Six entries for MMFF 2007 to be announced on June 8


Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo star in Sakal, Sakali, Saklolo—one of the entries vying for the December 25 to 31 playdate of the Metro Manila Film Festival this year.


Sa Biyernes, June 8, ay nakatakdang i-announce ng Metro Manila Film Festival (MMFF) executive committee ang six official entries para sa December 25 to 31 playdate. Marami raw isinabmit ang mga producers, patunay na marami pa ring interesadong sumali.

Pero ang alam lang ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na mga pelikulang sumali ay ang Bahay Kubo at Shake, Rattle & Roll 9 ng Regal Entertainment; Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema; Mommy Ko Si Daddy ng Unitel Pictures; Mr. Housewife (Maybahay Ko) ng OctoArts Films; at Resikulo ng Imus Productions.

Nakausap ng PEP sa press con ng Tiyanaks si Direk Mark Reyes, na siya ring magdidirek ng Resikulo. Sci-fi fantasy action daw ang pelikula na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla. Mas malaki raw ito sa Exodus at hindi pa man nagsisimula ang shooting, gusto na ni Bong na gumawa ng sequel. Back-to-back ito at ang sequel ay sa 2008 MMFF ipalalabas.

May mga eksenang kukunan sa Cavite at magpapagawa ng studio si Bong sa Metro Manila para lang sa pelikula. Ang cast ay combination ng talents ng ABS-CBN at GMA-7, kaya assured na itong maipo-promote sa two giant networks.

Sabi ni Direk Mark: "When Bong read the script, he freaked out. This is really a big and expensive project. We’re starting shooting last week of June."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN