Judy Ann Santos and Dennis Trillo to star in Regal Films' "Kulam"


The Judy Ann Santos-Dennis Trillo tandem will be tested in the Regal Films movie Kulam, which will start taping this month.


Sa July pa ipalalabas ang Ouija, ang second GMA Films movie this year starring Judy Ann Santos and Jolina Magdangal, together with Iza Calzado and Rhian Ramos.

Still, napakarami nang naka-line-up na dapat ding gawin ni Juday this year, some of them already announced, tulad ng Sakal, Sakali, Saklolo na sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema; Mr. Housewife for OctoArts kung saan committed din si Juday; at ang isa pang Regal Films movie with Ryan Agoncillo, Through The Years.

Wala sa tatlo ang mauunang gagawin ni Juday but magsisimula na this month ang shooting ng Kulam.

Ang Kulam ang isa sa two-movie contract na pinirmahan ni Juday sa Regal Films. Hindi si Ryan ang makaka-partner niya rito kundi si Dennis Trillo.

Hindi rin si Dennis ang first choice to play Juday’s leading man ngunit when it was finalized, ang Kapuso star ang napili.

Kulam is written and directed by Jun Lana, ang follow-up movie niya for Regal after Gigil last year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN