na payagan ang dalawa na makapag-promote sa Kapatid network.


Wala sa presscon si Direk Albert Martinez dahil inaasikaso nito ang kapatid na si William na nasa ICU ng St. Luke's Medical Center. Na-stroke kasi si William the previous night (November 23).



Sina Jennylyn at Yul Servo lamang ang present sa naturang presscon. Ayon kay Jen, may taping ang kanyang boyfriend na si Dennis Trillo para sa Show Me Da Manny kaya wala siya noong araw na ito.

Wala namang sinabi kung bakit wala si Isabel Oli na kasama rin sa cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Isang liberated woman si Rosario sa story, ganoon din ba si Jennylyn sa totoong buhay?


"Hindi po ako liberated woman," sagot ni Jen. "May limitations pa rin ako, pero siguro ang nakuha ko sa character ni Rosario, iyong pagiging strong niya. Ako po, sa kabila ng mga pinagdaanan ko na, narito pa rin ako, nakatayo.

"Mapagmahal po sa mga anak niya si Rosario, ako rin, mahal na mahal ko ang anak kong si Alex Jazz.

"Ngayon po lamang ako gumawa ng ganito ka-delicate at passionate love scenes, nagpakita ng skin, kinabahan po ako pero nagtiwala ako kay Direk Albert at sinuportahan naman ako nina Dennis at Yul."

May pressure ba kay Jennylyn na ang makakalaban niya sa MMFF awards night ay malalaking artista, tulad nina Ai-Ai delas Alas, Kris Aquino, at ang kapwa Kapuso star na si Marian Rivera?

"May pressure po sa akin dahil malalaki at mahuhusay silang artista," sagot ni Jennylyn. "Basta ang maipapangako ko lamang, maganda po ang aming movie at ako, ginawa ko lahat ang hinihingi ng character ni Rosario at nagtiwala po ako kay Direk Albert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po ako nag-i-expect ng anuman. Request ko po lamang, panoorin nila ang movie at sana ay magustuhan nila."



SYNOPSIS.
The film tells the saga of Rosario (Jennylyn Mercado), a young and liberated woman in the 1920s who has just arrived from New York , and is spending her vacation in their hacienda.

"There, she meets and falls in love with Vicente (Yul Servo), an older man who manages the tobacco plantations owned by Rosario's family. When Rosario's father (Phillip Salvador) finds out about his daugher's scandalous affair, he sends Rosario to a convent.


She escapes and elopes with Vicente to Manila where they raise a family. But Rosario 's life of married bliss slowly crumbles when Vicente becomes ill with tuberculosis, and she is lured to committing adultery. Temptation and scandal still hound Rosario as she continues to defy the moral restrictions of her time.

Based on a true story and set in one of the most colorful periods in Philippine history, Rosario is a monumental yet intimate portrait of a woman's emancipation and the sometimes painful consequences of following one's desires.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


The other members of Rosario are Dennis Trillo as Alberto, Sid Lucero as Carding, Isabel Oli as Carmen, Eula Valdes as Donya Adela (mother of Rosario), and Ricky Davao as Señor Miguel.

Dolphy is cast as Mang Jesus, son of Rosario and Alberto, the narrator of the story.


Click here to visit PEP's microsite

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ngayon po lamang ako gumawa ng ganito ka-delicate at passionate love scenes, nagpakita ng skin," admits Jennylyn Mercado (right), who plays the title role in the Metro Manila Film Fest entry, Rosario. "Kinabahan po ako pero nagtiwala ako kay Direk Albert at sinuportahan naman ako nina Dennis Trillo (left) at Yul Servo."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results